THIO.TGIO

51 31 4
                                    


Naglakad ako ulit. Bakit ba wala akong nakikitang mga tao ditto? Asan na ba ako? May nakita akong escalator pataas, sumakay ako nagbabakasakaling nandoon sa taas yung hinahanap kung Office.

"Attention!"

Nagulat ako dahil may nag appear na tao sa itaas ng escalator.

Teka? Saan siya galing?

"We're not having classes today. Please all proceed to Hall."

'Yung babae napakapormal ng aura at pagsasalita niya maski yung postora ng katawan niya ganun din.

Matapos niyang magsalita. Agad naman siyang nawala.At grabi ang takot na nadama ko. Ang OA ng University na ito. Ano ba meron ditto? Napakapit ako sa damit ko. Nakakainis naman, bakit kasi ditto pa ako na assign eh.

Hindi ko alam kong High-Tech ba ang school na ito or May multo talaga na friendly.

Naku hanapin ko na ngalang yung Hall nay un.

Napansin kong masyado ng malayo ang nararating ko mula sa escalator at may nakikita akong mga estudyante na paisa-isang lumalabas sa isang room. So, nasa third floor pala ang mga rooms. Anong gamit ng First and second?

Napansin ko rin na parang bababa sila.

Nagdadalawang isip ako kung magtatanong ba ako or wag nalang. Hindi ko alam. Bahala na si Darna.

"Excuse me.!" Pag approach ko sa lalaking naka black and suit. Mukha siyang suplado na matangkad na engkanto. Chaaaarrr. Actually gwapo siya, perfect nga siya eh. Perfect siya sa akin. Chaaarr ulit.

Buti nalang huminto siya.

Tiningnan niya. Kaya tiningnan ko rin siya.

"Magtititigan lang tayo?"

Ngiti niyang sabi sa akin.

Awwwwhh. Nakakatunaw naman ngiti niya. Wag po kyaaah bata pa po ako.

"Sorry!" paghingi ko sa kanya ng despensa. Ngumiti naman siya. "Ano kasi—sa tingin ko kasi nawawala ako. Pwede mo bang ituro sa akin kung saan ang Dean Office?"

"Sure."

Napangiti ako ng maluwag. "Naku, salamat. Asaan ba?"

"Hindi ko rin alam" hindi ko alam kung nagbibiro siya or nakikipagbiruan siya sa akin. Kasi hindi ako makarelate.

"Paanong nangyari yun? Akala ko alam mo?"

"Yeah." Ano? Nakakaloka naman mga tao ditto. Mababaliw ako nito husto.

"Hah?" nalilito na talaga ako sa kanya.

"I mean. Boring sa Hall kaya I'll help find that office."

MGAAAA BAAAALIIIWWWWW MGA STUDYANTE DITO.

PAANO NIYA AKO MATUTULUNGAN SA PAGHAHANAP EH HINDI NIYA NGA ALAM KUNG NASAANG PARTE BA IYON NG ASIA.

"C-c-cge." Para may kasama naman lang ako kahit papaano.

Kasi yung taong kilala ko as in nag iisang kilala ko sa school na ito'y dinededma ako.

Ang malaking katanungan siya ba si Third? Kasi ang layo niya sa third na kilala ko. Or Kahawig niya lang.

Baka nga Kahawig niya lang. Kasi kanina tinawag siyang Vince eh. Pero Vince din si Third, pero tawag naming lahat sa kanya Third. Yung iba naman Ikatlong Hukage. Tsk.Tsk.Tsk. Ang saya lang ng High School Life ko noon. Nasisisra lang pag nasa paligid si Third.

"Let's start searching."

Aya niya. Tumango naman ako.

Naku. Naku. Dora, nasaan ka tulungan mo naman ako mahanap yung #$$# opisinang iyon. Nakakainis na hah!

"By the way I'm Charlie. Charlie Robinson"inilahad niya ang kamay niya sa kin habang naglalakad kami.

Tinanggap ko naman iyon.

"I'm Rodessa. Rodessa Borca Bantay."

Complete name ko yun.

"Wow?"

Bakit patanong yung sinabi niya.

Naglakad-lakad kami ng 1000 kilometers. Chaaaarrrr. Sa wakas nakita ko din ang Dean Office.

Kagaya kanina Glass Door din siya.

Malamang may kilangan na I.D ditto.

Yung lalaking kasama ko, inilagay yung kamay sa door at biglang may lumabas na ilaw na parang iniscan yung kamay niya hanggang parte ng katawan niya. Umabot ng isang minuto yung tagal sa pag scan.

"Password"

Hinanap ko nanaman yung boses. Baka kasi may speaker na.

"012THIO034TGIO"

THE HEART IS OFF THE GAME IS ON (Catwolves) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon