Chapter 19:Lie

102 7 0
                                    

Margarita's Pov

Matulin na lumilipas ang oras ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa nangyari

Kanina pa ako kinukulit ni Sky pero hindi ko siya pinapansin dahil lamang pa rin sa akin ang pagkainis sa kaniya

"Kumain ka na margarita!"utos niya sa akin

"Mamaya na lang,busog pa'ko"sabi ko

Inis siyang lumapit sa akin

"Paano ka naman nabusog eh hindi ka pa nga kumakain simula kaninang umaga?!"iritadong saad niya

"I have my own reason"sabi ko

Tinalikuran ko na siya

"Do you still mad at me?"tanong niya

Tumigil ako sa pag lalakad at humarap sa kaniya

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya

Napasinghap naman siya sa ginawa kong iyon

"Im not mad at you.Im just sick,don't worry"sabi ko habang hinahagod ang likod niya

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya atsaka nagpilit ng ngiti

"Pumasok ka na,kailangan ka ng mga empleyado mo.Hayaan mo na lang muna ako dito sa bahay para makapagpahinga rin ako"sabi ko

Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatitig sa akin na animo'y inaalam kung nagsasabi nga ba talaga ako ng totoo

"Pupunta lang muna ako sa kwarto para magpahinga saglit" sabi ko

"K" tanging sagot niya

Bumuntong hininga muna siya atsaka ako hinawakan sa ulo

"Get well soon,Marga" sabi niya

Tumango naman ako bago ko siya tuluyang talikuran

Nagtungo na ako sa kwarto at humiga sa kama at doon sinimulang mag isip

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ko maiwasang kiligin sa mga pinag gagagawa niya

Kahit na sa simpleng dampi lang ng kamay niya sa ulo ko ay may mga paru paro na agad na naglalaro sa tiyan ko

'Wag ka ngang malandi,Margarita!

Saway ko sa sarili ko

Sa ngayon ay mas kailangan ko munang intindihin ang problemang kinakaharap namin dahil hindi malabong may mangyaring masama sa amin ni Sky at sa pamilya naming pareho

Habang nag iisip ay nagulat na lang ako nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya naman agad kong tinignan kung sino ang caller

Nakahinga naman ako nang maluwag ng makita kong si Tessa pala ang tumatawag

Agad ko itong sinagot

"Hello?Tessa?napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya

"I have something to tell you" sabi niya mula sa kabilang linya

Nangunot naman agad ang noo ko

"Ha?anong ibig mong sabihin?" Sabi ko

"Mamaya ko na sasabihin,hihintayin kita dito sa restaurant na lagi nating pinupuntahan"yun na lang ang narinig ko at pinutol na ni Tessa ang linya

Gusto ko pa sanang magtanong kung tungkol saan ang paguusapan naming dalawa pero masyadong seryoso ang boses niya kaya naman napagdesisyunan 'kong mamaya ko na lang itatanong sa kaniya

Agad akong pumunta sa cr naming dalawa ni Sky

Si Sky kasi ay nandoon sa isang cr na kahilera lang ng kwartong kinasasadlakan ko ngayon

Naligo lang ako ng saglit at nagbihis pagkatapos ay lumabas na rin agad

Naabutan ko naman si Sky na nagsasapatos sa sala

Napatingin siya sa akin at nangunot noo

"San ka pupunta?" Takang tanong niya

"Hmmm,nagpapasama lang sakin si Tessa,magsha shopping daw kasi siya eh" sabi ko

Tumango tango naman siya atsaka muling ibinaling ang atensiyon sa pagsasapatos

"I thought you are sick?" Tanong niya habang hindi inaalis ang paningin sa ginagawa

Naalala kong iyon nga pala ang idinahilan ko sa kaniya kanina

"Ah yah,p-pero medyo okay nanaman ako ngayon so,don't worry" sabi ko atsaka nagpilit ng ngiti

"Ihahatid na kita" sabi niya

Gusto ko sanang tumanggi pero baka kasi mahalata niyang iniiwasan ko siya kaya hindi ko na lamang ginawa

"Fine" sabi ko

Nagpatiuna na ako papunta sa garahe kung nasaan ang kotse niya

Pagkapunta ko doon ay hinintay ko siya ng saglit dahil paniguradong kinukuha niya pa ang susi

Maya-maya pa'y dumating na siya at agad niya akong pinagbuksan ng pinto

Kasunod noon ay siya naman ang pumasok sa loob

Nang mai start na ang kotse ay agad na niya itong pinaharurot

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming pareho na animo'y nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa mahabang katahimikan

Hindi na siya nakapag-tiis at siya na ang unang nagsalita

"Are you sure that you're okay?I bet your not" sabi niya

"I'm okay" sabi ko naman

Pagkatapos noon ay hindi na kami muling nagimikan pa

Nang makarating kami sa restaurant na sinasabi ni Tessa ay agad akong bumaba

Binilisan ko ang paglalakad papasok sa naturang restaurant para hindi ako maabutan ni Sky ngunit nang malapit na ako sa entrada ay biglang......

"Ahhhhhhhhhh" mahabang tili ko nang mapatid ako

Ngunit nang pabagsak na ako sa lupa ay may mga matitipunong bisig agad ang sumalo sa akin

Tinignan ko kung sino ito

Si Sky.......

Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko habang hawak hawak niya ang bewang ko

Huwag mo 'kong titigan nang ganiyan pleaseeee baka matunaw ako!!!

Hindi ako makatitig sa kaniya

Umalis na ako sa pwestong iyon at tumayo ng deretso

"Thanks" ani ko bago siya tuluyang talikuran at naglakad muli papunta sa restaurant

Nang makapasok ay habol habol ko ang aking hininga at ang puso kong patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis

Hindi ko na lamang iyon masyadong pinag tuunan nang pansin at nang makita ko si Tessa na nakaupo sa di kalayuan habang naka simangot ay agad na akong nagtungo sa kaniya

Mahal na ata kita..........sky.....

To be continued💕💕

A/N:Sorry for the typo and wrong grammar words but I hope that all of you guys are enjoying reading my story💕💕








Arrange Marriage with Mr.Playboy [ON-GOING]Where stories live. Discover now