THIO.THIO(21)

32 9 7
                                    

"Pinagsasabi mo?"

tinaggal ko ang kamay ko at nagpatiuna sa pagpasok sa loob ng isang kwarto. Kalamo alam ang lugar eh hindi naman.Hayyyy naku!

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. Humarap ako sa kanya. Nakasara na ang bakal na pinto. 

"Ikaw, anong gusto mong gawin natin dito?" sabi niya ng walang emosyon. Ewan ko kung imagination ko lang pero parang may mali sa aura niya.

Tinitigan ko lang siya at nag roll ng eyes.Ginawa ko lang biro ang aura niya, kunwari hindi ako kinakabahan.

Umupo ako sa mga upuan. infairness sa underground na ito parang kwarto ng mga reyna'treyno. 

"Sa ilalim ng mesa may numero." napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. Tiningnan ko ang tinutukoy niyang mesa. Hahawakan ko na sana kaso nagsalita siya. "Isa sa mga numero may lason." Napatayo ako bigla.

"Teka wala naman sa usapan na papatayin mo ako ah."

Umupo siya sa kabilang sofa bale kaharap ko na siya. May kinuha siya sa bulsa niya't may inilapag sa mesa. Isang salamin na bumuo sa kulang na bahagi ng mesa, nagsilbi iyong pinaka-keyboard at nagpipindot doon si Third Vince. Napawoow ako, kasi yung likod ng mesa biglang naging harap. So, ngayon yung mga numbers na tinutukoy niya'y nasa ibabaw na ng mesa.

12   13  14  15  16  17

yan ang mga numero na nasa harapan ko. Kaya lang isa sa mga numero ay may lason. Kinakabahan ako, laro pa ba ito? Anong klaseng laro ito? Nakakainis naman, pinakakaba niya naman ako. Hindi kaya biro ang mamatay. Hindi naman sa takot ako mamatay, kaya lang paano ang mga pamilya't kaibigan ko na maiiwan? Wala manlang GOODBYE before I go?""


"ayokong pumili!" 

"You can't say NO now. Hindi kana pwedeng umatras, maybe sa susunod na challenge pag pumasa ka ulit. Just remember, once you fail you'll receive my punishment. Once you give up, you and your family will receive what you don't expect." Kinabahan ako bigla.

Grabe siya. Inaano ko ba siya? Gusto ko lang naman ang mag aral ah, bakit niya ako ginaganito? Nakakatakot na siya, paano kung may lason ang makuha ko. Anong gagawin ko? Malamang mamatay ako ng dahil lang sa larong ito, kung magpakick out nalang ako sa susunod na semester? Eyyyy, matagal pa. 

"Ano bang dapat gawin?" napabulong ako bigla.

"Choose now"

Akala niya ata ganun lang kadali. Paano kung may lason ang mapili ko? Edi patay ako,Ang hirap naman. Nakakainis na siya hah.

"16 yung pipiliin ko!" pero kinabahan ako bigla ng mapili ko ang 16. Ewan ko pero kinabahan ako. "Mali, 17 nalang" Ganun pa rin ang kaba ko, " 11 na nga lang," hindi ako mapakali. Alin ba kasi sa mga numero na ito ang safezone?

"Bibigyan kita ng time para mag isip." Nakahinga naman ako ng maluwag "Your time is up. You can now choose." 

"Teka, ambilis naman ng orasan mo ah."

"Binigyan na kita ng time para mag isip, kaya tapos na"

"Nakakadalawang hinga palang ako. Kakaexhale ko palang tapus na agad? Andaya mo ah, ayoko na. HINDI NA AKO MAKIKIPAGLARO," Nagbackout ako.

Tinungo ko ang daan papunta sa pintuan. Pero ang masaklap may code pala ang pinto.Ano ba!!! Ang hihilig nilang gumamit ng makabagon technology hah. Nakakainis.

"Only you can get out if you choose to the cards".

Tumingin ako kay Third Vince. Nagpipigil lang ako. Nagpipigil pa ako nito.

"Ganun kaba kawalang puso? Gusto mo ba akong mamatay?"

He just smirked and seat like a dumb-ass. Jerk.

"Of course no. It'll be no fun if you die that easy."

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko na kayang magpigil. Hindi ko na kayaaaaaaaaa. Tumakbo ako papunta sa kanya at tinanggal ang ulo niya tapus sinipsip ang dugo niya. Raaawwwrr Victory.

Pero Joke lang, brutal lang talaga akong mag isip.

"So? what's your decision?"  sabi niya sa akin.

"Wala bang clue?"

THE HEART IS OFF THE GAME IS ON (Catwolves) (ON-GOING)Where stories live. Discover now