THIO. TGIO

72 35 21
                                    


At ayon sa source ko wala na silang balak umuwi pa ditto. Pero bakit andito siya? Siya nga bay un? Parang Oo na hindi, na Hindi na Oo. Kakaluka.

Tiningnan ko siya habang naglalakad palayo sa akin.

Ang laki ng pinagbago niya. Yung boses niya, yung itsura niya, yung kulay niya, pati aura niya. Ang layo na niya sa Third na kilala ko na naghahabul sa akin.

His voice was cold. Mas malamig pa sa yellow.

May lumapit sa akin na dalawang babae. Mukhang teacher sila ditto.

"Exchange student?"

"Opo. Bakit po?"

"Follow us."

Lumakad na sila. Kagaya ng sinabi nila sa akin na sumunod , sumunod naman ako.

Nalula ako dahil sa nakita ko. Kakaiba na talaga ang University na ito. May escalator and Elevator. Akala ko nga sa Elevator kami dadaan, sa escalator lang pala. Mas malala pa nga ata ang University na ito sa mall eh. Ang bongga.

Sumunod lang ako sa dalawang babae. Lumiko,kumanan,escalator,liko,kanan,deretso,escalator paakyat, liko,kanan at deretso.

At last narating ko na rin ang tuktuk ng mount arayat. Jusko naman, naistress ako sa dinaan namin may Elevator naman nagpakahirap pa. Pero ok lang masaya naman ako sa mga nakita ko. Grabi ang sosyal talaga nila. Sayang nga lang at hindi ako familiar sa mga exclusive na pang glam at sassy kaya hindi ko ma'explain ang mga nakikita ko.

Pumasok kami sa isang room, mali, ako lang pala. Itinulak ako papasok ng mga babaeng yun kung kaya't napahiga ako sa sahig.

May nararamdaman akong kakaiba sa paligid ko. Wait. Nag angat ako ng ulo. At tama nga ang hinala ko, may tao.

"Hey there. Baguhan k aba?"

May lumapit sa akin na lalaki at tinulongan akong tumayo.

"Sa-sa-salamat". Nauutal ako dahil ang gwapo ng kaharap ko. Omoooo.

"Don't mention it." Nakangiti niyang sabi sa akin. At tiningnan ako mula ulo hanggang paa. At kumunot naman agad ang noo niya. "Hell, you look sucks."

Sabi niya sabay tawa.

At na-offend po ako doon. Kung kanina kinikilig ako sa kanya ngayon hindi na. Ano ba problema ng mga student ditto?

"ditto ba ang Dean Office?" pag iiba ko. Kasi mukhang mamatay na siya sa subrang tawa.

"What?"mas lalo pa siyang tumawa pati yung mga kasamahan niya.

"Indeed shes innocent." Sabi ng isang boses, At hinanap ko naman iyon, nandon pala sa taas ng Mount Arayat.Chaarrr. Itong room na ito kasi hanggang second floor, ayun sa nakikita ko. At ayon yung lalaki sa itaas may hinahawakan na ewan.

"Bakit?" tanong ko sa lalaking tumulong sa akin.

"This room is for the Robinson's cousins."

Bakit ako ditto dinala ng dalawang babaeng yun? Naku naman nakakaloka.

"I dunno. Baka may ginawa ka against the rule?"

"Rule?"

"Yeah. The rule, Like you disobey one of them?"

Haller? Masunurin akong Pilipino noh. Kahit mahirap lang ako, marunong naman akong sumunod sa mg alituntunin sa paaralan naming maski sa sariling bayan.

"Wa-wala." Sigurado ako doon. Wala talaga.

"Kung ganon bakit ka andito?" tanong ng lalaki na nasa langit. Chaarr.

"E-ewan ko. Pinasunod kasi ako ng dalawang babae na mukhang teacher. Kaya sumunod ako." Sabi ko na nakatingala sa lalaking nasa Langit.

"I doubt na wala siyang kasalanan." Sabi ng lalaking tumulong sa akin.

"Me too. Besides, ang pinapapunta lang naman ditto is yung mga girls na grabe kung maghabul kay Vince di ba?" sabi ng lalaki na nasa couch.

Sino naman si Vince? Ano naman connection ko doon?

"Kung hindi pala ito ang Dean Office, aalis na ako."

Kinakabahan ako kasi puro sila mga lalaki. Baka kung anong gawin nila sa akin. I know advance ako mag isip. Pero mabuti na ang ganun at least alam ko kung ano ang gagawin ko kung saka-sakali.

Tumalikod na ako par asana umalis na. Saktong paglingon ko sa pintuan may nakabunguan akong kung ano na nakaharang sa daraanan ko sana.

"What the Fuck. Bulag ka ba!" singhal sa akin ng lalaking nasa harapan ko.

Nakailang beses akong nag blink ng eye dahil hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko.

"Third?"

Mukhang hindi niya ako nadinig or hindi niya lang pinansin ang pagsambit ko ng pangalan niya. Dahil busy siya sa pag pagpag ng damit niya.

What's wrong with him? Wala namang dumi ang damit niya ah. Wait.

Parang gets ko na.

Ang arte niya naman. Wala akong germs noh. Kung meron man mahawaan n asana lahat ng mga tao na bacstabber. Joke lang.

"Heyy dude. Andito ka na?" nagulat ako ng itinulak ako ng mga lalaki na kausap ko kanina. Yung isang lalaki na nasa itaas akala mo si spider man, lumundag pa talaga pababa as if siya si Spiderman.

Isa isa nila akong tinulak kung kaya't hindi nila namalayan na napabagsak ako sa sahig nila. Parang sinasabi nila na lumayo ako dahil hindi ako ditto bilang.

Nilapitan nila si Third at yinakap ng mahigpit, bumalik naman ng yakap si Third sa mga lalaking kausap ko kanina. Mukhang kilala nila ang isa't isa.

Tumayo na ako at ngumiti na parang walang nangyari. Mukhang busy sila sa pagyayakapan. Kaya hindi nila namalayan na tumayo ako.

"Ahhmmm. Excuse me. Makikidaan lang po." Nahihiya pa nga ako sa pag interrupt sa kanila kasi ang saya nila. Nakakahiya naman kung gagambalahin ko sila.

"Vince, you look awesome men." Sabi ng lalaki na kanina nasa itaas ng Mount arayat.

"No dude, your absolutely wrong. Mas awesome pa si Vince sa awesome."

Sabi naman ng lalaking tumulong sa akin.

"Nasaan si Charlie? Absent?"

"Ano k aba, You always state the obvious. Isa ka bang Robinson hah Allison?"

Sinapak ng Allison yung lalaki.

"Gago.!"

Tawanan naman sila.

"Excuse Me. Dadaan lang." Sabi ko.

Pero mukhang hindi nila ako nadinig.

"EXCUSE ME!!!!" agad kong tinakpang ang bibig ko. Dahil nagulat din ako sa lakas ng boses ko. Kahit kalian ang lakas talaga ng boses ko.

THE HEART IS OFF THE GAME IS ON (Catwolves) (ON-GOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz