Chapter 17:Xandra

124 8 0
                                    

Sky's Pov

Mabilis na lumipas ang araw at lahat ng araw na iyon ay naging masaya

Ngayong umaga ay nagaayos na kami ng mga gamit para sa pagalis namin dito sa Palawan

"Kumpleto na ba yung mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Margarita matapos ang nakabibinging katahimikan na bumalot sa amin kani-kanina lang

Tumango naman ako atsaka ngumiti

Inayos niya na yung mga gamit niya at nang natapos siya ay niyaya ko na rin siyang lumabas

Pumunta kami sa restaurant dito sa cruise dahil doon kami magkikita-kita nila mommy

Pagkapunta namin doon ay bumungad agad sa amin ang iba't-ibang personalidad ng tao.May mga bakasyonista at mayroon din namang tagarito din sa palawan

Agad kaming pumunta sa puwesto namin ng makita namin sila mommy na kumakaway sa gawi namin

Masaya kami habang kumakain dahil na rin sa mga kalokohan nila Rein at Tessa

Nang matapos kami ay agad na naming nilisan ang naturang restaurant at naghintay na sa labas ng barkong dadaong para sa pagalis namin

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang puting barko at sumakay na rin naman agad kami doon

Katabi ko ngayon si Margarita na halata sa mukha ang pinaghalong lungkot at saya

"Ayos ka lang ba?bakit malungkot ka ata?" Tanong ko

Humarap naman siya sa akin at nginitian ako

"Mamimiss ko lang yung lugar na ito" nakangiti niyang sabi atsaka muling ibinaling ang paningin sa magandang tanawin

Tumango tango na lang ako

Maya-maya pa ay nakadating na rin kami

Pagkadating ay may nakita agad kaming susundo sa amin.Isa sa mga private Helicopter na pagaari ni Mom and dad

Sumakay kaming lahat doon at agad naman itong umandar

Mabilis lang ang naging biyahe namin at kinalaunan ay nakadating narin kami sa mansiyon namin

Doon muna kami nagpahinga saglit at umuwi na rin kami ni marga papunta sa bahay namin

Binili nila mommy at mommy ni Margarita ang bahay na aming tinitirahan ngayon.Sa una ay nagalit ako sa pangingialam nila sa amin pero kinalaunan ay hinayaan ko na lamang

Pagkarating namin sa bahay ni Margarita ay agad kaming pumasok sa kwarto namin upang makapagpahinga dahil narin sa pagod ng bumyahe kami

"Ang bilis ng panahon noh" pambabasag ko sa katahimikan

"Oo nga eh, parang kailan lang ay kakikilala pa lang natin, samantalang ngayon ay mag-asawa na tayo" sabi niya habang nakatingin sa kisame

Tinitigan ko naman siya at dahil doon ay napatingin rin siya sa akin pero hindi ko inaasahan ang nangyari ng humarap siya sa akin......

NAGKISS KAMI!!!!!

Hindi iyon nagtagal at agad siyang umalis

"Sorry" nahihiyang sambit niya

"Ayos lang" sabi ko atsaka siya niyakap

Napasinghap naman siya sa ginawa kong iyon pero hindi na lamang siya pumalag bagkus ay niyakap niya ako ng pabalik

At hindi namin namalayang pareho na kaming nakatulog...............

💙💙💙💙💙kinabukasan💜💜💜💜💜

Arrange Marriage with Mr.Playboy [ON-GOING]Where stories live. Discover now