Catwolves

158 43 35
                                    


CHAPTER:1

" Ngayon, sasagotin mo na ako?"

Tinitingnan ko siya ng masama. Why do I hate this man so much.

"Pwede ba magsalita ka nalang".

Tinitingnan ko pa rin siya ng masama. Matangkad siya kung kaya't nakatingala ako sa kanya.

He sighed. Mukhang suko na siya sa akin.

"Wala ka bang balak magsalita?"

Pinipilit kong wag magsalita dahil baka lumubog ang mundo pag nagsalita ako.

" Look, all I want is Sagotin mo ako. Mahirap ba yun."

Hinahanap ko sa puso ko ang mga rason kung bakit hindi ko siya dapat sagotin. Maraming dahilan. MAS marami pa sa marami ang mga dahilan na naipon ko. Gustong-gusto ko itong isumbat lahat sa kanya. Kaso ayokong magsalita.

" FINE."

Napahawak siya sa ulo niya't inilipad sa ere ang mga kamay niya. Sana sumuko na siya.

"Let's play a game."

Mas lalo ko siyang tiningnan ng masama.

"I am not in a mood." At last nagsalita din ako.

"At kelan ka magkakaroon ng mood? Bukas. Mamaya? O Next week"

"Never.!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Teka.! Pangit ba ako para ayawan mo hah? Ako ang pinaka gwapong tao na nag iisang may gusto sayo."

At ang hangin ngayon ng mundo.Psssshh.

 " Tama ka. Gwapo ka at may gusto ka sa akin. Obvious naman eh. Since Elementary pa lang nagpapansin kana sa akin. But sadly, hindi kita kayang mahalin."

Tama. Ito na ang oras ng prankahan. Dapat ko na itong ilabas. Tama! It's now or now.

"Te-teka. Ang sakit naman no'n. Hindi mo pa nga ako sinasagot eh."

"Sinasagot!Duh. Tingnan mo nga sarili mo. Mas malala ka pa sa tarantado ang itsura. Mali, mas malala pa sa mga adik at tambay na nadadaanan ko sa kanto."

"Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Hindi. Mas malala pa dun ang tingin ko sayo. Dahil wala ka naman ibang inatupag kundi ang mga barkada mo na mga gangster na walang ibang ginawa kundi mag bully at mag vandalize."

"Teka. Wag mo naman isama mga kaibigan ko dito."

"At bakit hindi. Di ba bukod sa pag gasta mo ng pera ng pamilya mo,eh, sa kanila lang naman umiikot ang mundo mo. Sabihin mo nga sa akin kung saan parte sayo ako meron magugustuhan. Bukod sa kagwapohan mo."

"Mali ka. Dahil ikaw ang mundo ko at hindi sila."

"Shadaaaap."

Nakikita ko sa mga mata niya na wala ng emosyon "Totoo yun. Dahil sa t'wing nerereject mo ako sa araw-araw ko na pagpapansin sayo. Lagi silang nandyan. At para mawala ang sakit sa puso ko. Ginawa naming libangan ang magbully at vandalism."

"So, sinasabi mo ba sa harap ko na kasalanan ko pa? Kasalanan ko ang dahilan ng kaguluhan dito sa campus na kayo ang may gawa."

"Why do you look down to me. I even participated at school. I excelled in all my subject. What's wrong with me. What is it that I don't have. Sabihin mo.! Pera? I have those. I owned half of this school. Kung gusto mo ibibigay ko yun sayo. Just love me."

Nababaliw na talaga siya. Hindi niya na alam ang mga pinagsasabi niya. Mukhang kailangan na niya ng psychiatrist.

"Baliw ka na." I tried to walk out kaso pinigilan niya ako. Hinapit niya ng mahigpit ang kamay ko. Napadaing ako dahil subrang higpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Baliw? Baliw na ako dahil sayo. Lahat ginawa ko mula pagkabata. Kaso anong ginawa mo. You keep on rejecting me. May mali bas a akin hah? Ano. Sabihin mo. Sabihin mo kung ano ang magpapasayo at gagawin ko yun. Papatunayan ko sayo na mahal kita. At ang pagmamahal na ito ay hindi mawawala kalianman."

Tiningnan ko siya sa mga mata. Nagsusumamo ang mga mata niya sa puso ko. Na parang umaasa n asana mahalin ko rin siya.

Pero hindi. Dahil mula pagkabata ginambala na niya ako. Mula pagkabata lagi na siyang nakabuntot. Mula pagkabata, wala siyang ibang sinabi kundi yang lintek na pagmamahal niya. At sawa na ako. Sawa na ako sa mga sinasabi niya. Sam mga ginagawa niya. Ayoko na. Dahil ang gusto ko lang naman ay makapag aral. Makapagtapos. Yun lang. At ngayon. Senior High pa lang ako. Nakapasoklang ako sa Expensive na School na ito dahil sa Scholarship. Tapus babalewalain ko lang iyon ng dahil sa lalaking ito. No way. Noooo as in way.

" Layuan mo ako. Balewalain mo ako. Iwasan mo ako. Yun ang magpapasaya sa akin." Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Napaluwang ang kapit niya sa akin. At napatitig sa mga sapatos niya.

" Yu-yun ba ang gusto mo?" Hanggang ngayon nakayuko pa rin siya. At may napansin ako sa boses niya. Umiiyak ba siya?

"Gustong-gusto ko."

Iniangat niya dahan-dahan ang ulo niya. Nagulat ako, akala ko kasiumiiyak na siya. Hindi pala. Namumula yung mga mata niya. Mukhang babagsak pa lang ata ang luha niya.

May gumuhit na kunting kirot sa puso ko. Naaawa ako sa kanya. Sana bandang huli magpapasalamat din siya. Hindi palang ngayon.

THE HEART IS OFF THE GAME IS ON (Catwolves) (ON-GOING)Where stories live. Discover now