Y

2.2K 62 3
                                    

Kyla's POV

Paikot ikot ako dito sa kwarto ko.

Kanina pa ako dito. Paulit ulit.

Nagaalala na ako kay Katkat. Bakit hindi siya nagrereply sa mga chat ko? Sa mga text ko? Pati sa tawag ko wala siyang sinagot. Ano nabang nangyari don?

Tapos kanina, namumutla pang umalis.

Shet shet shet... Kinakabahan na ako.

Tinawagan ko si Jm.

Hello?

Napatawag ka?

Alam mo ba kung nasaan si Kate? Nagchachat ba siya sayo? Nagtetext?

Hindi eh. Bakit? Kanina pa nga naka offline yun eh.

Ganun ba? Sige salamat.

Sabi ko sabay end ng call.

Shet nasaan naba yon? Hindi ko nga alam kung nakauwi na yon eh.

Maya maya ay may nagpop out sa cp ko.

Katkat sent a photo

Agad ko yong inopen.

Pero nagulat ako sa nakita kong picture.

Nakahiga si Kate sa madamong paligid habang duguan at madaming pasa.

Putangina binugbog nanaman ba siya!?

Agad akong bumaba sa sala.

"Ma, alis lang ako. Kailangan kong puntahan si Kate, emergency." pagpapaalam ko kay mama. Hindi ko na hinintay na sumagot si mama at umalis na ako palabas.

Alam ko kung saan yun. Sa likod yun ng building c. Doon lang yung part ng school namin na madamo.

Dumiretso muna ako sa bahay ni Jm which is malapit lang samin.

"Jm!" sigaw ko sa labas ng bahay niya.

Agad naman siyang lumabas.

"Oh Kyla, gabi na ah?" sabi niya. Hinila ko siya palabas.

"Kailangan moko tulungan. Si Kate... Binugbog uli siya..." sabi ko.

"Uli? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Basta mamaya ko na sasagutin yan! Tara na!" sabi ko. Nilock niya ang gate niya bago kami umalis.

Pagkarating namin sa gate ng school, as expected, sarado na.

"Shet pano to?" tanong ko. Paano kami makakapasok dito? Taeng yan.

"Teka, tara buhatin mo ko." sabi ni Jm. Teka teka, ako bubuhat sa kanya? Tanginang yan wow ah! Kahit na crush ko siya di ako papayag na ako bubuhat sa kanya. Napaka gentlewoman ko naman kung ganon.

"Aba! Bakit ako?" tanong ko.

"Ako yung aakyat dun sa pader eh." sabi niya naman.

"Eh ang bigat bigat mo! Ikaw pa magpapabuhat sakin... Ako nalang buhatin mo!" sabi ko.

#Kyla'sHokageMoves101

"Tsk sige na nga." yun oh.

Binuhat niya na ako. Ako naman ay dahan dahang tumayo sa mga balikat niya. Nangangatog pa mga binti ko shet.

"Bilisan mo! Umakyat kana, ang bigat mo!" sabi niya. Sinubukan kong abutin yung pinakatuktok pader pero di ko maabot.

"Tae di ko maabot!" sabi ko.

Letters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon