Chapter 1

60 9 1
                                    

Chapter 1



"You're home! Let's eat dinner—"


Hindi ko pinansin ang sinasabi ni mommy, diridiretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ko.


"What happened today, Eli?" dinig kong tanong ni mommy sa kapatid ko bago ko tuluyang masarado ang pinto.


Binagsak ko ang gamit ko sa sahig at pinilit ang sarili na manatiling nakatayo, nang makaharap ko na ang kama ko ay doon ko binagsak ang sarili ko.


One last fucking year, and I failed.


Hindi ko napigilan ang luha na tumulo sa mata ko. I failed! Hindi ako nanalo. Iov Nixon Dmitriev won against me again.


Hindi ko alam ang ginagawa ko sa gabi na iyon. Maybe I'm punishing myself. Hindi ako kumain ng dinner. My parents or my brother didn't bother knocking my door. My brother must have explained them what happened, kasi nandoon siya at pinanood kung paano pumalpak ang kapatid niya. Sa harap ng maraming tao. Sa harap ni Dmitriev, who must bw celebrating his win again.


I felt something inside me stir up. Suddenly, my insides became hollow. I tasted something bitter in my mouth and it angered me.


Hindi naman talaga kasalanan ni Dmitriev, but I can't help myself. Sa kaniya ko nababaling ang galit at disappointment ko sa sarili. Because if I don't, I will go insane and kill myself in studying whatever I still don't fucking know!


Kaya kinabukasan ay para akong multo. I haven't had any sleep. Ibuhos ko ang panahon sa kakaaral... tungkol sa bagay na huling tinanong sa akin ni Dmitriev, which I failed to answer, which helped him take home the championship.


Nakabihis na ako ng maayos na dress para sa araw na iyon, habang ang bag ko ay buhat ko. Wala akong ganang magpakita sa lahat, kasi alam kong puro si Dmitriev lang ang maririnig kong pangalan buong araw. Pero hindi ko naman hahayaan ang pag-aaral ko dahil lang doon.


This is my last year in high school, I may have failed the competition, I won't fail school.


I left my bag in the living room before I made my way to the dining area to have breakfast.


"Good morning!" Mom was already beaming at me when I entered the dining area.


Nakaupo na si Kuya Eli sa usual na pwesto niya at si mommy ay kakaupo lang sa upuan niya. There are no signs of my father. Mukhang maaga nanaman pumasok sa opisina.


Walang ka-gana-ganang umupo ako sa upuan ko at inusog ang plato ko papalapit sa akin. Sumandok ako ng kanin at ulam at kumain na, wala pa ring sinasabi. Pinilit ko lang ang sarili ko na mag almusal dahil kapag hindi ako kumain ay hindi gagana ang utak ko mamaya sa university.


"I hope you're doing fine, Eloise," simula ni Kuya Eli sa akin.


Binaling ko ang tingin sa kaniya at tumango lang.


"If you like, you can continue college at St. Ives, just like your kuya. So you can join next year's ISQC," suhestiyon ni Mommy.

Like Burning EmbersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin