o

2.6K 63 3
                                    

Kate's POV

Nandito kami ngayon sa studio theatre ng school namin. Nagkaroon kasi ng orientation para sa nalalapit naming graduation.

Tahimik akong nakikinig. Kaso may dalawang asungot sa magkabilaang side ko kung saan sila naghaharutan.

Takte, aware ba sila na may tao sa gitna nila? Tae naman oh!

"Pwede ba! Magsitigil nga kayo, kung hindi itatali ko kayong patiwarik." pagbabanta ko pero hindi sila natahimik.

"Eehh! Jk naman eh! Ah-ahehehe! Hahaha w-wag diyan. Ano ba-hahahaha!" napatakip nalang ko sa tenga ko. Tang-- uggh! Ang landi ah Kyla ah!

Tumayo ako at sinenyasan na magpalit kami ni Jk para magtabi sila ni Kyla.

Para di ako naiistorbo sa kaharutan nila.

Umupo ako sa tabi ni Jk. Katabi ko naman sa kabila si Jm.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jm sakin.

"Ang haharot nung dalawa eh. Akala mo lintang binudburan ng asin." naiiritang sabi ko at inikot pa ang dalawang mata ko.

"Sus selos kalang eh." bulong niya sakin. Agad nanlaki ang mga mata ko at kinurot siya sa tagiliran. Napatingin ako kay Jk na katabi ko lang. Mygahd! Baka narinig niya!?

"Punyeta naman Jm eh! Mamaya marinig ka ni JK!" sabi ko sa kanya. tumawa lang siya.

Duhh! Di ako magseselos no. Kaibigan ko si Kyla eh.

Matapos ang orientation ay isa isa na kaming tumayo para lumabas na.

"Nakakaburyo dun sa loob. Ang init pa!" reklamo ni Jk. Wow namen. Ang lamig lamig nga dahil dun sa aircon eh.

"Ang sabihin mo, di kalang mapakali." sabi ko at naunang naglakad sa kanila.

Nagugutom na ko. Didiretso nalang ako sa canteen.

"Tara Ky, samahan moko sa canteen." pagaaya ko kay Kyla. Hinawakan ko siya sa kamay niya at hinila.

"Teka lang naman diba!? Minamaltrato mo braso ko eh." sabi niya at bumitaw sakin.

Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko para kunin yung wallet ko. Pero wala akong nakapang wallet.

"Wait... Nasaan yung wallet ko? Ky nasayo ba?" tanong ko habang patulong na kinakapa yung bulsa ko.

Shet wala dito.

Kinapa niya yung bulsa niya.

"Wala eh. Baka naiwan mo dun sa studio." sabi niya. Tsk! Pakshet naman oh.

Dali dali akong tumakbo papunta doon sa studio theatre.

Mygahd di pwedeng mawala yun! Nandun yung susi ng bahay ko pati yung usb ko! Mygahd.

Pagpunta ko don ay naabutan ko yung guard na nagbabantay don para isarado yung theatre.

"Kuya! Wait lang po!" dalidali akong tumakbo papalapit sa kanya para pigilan siya.

"Kuya pwede ba akong pumasok sa loob? Naiwan ko kasi diyan yung wallet ko eh. Promise kuya mabilis lang ako. Kukunin ko lang." sabi ko habang nakadikit ang dalawang palad ko.

"Haynako, sige bilisan mo ah." sabi ni Kuyang guard. Agad akong pumasok sa loob at pumunta sa upuan ko kanina.

Ayun! Nakita ko agad buti at---

Sandali, may puting sobre nanaman.

Kinuha ko yung sobre at binuksan.

Dear Kate,

                    Hi Kate! Nakita uli kita kanina dito sa studio theatre. Mukhang naiinis ka nga eh hahaha.

                    Tsaka yung wallet mo nandito, naiwan mo. Gusto ko sanang kunin para ibigay sayo kaso nahihiya ako. Alam ko namang babalikan mo yun dito kaya eto, nagmadali akong kumuha ng papel at ballpen para sulatan ka para makita mo tong sulat ko para sayo.

                    Sorry nga pala kung pangit ang pagkakasulat ko dito ah? Nagmamadali kasi ako eh. Baka mamaya maabutan mo ako dito. Edi nalaman mo na kung sino ako hahaha.

                    Bye Kate! Kumain kana baka gutom kapa. Ingatan mo na yung wallet mo hehe.

Your secret admi

Mukha ngang nagmamadali siyang isulat to. Hindi niya kasi natapos isulat yung pinakadulong sentence eh.

Pero sigurado naman akong kay cookies n cream nanaman to galing hahahah.

Napangiti ako at itinago sa bulsa ko yung wallet at sulat.

Inikot ko ang tingin sa paligid at baka nandito pa yung nagsulat. Kaso wala akong nakita.

Pagkalabas ko ay tinannong ko agad yung guard.

"Kuya may nakita kabang nagsusulat dun sa loob kanina?" tanong ko.

"Ahh oo. Lalaking matangkad na may pagkamaputi. Nagmamadali nga eh. Sabi ko kasi isasara ko na to." sabi niya. Ahh ganun ba? Kaya pala di niya natapos yung sulat.

Teka... Matangkad na maputi? Sino kaya yun?

Ay wait! Si Kyla pa pala nasa canteen.

Dali dali akong bumalik sa canteen para balikan si Kyla.

Buti nalang at hindi nainip yun sa paghihintay.

"Nahanap mo?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti.

"Matagal pa ba yan? Kanina pa ako nagugutom eh." tanong ko. Tinignan ko yung nakapila sa harapan namin. Shet mahaba pa. Makakakain pa kaya ako neto?

"Ewan. Baka? Hahaha sa labas nalang kaya tayo kumain? Treat ko?" napangiti naman ako bigla. Agad akong tumango at hinila siya palabas ng canteen.

Akalain mo nga naman, ililibre ako ni Kyla.

Once in a violet moon lang yan kaya wag na choosy.

"Treat ko pamasahe, tapos ikaw na bahala sa foods hehehe." binitawan ko siya at sinamaan ng tingin. Punyeta!

"Hinding hindi na talaga ako aasa sayo!" sabi ko at nagkunwaring lalayo sa kanya.

"Charot laang! Treat ko talaga sarili ko eh." lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Taeng to, wag na nga. Kakain nalang ako magisa." sabi ko at akmang aalis kaso biglang sumulpot sa kung saan si Jk na pawis na pawis.

"Tumakbo ka atang marathon? Anong nangyari sayo Jk?" tanong ko.

"H-ha?"

"Hatdog." singit ko.

"Sira! Hinahanap ko kasi kayo eh." sagot niya naman. Pwede namang hindi tumakbo. Napagod kapa tuloy bebe ko.

Charr. Tae ang lande

"Pwede ka namang maglakad." sabi ko naman. Tumawa lang siya at umayos ng tayo.

May ibinulsa siya kaya napatingin ako  sa kamay niya para tignan kung anong nakasukbit sa bulsa niya.

May nakalawit na papel na parang lukot at black ballpen.

Kumunot bigla ang noo ko.

Wala naman siyang dinalang gamit bukod sa cellphone niya kanina ah? Hmm...

Naalala ko yung sinabi nga guard kanina.

"Lalaking matangkad na may pagkamaputi."

Agad akong napatitig sa kanya at inusisa siya mula ulo hanggang paa.

Matangkad at maputi?

Hindi kaya si Jk yung secret admirer ko?

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon