Chapter 24

628 54 5
                                    

***Cheska's POV***

Airport.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pagkatapos ng mahigit sampung taon, ngayon ko lang ulit siya makikita.

Kaba. Excitement. Parang nagpa-palpitate na ang puso ko...

Kasama ko si Luke na magsusundo. Nagpresinta siyang samahan ako ng malaman niyang uuwi ito.

"Relax, bro! Oh... you don't look like one now.." sabay ngiti nitong may pang-aasar.

Papaano naman kasi kinailangan kong magmukhang normal. Walang sombrero at contact lens para makilala ako ni Papa. Siya ang kikitain namin ngayon dito sa airport.

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ay in-announce na ang paglapag ng eroplanong sinakyan ni Papa. Lalong dumagdag ang aking kaba. Ano na kayang itsura niya ngayon? Makikilala niya pa kaya ako? Ano kayang magiging reaksiyon niya?

Naghintay pa kami ni Luke ng kalahating oras hangang magsilabasan na sa arrival area ang mga pasahero.

Madaming foreigners kaya nalulula ang mga mata ko sa kakatingin at pagsusuri sa mga taong lumalabas.

"There! I bet he's your dad. He looks like you. Boy version." sigaw ni Luke.

Napatingin ako sa itinuro ni Luke. Napanganga ako sa nakita ko. Biglang bumundol ang mas malakas na kaba sa dibdib ko. Palagay ko siya na nga... Nararamdaman ko na.

Palinga-linga din ang lalaking tinutukoy namin. Hangang sa mapunta ang tingin nito sa banda namin ni Luke.

Nagulat ako nang magkakaway si Luke sa kanya at itinuturo pa ako... Kinabahan pa rin ako kasi baka iba nga ang taong pinaghihinalaan namin.

Napatulala naman ang lalaki ng makita si Luke sa ganyang ginawa. Napako ang tingin nito sa akin.

Those eyes.... I remember those eyes... Parehong-pareho ng sa akin. Ang kanyang buhok na medyo wavy din.... Ang gwapong mukha na iyon..... Siya nga... Siya na nga si Papa!

Naluluha ako habang mataman siyang nakatingin sa akin sa malayo.

Katulad ng mga luha ko, hindi na mapatid ang tingin nito habang lumalapit sa banda namin.

Nakurot ko na ata si Luke sa braso sa sobrang kaba.

Hangang sa makalapit na siya ng tuluyan.

"B-aby?.... C-heska?.... My baby..." nauutal na tanong nito.

Tumango lang ako at hindi ko na napigilang umiyak.

Dali-dali ko siyang niyakap.

"P-apa? Papa! Huhuhuhu!"

Ramdam ko ang higpit at init ng yakap ng Papa ko... at humahagulhol din siya.

"It's you! I can't believe this. I've been praying for this for a very long time... Finally I've found you my baby. Thanks God!"

"I miss you so much, Papa..."

"I miss you more baby..."

Parang ayaw ko ng bumitaw sa kanya. Naalala ko noong bata ako. Mas close ako sa kanya keysa kay Mama dangan nga lang at may trabaho siya sa ibang bansa.

Ang saya ng puso ko. Pero di mapatid ang aming iyakan.

"Hi, Sir!" putol ni Luke sa amin.

Napatingin kami pareho kay Luke. Nakalimutan ko ng kasama ko pala ito.

"Ahm Papa by the way... this is Luke. Luke.... my Papa."

"Your boyfriend?" tanong ni Papa.

Napangiti naman si Luke dahil sa kanya nakatingin si Papa. Parang siyang sinusuri nito. Hindi ko na na-sagot ng tama si Papa sa sobrang pagkagulat.

"Nice meeting you. Are you taking care of her?"

"Of course, Sir!" ang lawak ng ngiti ni Luke. Feeling close. Palibhasa amerikano din.

"Good!"

Napatingin naman ako kay Papa. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya.

"Come on baby... Let's go home. Come with us Luke."

Nakayakap pa rin ako kay Papa hangang sa sasakyan. Nagulat na lang ako dahil may sumundo sa amin.

Dinala kami ng sasakyan sa dati naming bahay. Di ko napigilang tignan ang bahay nina Dale. Parang walang tao ngayon. Siya ang nagbigay ng detalye sa akin ng uwi ni Papa. Akala ko nga ay sasamahan ako nito sa airport pero walang sinabi.

Tumayo ang mga balahibo ko nang makapasok kami sa aming bahay.... Sa napakatagal na panahon... Nakabalik rin ako dito...

Katulad kina Dale ay may nag-aalaga din ng bahay sabi ni Papa. Minsan daw ay umuuwi siya dito at nagbabakasakaling matagpuan niya kami. Baka daw kasi isang araw ay maisipan naming bumalik ni Mama.

Bigla kong naalala si Mama.

"Ey, baby.. why the sad face? I'm here now... and we're home..." sabay halik nito sa buhok ko.

"I just remember Mama.... and my siblings..."

Kumunot ang noo niya.

"You have siblings?"

"Yeah, two brothers."

Napabuntong-hininga na lang siya. So wala nga rin siyang alam.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya.

Ang huli kong naalala sa bahay na ito ay kausap siya ni Mama sa phone. Pagkatapos noon ay luhaang nag-empake na si Mama at kasama akong umalis. Wala akong alam sa nangyayari noon.

At doon na nga sila nagsama ni Tito Andy... na ni minsan ay hindi ako tinangap.

"Do you have any idea where she is?"

"Who? Mama?"

Tumango siya.

"None. After she let me escaped that day... I no longer had contact with her... She and my little brothers were left there with Tito Andy. Mama let me ran to avoid Tito Andy's fury...." naiiyak na naman ako pag naalala ko iyon. Ang huling araw na magkasama kami ni Mama at ng mga kapatid ko.

"What?! That man hurt you and your mom?!" Hindi siya makapaniwala.

"He's beating Mama each time he gets drunk."

"Shit! What have I done? Fu*k! I thought she's happy with that man? That's what I heard from her sister... That's why I was so mad at her and let her leave.... Oh my God... I didn't know all of that baby..." Hindi pa rin siya makapaniwala.

"You didn't believe Mama?"

Puno ng pagsisising tumingin siya sa akin at tumango.

"All I know is she fooled me, she had an affair with that guy while I was away..."

"I don't think Mama loves that man... She was treated like a slave and Mama couldn't do anything about it.. She feared Tito Andy.."

"I don't know what to think now baby... but I couldn't help blaming myself for what happen to both of you..."

"Can we find her, Papa?"

"I had tried... but her sister told me that you and her were dead... I don't know but I didn't believe her.... and you're here now..."

"I will search for her, Papa..."

"Okay, baby we'll search for her."

Sana itulot pa ng Diyos na mabuo ang pamilya namin... Hahanapin ko si Mama at ang dalawa kong kapatid.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Where stories live. Discover now