Chapter 18:The call

135 10 2
                                    

Sky's POV

Habang naguusap kami ni xandra ay bigla kong naalala si Margarita

Paniguradong magaalala iyon kapag nadatnan niya akong wala sa tabi niya
Kaya naman nagpaalam na ako

"ahmm,Xandra,i have to go"sabi ko sabay tayo

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pang muli at tumalikod nalang ako

Ngunit hindi pa man ako nakakalakad
papalayo ay may pumigil na agad sa akin

hinawakan ako ni Xandra sa braso at............

HINALIKAN AKO.........

Pilit ko siyang inilalayo sa akin pero hindi umeepekto iyon

Nang matapos kami sa paghahalikan ay niyakap niya ako kaagad

"I love you"malambing ang pagkakabulong niyang sabi sa akin

Hindi ko siya sinagot at pilit na lamang na ngumiti

"I'm sorry Xandra, but i really have to go, dont worry i'll call you if i'm not busy" sabi ko atsaka malalaki ang hakbang na lumabas sa restaurant

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ko na iyon

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko agad si marga na nakaupo at tila wala sa sarili

tumikhim ako upang maramdaman niya ang presensiya ko ngunit walang nagbago sa posisyon niya at nanatili lang siyang nakatingin sa kung saan

kaya naman nilapitan ko siya at umupo sa kung saan din siya nakaupo

Ngayon niya lang napansin ang presensiya ko at nagulat pa siya ng malamang nandito na pala ako

Kunot noo akong tumingin sa kaniya habang siya naman ay walang  reaksiyon na nakatitig sa mata ko mismo

"Are you okay? do you have an sick?are you mad at me because i left without informing you?" tanong ko sa kaniya atsaka siya niyakap

Nang bitawan ko siya ay nagulat na lang ako ng malamang umiiyak na pala siya

nagaalala akong tumingin atsaka siya niyakap muli

"why? do you have a problem? tell me"sabi ko atsaka hinimas himas ang likod niya para maalo siya

"wala akong problema sky, hindi lang talaga maganda ang  pakiramdam ko  ngayon"sabi niya atsaka pilit na ngumiti sa akin

alam kong may problema siya pero ayaw ko namang manghimasok sa buhay niya kaya naman hindi na ako muling nagtanong pa ng kung ano ano sa kaniya

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang aking mga daliri atsaka siya nginitian

"everything will be okay, just wait"sabi ko

Pagkatapos noon ay inakay ko na siya papunta sa kwarto namin

tahimik lang siya habang nakatitig sa taas samantalang ako naman ay nakatitig sa kaniya

Kung ano man ang prolema mo, sasamahan kita ,katulad ng ipinangako nating dalawa sa harap ng dambana.............

Margarita's pov

Nakatulala lang ako buong magdamag
at halos hindi rin ako nakatulog dahil sa pagiisip tungkol sa nangyari kahapon

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko nung mga oras na iyon

Pinaghalo-halong gulat,lungkot at takot ang bumalot sa akin

Arrange Marriage with Mr.Playboy [ON-GOING]Where stories live. Discover now