e

2.3K 57 1
                                    

Kate's POV

"Hoy babae? Anong ganap nung nakaraan? Punyeta ka, dinamay mo pa ko diyan sa kagagahan mo. Nanunuod ako ng movie noon eh tas itetext ako bigla ni Jk." sabi ni Kyla pagkapasok ko sa room. Napaka gandang bungad sa umaga.

"Hahaha ano sabi sayo?" tanong ko.

"Ipinapaalam ka sakin. Sa kanya ka nalang daw sumama kasi may lakad kayo. Buti nalang naisip ko na nagpapabebe ka nanaman." sabi niya. Hahahaha siaulo.

Natawa nalang ako bago ilagay sa upuan ko yung bag ko.

"So ano na nga ganap?" tanong niya. Haynako, mahaba habang kwentuhan nanaman to...

-•-

Time ng math namin ngayon. Katabi ko si Jk. Ewan ko dito at sa akin tumabi.

Nakikinig kami pareho sa prof namin. Siya naman hindi mapakali. Galaw ng galaw kanina pa.

"Jk naman, tumigil ka kaya!" bulong ko. Tumingin naman siya sakin.

"Sorry." sabi niya at nagpeace sign.

Hindi ko nalang uli siya pinansin at nakinig.

Maya maya pa ay tumayo siya at naglakad papunta sa likod pero napansin agad siya ng prof namin.

"Mr. Jeon? Where are you going?" tanong ng prof namin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ahm... Lilipat lang po ng upuan." sagot niya.

"Bakit kasi diyan ka nakaupo? Doon ka sa likod diba?" tanong ng prof namin. Kaya nga, bat kasi sakin tumabi to? Di rin tuloy ako mapakali. Kinikilig pa naman ako kapag nagdidikit kami hehehe

"Wag ka nang tumayo, umupo kana diyan." utos ng prof namin. Wala na siyang nagawa at umupo sa tabi ko.

Huminga siya ng malalim bago naglabas nh libro at papel tsaka ballpen.

Hinati niya sa gitna ang libro saka nilagay doon ang papel.

Lumapit siya sa lamesa para magsulat at para bang ayaw ipakita sakin sinusulat niya.

Wow kala mo kokopya ako sa sinusulat niya eh.

Sinandal ko ang likod ko sa upuan at pasimpleng tinignan ang sinusulat niya pero agad niya akong tinignan ng masama at isinara yung libro.

Nagkibit balikat nalang ako at nakinig na uli.

Tumingin ako sa oras sa cp ko. Time na ni maam.

Takte ayaw pa umalis nakaka bagot ang math eh.

"Okay class, you may take your break." sabi niya. Agad akong tumayo at nagunat. Hays, kakaantok.

"Kat, tara sabay kana sakin?" tanong sakin ni Jk. Tumango ako.

"Tara." sagot ko.

Lumapit ako kila Kyla at Jimin na naguusap.

"Ky, Jm, sabay kayo samin?"  tanong ko sa kanila. Umiling si Kyla.

"Hindi. Sasabay ako kay Jm eh heheh." sagot ni Kyla. Tumingin ako kay Jm na nakayuko. Hahahaha ayiieuut, time na nila para maglandian.

"Ahh ganun ba? Sige, eat well sa inyo lalo kana Jmmm!" sabi ko at tinutusok tusok ang tagiliran ni Jm para asarin siya.

Hinila na ako ni Jk para pumunta na sa canteen

Habang naglalakad kami, napansin kong iba ang daan na pinupuntahan namin ni Jk.

Letters (COMPLETED)Where stories live. Discover now