Chapter 79

717 67 11
                                    

***DJ's POV***

Nasa himpapawid na ngayon ang eroplanong sinasakyan ko papuntang Germany.

Sobrang bigat ng aking pakiramdam.

Ironic. Dati umalis ako ng Germany para takasan ang kagustuhan ni Dad na kumuha ako ng business course. Ngayon ay heto at pabalik ako para kuhanin iyon.

Hindi na ako nagpahatid sa airport sa kahit na sino man sa kanila. Ayokong makitang nalulungkot sila sa pag-alis ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakita ko na silang umiyak.

I remember my last conversation with Tsiko a week ago.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila nang sinabi niyang gusto niya na akong kausapin.

I was so happy ng mga oras na iyon.

Tinext niya ulit ako na nasa bahay na siya so I went there with excitement.

Ngunit ang naabutan kong Tsiko na nakaupo sa living room ay sobrang seryoso.

She directed me to sit in front of her. Nakita ko sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan. Parang may mabigat na dinadaramdam.

"Tsiko..."

Ngumiti siya ng pilit.

"Sorry sa inasal ko doon sa beach..." paninimula niya.

"It's alright. I understand."

"Napag-isip isip kong mali iyong ipinakita ko sa iyo... I'm your bestfriend at dapat ay suportahan kita sa mga bagay na ganito...."

Napangiti naman ako.

"I will no longer be mad kung aalis ka... Tama lang iyang desisyon mo... It's for your future and your family's also... Medyo malulungkot nga lang ako kasi medyo nasanay na akong lagi kang nakikita at nakakasama... I'll try to think it on a different way na lang... Dati naman kasi hindi tayo magkakilala... I mean... before na maka-alala ako... So dapat ganoon na lang iyong i-set ko sa sarili ko... Wala ka naman dati sa paligid so I shouldn't be that sad na mawawala ka ulit..."

Natigilan ako sa sinabi niya...

"What do you mean?" paglilinaw ko sa kanya.

"I'll try to live the same way I lived before... noong wala ka pa..."

"You mean kakalimutan mo ako?"

"Not necessarily... Iisipin ko na lang na dati ay wala ka naman so there should be no difference kung mawawala ka ulit."

I was deeply hurt sa sinabi niya...

I'm even trying to get her "yes" bago man lang ako umalis pero heto at gusto niya na akong kalimutan...

"Tsiko... You can't do that..."

"Why not? This is for both of us... Ayokong umasa at paasahin ka... Maraming pwedeng mangyari sa bawat isa sa atin sa loob ng ilang taon... Pwedeng makahanap ka doon ng bagong bestfriend... or kasintahan... Makakalimutan mo rin ako."

"Tsiko... Ikaw lang ang gusto ko, okay? Wala akong ibang babaeng gustong makasama kung hindi ikaw lang..."

"Nope. Don't tell me that... Madami kang makikilala doon. Don't limit yourself sa mga opportunities na naroon. Hindi ako selfish para pigilan kang makakilala ng ibang babae doon... Wag mo akong alalahanin. I'm fine... I'm not even sure din kung magtatagal kami dito sa Pilipinas ngayong makakalabas na si Mama. Sabi ko nga saiyo baka sa US na rin kami dalhin ni Papa.... So wag na nating pahirapan ang isa't-isa... We can just go on with our lives.."

I was not ready with it.

Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko.

She will be far away from me... And she's letting me go...

"Tsiko... Don't you love me?"

Hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko...

"Like what I said... Ayokong i-limit mo ang sarili mo sa akin... Makakahanap ka din ng ibang babaeng pag-uukulan mo ng damdamin."

"Just answer my question! Do you love me?"

Hindi siya sumagot.

"Tsiko... Do you love me?" I repeated myself.

Tinignan niya ako ng direkta sa mata.

"I... I love you as my bestfriend."

"Yun lang?"

"Yun lang." followed by the blank expression on her face.

"Don't you feel the same way I feel for you?"

Umiling lang ito.

Ang sakit... Akala ko pareho kami ng nararamdaman...

"I'm sorry Pre..."

Humugot ako ng malalim.

"Okay..." yun na lang ang nasabi ko.

"Goodluck saiyo doon... Mag-focus ka sa pag-aaral mo... Make them proud... I know kaya mo iyan... You'll be as successful as your dad. I know you can..."

"Okay... Goodluck din... Sana kung magkita man tayo someday... You'll be the same Tsiko that I know... the same Tsiko that I love..." ang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko na napigilang mapaluha.

Napayuko na lang ako.

She half-smiled.

"Goodluck.... and thank you for everything..." ang tanging sagot niya.

Lalo akong napaluha...

She tried to stay as firm as possible.

"Can I request for the last time?" tanong ko sa kanya kahit hirap na hirap na ang damdamin ko.

Napatingin siya sa akin... nagtatanong ang kanyang mga mata.

"Can I hug you?"

Nakita kong pumatak na ang luha niya.

I moved to her and hugged her tight. Parang ayaw ko na siyang pakawalan.

"I love you so much Tsiko... I won't promise... But I'll be loving you as long as I live... Sana... Sana... may Tsiko pang maghihintay sa akin in the future..."

She didn't answer.

I met her eyes. I held both of her shoulders.

Pero yumuko lang siya.

I lifted her chin...

"I love you Tsiko... I'm gonna miss you..."

I wasn't able to fight my feelings... I kissed her lips... a long deep passionate kiss.

Hindi siya tumutol.

When I opened my eyes nakita ko ang masaganang luha na dumaloy mula sa kanyang mga mata.

"Mami-miss din kita Dale..."

Niyakap ko ulit siya pero agad siyang kumalas.

"Goodbye Dale... See you when I see you..."

"I don't want to say goodbye, Tsiko... Someday... I'll find you..."

Tumalikod na ako at lumabas ng kanilang bahay.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami muling nagkita.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon