CHAPTER 4

94.7K 3.2K 309
                                    

Chapter 4

MAY sakit ako sa puso. Minsan normal ang aking paghinga, minsan naman ay sobrang bilis ng pagbayo ng dibdib ko, tipong para akong nakipagkarerahan sa kabayo. At nagsimula lang ang sakit na iyon nang mapalapit ako sa Zero Degree, partikular sa isa sa kanilang miyembro.

Ipinilig ko aking ulo at lumabas na ng council. Naging successful nga ang event no'ng nakaraang Biyernes. Dahil sold out ang tickets, na-cover lahat ng projects ng organization. At dahil iyon sa Zero Degree. Kung wala sila, hindi siguro dadagsa ng gano'n karami ang pupunta.

Naisipan kong dumaan muna sa locker para iwan ang ilan sa mga libro ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil kanina pa dapat ang lunch break ko, kaya lang nagpatawag pa ng meeting si Elza. She discussed to us the proceeds of the Pageant. Masaya kaming lahat sa naging kinalabasan.

Nangunot ako nang matapat sa sariling locker. May nakasabit na isang tangkay ng preskang rosas. Sino naman ang naglagay nito?

I roamed my eyes around but I found no one's presence. Kinuha ko ang rosas at 'di ko napigilang amuyin ito.

Ang bango.

Sa pagkakaalam ko ay tanging si Marga lang ang nakakaalam na mahilig ako sa rosas. Baka may alam siya kung sino ang naglagay nito.

Binuksan ko ang locker at ipinasok ang dala kong mga libro. Iisang subject na lang naman ang papasukan ko mamaya.

Isinara ko pabalik ang locker at binitbit ang rosas paalis. Pagliko ko sa kanan ay napaigik ako nang mabunggo ko ang isang matigas na bagay.

"Aray!"

Nasapo ko ang aking noo't napapikit. Agad din akong dumilat nang may humawak sa kanang braso ko.

"Are you okay?"

"Ay! Palaka!"

Halos lumabas ang eyeballs ko nang makilala ang nabunggo ko.

"Ikaw?"

Bumilis na naman bigla ang pagtibok ng puso kaya humigpit ang pagkapit ko sa shoulder bag. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

"B...Bakit ka narito?" namutawi ko. His lips formed a lopsided smile.

It's the one and only Sid Dela Vega of Zero Degree. Anong ginagawa niya rito sa building namin? Himalang napadpad siya rito. Tinangay ba siya ng bagyong Ondoy papunta rito?

"I'm here to get my payment."

Lalong kumunot ang aking noo.

"Excuse me? What do you mean? Are you looking for someone?"

Hindi nawala ang pagngisi niya. He's wearing a denim jeans and a polo shirt. And I restrained myself from gawking at him.

"Seems like you forgot that you owe me for performing in that pageant."

Natigilan ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

Seriously?!

"The last time I checked, you agreed to perform without the payment. It was a pageant for a cause, and besides para naman sa kapakanan ng university iyon. Isn't it improper to have me paid for your service? Wala naman po akong naaalalang may usapan tayong gano'n."

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon