Chapter 26

638 55 11
                                    

***May's POV***

Pilipinas.

Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nasa sariling bansa ka.

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin pauwi dito.

Isa itong sorpresa para sa anak ko. Hindi namin siya sinabihan.

"Here we are!" Nakangiting wika ni Edward.

"You're happy." nakangiti ring tugon ko sa kanya.

"Of course! I'm so happy lalo na't nakikita kong happy ka, love... This is all for you... You deserve this." sabay hawak nito sa baba ko at ginawaran ako ng isang mabilis na halik.

Kumapit ako sa braso niya at inihilig ko ang aking ulo. Mahal talaga ako ng asawa ko. Kahit alam kong napilitan lang itong umuwi para samahan ako. Madami din kasi siyang inaasikaso sa mga negosyo niya sa Germany. Pero mas binigyan niya pa ring halaga ang kaligayahan ko.

Dumating ang sundo namin. Si Mang Nestor, ang family driver namin dati at kasalukuyang caretaker ng dati naming bahay. Sila ng asawa niyang si Aling Aida ang tumitingin at naglilinis ng bahay habang wala kami.

"Sir, Maam. Kumusta po ang biyahe?"

"Okay naman po. Mang Nestor daan po muna tayo sa dating office ni May... Nandun ata si DJ ngayon. Sunduin natin siya."

"Opo, mga hapon o gabi na po ang uwi nun sa bahay."

Balak naming sorpresahin si DJ. Sa darating na Sabado gusto kong pumunta kami ng Cebu. Gusto kong marating at makita ulit ang paborito kong resort doon. Ngayon na makakasama na namin si DJ.

---
Nakarating kami sa building ni Marco. Wala pa ring masyadong ipinagbago ito.

Bumaba kami ni Edward ng sasakyan at naiwan si Mang Nestor.

Papasok na kami sa compound ng building nang may humawak sa braso ko...

"M-are.... "

Nagulat ako. Agad na inalis ni Edward ang kamay ng humawak sa braso ko.

"E-dward..?"

Nagkatinginan kami ni Edward.

Isang pulubi ang kaharap namin. Malapit na ito sa itsura ng isang taong-grasa.

Madungis ang kabuuang itsura nito at punit-punit pa ang damit niya.

Mataman kong tinignan ang babae.. Biglang kumabog ang dibdib ko..

"Mare? C-hery? Ikaw ba iyan?"

Pilit ko siyang kinikilala.

Napayuko ito at maya-maya ay humikbi ito. Nagpunas siya ng kanyang luha at tumingin ulit sa akin.

"Salamat at nakilala mo pa ako... Tulungan mo ang anak ko..."

"Chery?" tanong din sa kanya ni Edward.

"A-kala ko ikaw iyong nakikita ko... at nakausap ko... Eh sino iyon?" nagtatakang tanong nito kay Edward.

Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Baka si DJ ang nakita mo... Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari saiyo?" Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito siya.

Ngumiti siya ng mapakla.

"May, let's take her home first. Mukhang kailangan niya---" ang sabi ni Edward na agad kong pinutol.

"Lika ka na Mare... Sama ka muna sa amin. Saka ka na mag-kwento."

Napagpasyahan namin na sa bahay na lang hintayin si DJ. Mas kailangan naming pagtuunan ng pansin ngayon si Chery. Di pa rin kami makapaniwala ni Edward.

Nakatulala lang siya sa loob ng sasakyan.

Nagkaka-tinginan na lang kami ni Edward. Pinisil naman nito ang kamay ko.

Nakarating kami sa bahay. Dumiretso ang sasakyan sa loob ng garahe.

Pero bago nakapasok sa gate ang sasakyan ay biglang napatingin sa labas ng bintana si Chery... Alam kong tinitignan niya ang bahay nila.

Nakapasok na kami sa bahay. Magkatulong na ipinasok ni Edward at Mang Nestor ang mga bagahe.

Kaytagal din bago kami naka-balik dito. Nanariwa sa alaala ko ang nangyari noon nang makita ko ang hagdan pero pilit ko itong binalewala.

"Halika na, Mare. Maligo ka muna tapos kakain tayo habang nagkukwentuhan mamaya.." sabi ko sa kanya ng nakangiti. Pero sobrang awa ang nararamdaman ko para dito. Mukhang napakahirap ng pinagdaanan nito para umabot siya sa ganitong itsura. Malayo sa masayahing Chery na dati kong sekretarya noon.

Umakyat kami at pumunta sa kwarto. Napakasinop ni Aleng Aida at naalagaan niyang mabuti ang bawat parte ng bahay.

Binuksan ko ang kwarto namin ni Edward at dinala doon si Chery.

Naghanap ako ng damit sa closet na pwedeng ipasuot sa kanya at dinala ko na siya sa banyo.

Tinulungan ko itong maglinis ng katawan. Awang-awa ako sa itsura nito nang maghubad ng damit. Halos buto't balat na ito. Nakakakain pa kaya siya? Naluha ako ng tila nilamig ito ng madampian ng tubig sa shower. Tila ngayon lang ulit ito nakaranas ng ligo. In-adjust ko ang temperatura ng tubig sa shower bago ko ito muling binuksan.

Nang matapos at makapagbihis ay niyaya ko na siyang bumaba sa sala. Nagbalik na rin kahit papaano ang dati niyang itsura, dangan nga lamang at sobrang payat na nito at nangitim na rin ang kanyang balat dahil siguro sa pagkakabilad sa araw.

Mukha siyang normal kapag nagsasalita pero nahuhuli kong natutulala na lang ito sa kawalan maya't maya.

Paniguradong matinding depression din ang pinagdaanan nito. Naluluha akong tignan ito habang tulala lang na nakaupo.

---
Nasa kusina si Edward at tila kausap ang mag-asawang Aling Aida at Mang Nestor. Tinawagan ni Mang Nestor ang kanyang asawa kanina at sinabihang sa bahay muna sila tumuloy ayon sa bilin ni Edward.

Maya-maya ay sinaluhan kami ni Edward sa sala. Tumabi ito sa akin habang nasa harap na upuan naman si Chery.

"What happen to you Chery?" tanong ni Edward.

Yumuko ito at nagsimula na namang umiyak.

"Okay lang kung hindi ka pa handang magkwento... Pero para sa kaalaman mo, nahanap na ang anak mo Mare.." ang sabi ko sa kanya.

Nagulat si Edward sa sinabi ko. Napakunot ang noo nito.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Chery. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

"Sabi ko na nga ba... siya iyon.... siya nga iyon... Ang anak ko nga iyong nakita ko sa terasa ng kwarto ni DJ."

Pareho kaming nagulat ni Edward.

"Sa terrace ng kwarto ni DJ?" ulit ni Edward.

Tumango lang ito.

Nagtatanong na tumingin sa akin si Edward.

Itinaas ko ang kamay ko at nagkibit-balikat.

Paano niya nakita si Cheska? At sa labas pa ng kwarto ng anak ko? Anong ginagawa nito doon?

I think DJ owe us an explanation.

My Blue Eyed Bestfriend(MAYWARD continues...)Where stories live. Discover now