Chapter 2

51 7 0
                                    

Chapter 2




"My only love sprung from my only hate, Too early seen unknown, and known too late! That I must love a loathed enemy. - Romeo and Juliet - Act 1, Scene 5"



Habang binabasa ito ay unti-unting humigpit ang hawak ko sa papel, hanggang sa tuluyan ko itong makuyumos. Isa lang naman ang taong nasa isip ko na posibleng gumawa nito.


Kasi isang tao lang naman ang nakausap ko tungkol kay William Shakespeare.


The piece of paper was already crumpled and covered by my fist as I made my way to The Edge. Ang tambayan ng mga students na walang ginagawa, at nag-iisang tambayan ni Dmitriev at ng mga kaibigan niya.


Habang naglalakad ay pakiramdam ko sasabog ako. What's the meaning of this? Hindi naman ako tanga. Hindi ako ang tipong kunwari hindi alam ang ibig sabihin ng ginawa niya at ng linya na iyon mula sa Romeo and Juliet pero anong gusto niyang iparating?


That he's falling for an enemy? Me? Falling for me? What the fuck.


Nang makarating sa The Edge- isang club na matatagpuan sa school, walang alak dito dahil nga nasa campus pa ito natatangpuan, pero may karaoke, sayawan, at tuwing gabi pa ay may party dito dahil may mga DJ sa school.


I scanned the whole room, searching for one person and I did not disappoint. Nakita ko agad si Dmitriev sa isang lamesa, may kasamang dalawang babae at si Tate Vasquez.


Agad ko silang nilapitan, at nagmadali pa dahil baka may mga magsayawan at mabangga pa ako. Mapuputol lang pasensya ko, lahat ay nakalaan na sa magiging harapan namin ni Dmitriev.


Nang makaharap sa lamesa niya ay hindi siya agad nag-angat ng tingin. Abala siya sa pakikipag-usap sa isang babae na katabi niya. There was a generous amount of space between them na parang ayaw talaga nila magdikit, pero hindi nakatakas sa akin ang hand movements ng babae na lumilipad kung saan-saan.


One second, she was signalling something, and another she was slapping him in the thighs while laughing at a joke Dmitriev made.


"Nixon, si Eloise!" kuwit ni Vasquez sa kaibigan niya.


Kasabay ng pag-angat ng tingin niya sa kinatatayuan ko ay ang pag-angat ng gilid ng labi niya. He gave me a lazy stare and even the woman beside him looked at me.


Lalong nag-init ang ulo ko, kaya ang papel na hawak ko ay binato ko sa kaniya, tumama ito sa mukha niya.


"What the fuck?" the woman beside him said.


It didn't phased him, though. Hindi siya nag-abalang damputin ang papel na binato ko sa kaniya.


"What the hell, Dmitriev? Is this some kind of prank?" tanong ko habang pilit na pinagdudugtong ang pasensya ko na napuputol na. I don't want to cause a scene.

Like Burning EmbersWhere stories live. Discover now