h

3.3K 75 4
                                    

Kate's POV

"Goodbye class." sabi ng prof namin saka umalis sa harapan namin.

Hay sa wakas! Uwian na. Inilagay ko na sa bag lahat ng gamit ko bago tumayo.

Napatingin ako sa katabi kong natutulog pa.

"Hoy Jk... Uwian na!" sabi ko bago siya itulak ng malakas dahilan para mahulog siya.

"Ha?" sabi niya pagkamulat niya.

"Hakdog. Tumayo kana diyan. Mamaya maiwan ka dito eh." sabi ko bago pumunta sa upuan ni Kyla.

"Tara na Ky." sabi ko saka hinawakan yung kamay niya.

"Teka lang! Excited mo naman masyado eh. Nahulog pa yung ballpen ko sa ilalim ng lamesa! Pesta." sabi niya at bumitaw sa pagkakahawak ko. Lumuhod siya at hinanap kung nasaan man yung ballpen niya.

"Kate! Sabay ka samin?" tanong ni Jm. Nasa tabi ko lang pala to?

"Ha? Sige." sabi ko. Agad namang tumayo si Kyla pagkakita kay Jm.

"Sabay? Tara sasabay narin ako huehue." sabi niya sabay pacute. Yuuckk! Nandidiri talaga ako fren.

Palabas na sana kami ng room kaso naalala ko si Jk.

"Jk! Sabay ka na samin?!" sigaw ko. Tumingin siya sakin at umiling.

"Ihahatid ko pa yung girlfriend ko eh." sabi niya. Ahh oo nga pala.

Nginitian ko nalang siya saka naunang naglakad sa dalawa.

"Badtrip yun ah. Sabi niya kanina sasabay siya sakin. Kaya nga kita inaya eh." sabi sakin ni Jm.

"Sus hayaan mo na. Hindi kana nasanay." sabi ko.

"Trinidad!" napalingon ako sa likod kung saan may tumatawag sa akin.

Apelyido ko pa talaga ah?

"May nagpapabigay nga pala sayo neto. Wag ko daw sabihin kung sino eh. Sige bye." mabilis na sabi niya sabay takbo palayo samin.

May binigay siyang puting sobre. Ulit. Sobre ulit. Baka galing uli to sa 'secret admirer' ko?

"Tara tara, basahin natin!" naeexcite na sabi ni Kyla pero inilayo ko sa kanya yung sobre.

"He! Manahimik ka diyan. Mamaya sabihin mo nanaman corny." sabi ko bago itago sa bag ko yung sobre.

"Kate may nagbibigay na ng letter sayo ngayon ah? Hahahaha" pangangantsaw naman ni Jm.

"Ganda ko daw kase." sabi ko na ikinatawa niya lang.

Nakarating na kami sa harapan ng gate. Siksikan nanaman. Naguunahan kasi lagi dito lumabas yung mga estudyante eh.

"Hayaan nga muna natin silang lumabas lahat. Mamaya magkatulakan pa eh." sabi ni Kyla saka gumilid kami.

Habang hinihintay namin na matapos makalabas lahat ng estudyante, may nakaagaw ng atensyon ko.

Si Jk may kasamang babae habang nakaakbay siya. Mukhang buhat niya pa ata yung bag nung babae.

Kailan kaya kami magiging ganyan?

Charot. Alam ko namang kahit kailan hindi hahahaha

"Kate? Kate? Hoy! Tara na sabi eh. Kanina kapa tulala diyan!" sigaw ni Kyla sa tenga ko dahilan para maitulak ko siya.

"Aray ko ah! Taeng yan! Ang sakit!" reklamo niya.

"Nakatitig kila Jk tsaka dun sa bagong gf eh. Uyy..  Nagseselos!" sigaw ni Jm. Psh! Ako nagseselos? Ha!

Oo nagseselos nga ako.

"Eh bakit ba? Eh kung sabihin ko kaya sa lahat ng tao dito kung sinong crush mo!?" pangba blockmail ko kay Jm. Bigla naman siyang tumahimik.

"Pst, Kate, Kyla, Jm!" napatingin kaming lahat kay Jk kasama yung bago niyang gf. "Sinong nagseselos?" tanong niya bigla. 

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"H-huh? Nagseselos? Wala naman eh." nauutal kong sabi.

"Sus! Kate ganyan kana ah. Akala ko ba bestfriend tayo!?"

Akala ko ba bestfriend tayo?

Akala ko ba bestfriend

Akala ko ba bestfrie

Akala ko ba bes

Akala ko ba

Bestfriend...

Napangiti ako ng mapait. Bestfriend.

Sabi na nga ba't hanggang dun lang eh.

"Wala yun. Sige una na kami." sabi ko sabay hila dito sa dalawang uod na kasama ko.

Minadali kong hilain sila palabas para makalayo agad kami kila Jk.

Nang maabot na namin ang park kung saan malapit nalang ang mga bahay namin, binitawan ko na sila.

"Nakaka gago yung ginawang yun ni Jk ah! Lumapit satin habang may kasamang linta?!" naiinis na sabi ni Kyla.

"Hayaan mo na. Wala namang issue yun eh." sabi ko.

"Eh kahit na ba! Nasasaktan ka naman!" sigaw niya. Tae-- masakit sabi eh!

"Oo nasasaktan ako! Lagi naman eh! Sanayan nalang yan." sabi ko at inayos ang sarili ko.

Napatingin ako ay Jm na pagod na pagod. Hinila ko nga pala to.

"Putek! Whoo! Nakakapagod yun ah!" sabi niya bago tumayo ng maayos.

"Sige na nga! Uwi na ako! Takte gusto ko na uminom ng tubig!" sabi niya tsaka akmang lalayo kaso hinawakan siya ni Kyla sa braso.

"Sabay na tayo. Hehi bye fren!" sabi ni Kyla. Iniwan nila ako. Pati ba naman sila iiwan din ako!? Takte akala ko pa naman walanh iwanan? Walang bibitaw? Bakit? Ano to? Anong nangyari?

Charot.

Ang drama Kate ah!

Nagmadali na akong naglakad pauwi sa bahay ko dahil baka maabutan pa  ko ng mga tarantadong pumapason dito sa subdivision namin.

Wala akong kasama sa bahay dahil sila mama at papa ay nasa canada para sa business namin kaya ayon.

Pagkauwi ko ay nagpahinga ako saglit bago kumain ng dinner ko at nagshower.

Binuksan ko ang laptop ko para gumawa ng mga assignments.

Kinuha ko yung bag ko tsaka ito binuksan.

Agad kong nakita yung puting sobre na binigay akin nung babae kanina.

Kinuha ko ito at binuksan.

Dear Kate,

                   Hi Kate! Ako uli to, yung secret admirer mo. Hehehe.

                    Thank you pala kasi binasa mo yung sulat na binigay ko sayo kanina. Nakita kong binabasa mo yun nung nasa loob tayo ng room eh.

                    Narinig ko pa nga na naappreciate mo yun kahit sinasabi nila Kate at Jk na corny. Hahahaha pasensya na ah. Naasar kapa nila dahil sakin.

                    Sana basahain mo uli to bago ka matulog para mapanaginipan mo ako. Hahahaha joke lang.

Your secret admirer,
Cookies N Cream

Hmm... Sino kaya tong cookies n cream na to? Tsaka sa dinami dami ng pwedeng ipangalan sa kanya cookies n cream pa talaga?

Ang weird ah.

Nagkibit balikat nalang ako bago itago yung sulat niya at gumawa ng assignments.

Letters (COMPLETED)Where stories live. Discover now