The S4

11 1 0
                                    

"The secret to remember someone is to care."
- Keith Ferrazzi

S4

SUNNY

"Tara na."

Yan ang huling sinabi ni Tori.

BLAG!

Pagka kalampag ng pinto unti-unti naring bumagsak ang luha ko. Bakit ba kasi ganun!

"Nasan ka kanina? Bakit si Elle ang pumunta at nandito?"

"Nasan ka kanina? Bakit si Elle ang pumunta at nandito?"

"Nasan ka kanina? Bakit si Elle ang pumunta at nandito?"

Paulit-ulit na pag-p-play nito sa utak ko. Putek! Yang Julian Elle kasi na yan eh...nakakaiyamot! Bakit hindi nya sinabi na nandoon ako, ha?!

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko.

Pagka-angat na pagka-angat ko palang ng ulo ko may humawak na sa pisngi ko at pinasadahan ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi.

Nagulat talaga ako.

Hindi ko inaasahan sya pa talaga ang dadamay sa'kin.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Pagkalabas namin ni Elle hinatid niya lang ako sa may athlete's room. Malapit lang naman ito sa clinic. Sabi niya babalikan nya raw ako may pupuntahan lang raw siya magpahinga muna ako.

Phew.. inaantok na 'ko.

---

Nagising ako ng may malakas na bell na tumunog.

Hala! Nakatulog ba ako sa klase?

Maya-maya na alimpungatan na ako... Wahhhhh! Bakit ako nandito sa Athlete's room? Diba kanina pumasok ako sa room tapos pumunta ako sa locker tapos-------------
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"OMEGUSHINESSSSS!!!!"

Bigla namang pumasok si Linzee(ka-player ko)

"Hoy! Anong nangyayari sayo buti napadaan ako dito!?" pasigaw nya pang sabi sa'kin.

Natulala nalang ako at napa-singhap.

Naaalala ko na! No freakin' way. Bakit ba kasi tuwing aatakihin ako ng phobia nakakalimutan ko ang mga nangyayari.

"Ayos lang ako. Ayos lang ako." Nakatulala ko paring sabi.

Kaya ako nandito kasi dinala nga pala ako rito ni Elle.

Ito nga palang athlete's room ay matatagpuan sa isang building na tinatawag na athlitís pero translation lang yon ang totoo nyang pangalan ay αθλητής. Ang pangalan ng mga building sa school namin ay mga greek word. May pagkamaarte naman kasi yung school basta andaming buildings, etc.

Back to reality......

"N-n-nasaan s-si ano.... Si" utal ko pang sabi.

"SINO!" sigaw ni Linzee.

"SI ELLE AT SUNNY!" sigaw ko rin.

"ABA, HINDI KO ALAM!"

"E BAKIT KA NAGAGALIT?!" sagot ko.

"SUMISIGAW KA E!"

"IKAW ANG SUMISIGAW E!" naiiyamot na talaga ako. Dagdag pa si Linzee sa problema ko. Maghad!

"E HINDI N--" naputol ang sasabihin nya ng may pumasok sa pinto. Pumasok sa pinto ang dalawang taong kailangan kong hingan ng pasensya.

Bigla naman akong nahiya at si Linzee umalis na. Tignan mo pagkatapos akong sigawan, aalis. Di na talaga mawari ang mga tao ngayon.

It Can't Where stories live. Discover now