CHAPTER 6

88.6K 3K 185
                                    

Chapter 6

"MAGPALIT ka ng damit," mahinahong wika ko kay Sid. Napilitan akong papasukin siya sa loob ng apartment ko. Nanginginig kasi siya kanina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa niyang maghintay at magpaulan sa labas. 

Guilt consumed my system. May parte sa akin na sana pala pinagbigyan ko na lamang siya sa date na gusto niya. I have assumed too much. What if it was just a friendly date? At gusto niya lang akong kilalanin?

Stupid, Serenity!

Ilang beses ko na yata pinagalitan ang sarili ko. Naupo ako sa plastik na upuan. Nilukob ako ng hiya, tiyak na hindi siya komportable sa ganito kaliit na apartment. I've seen how he scrutinized the entire place earlier.

Sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya ng banyo. Well, hindi man kalakihan at gano'n ka-sosyal itong apartment, atleast malinis at disente naman tingnan. Nakakagalaw naman ako nang maayos.

I prepared a mushroom soup for him while he's taking a bath. I sighed. Kung hindi ko kaya siya tinakasan, magiging maganda kaya ang kalalabasan ng sana ay date namin? I sighed. Kasalanan naman niya. He creeped me out. Why would he ask me for a date when we barely know each other?

Pagkalabas niya ng banyo ay muntik na akong bumunghalit ng tawa.  Napaatras ako nang matiim niya akong tiningnan.

Wala naman kasi akong malaking mga T-shirt dito. Ang ibinigay ko sa kanya ay iyon na ang pinakamalaking mayroon ako. Yellow shirt na may mukha ni Spongebob.

Pero dahil ang laki niyang tao, bumabakat ang kanyang dibdib sa damit. Sobrang sikip din nito sa kanya at hanggang pusod lang niya.

The shirt deliberately revealed his marvelous V-line. There's a trace of hair at line of the vertex. I'm not quite sure why majority of the girls loves that kind of view but me. Sabagay, mukha naman siyang sexy tingnan. I must be lucky for seeing this view. I grinned mentally.

"You can touch it," he  suddenly suggested while grinning.

Natauhan ako at nawala ang ngisi sa aking mga labi. Parang biglang nagkaroon ng bara sa aking lalamunan.

He just caught me while gawking at him! Holy gracious!

"Ahmm..." Tumikhim ako at nagkunwaring walang nangyari. I diverted my gaze on the wall. I bit my lower lip to reprimand myself.

Silly, self. Stop scrutinizing his body. Isa siyang makasalanan.

"Nagluto ako ng mushroom soup habang naliligo ka. Mas maigi 'yon para mainitan ang tiyan mo," sabi ko pa para takasan ang kahihiyan. Inginuso ko na rin ang pabilog kong lamesa.

Naupo ako sa pang-isahang sofa at binuksan ang TV. Baka kasi may bagyo. Hindi ko man lang nabalitaan. In my peripheral vision, he sat by the table. Kawawa iyong maliit kong upuan, mukhang masisira dahil ang laki niya.

"Why don't you join me here?" aniya.

I shook my head and threw him a quick glance.

"No. Para lang sa 'yo. Sigurado kasing nilalamig ka. Kung bakit ba kasi nagpaulan ka sa labas?"

Hindi siya sumagot, bagkus ay nakatuon ang kanyang mga mata sa akin habang humihigop siya ng sabaw.

Sa kabutihang palad ay wala naman palang bagyo. Sadyang umulan lang dulot ng hanging amihan.

Inabala ko ang aking sarili sa panonood ng TV nang maramdaman kong may mga matang nakatuon sa akin. I unconsciously roamed my eyes until they landed on a pair of piercing orbs. Muntik pa akong napatili dulot ng gulat. Napahawak ako sa aking dibdib.

Hindi ko man lang naramdamang nakalapit na pala siya.

He's front of me. Naupo siyang naka-de-quatro. Daig pa niya ang may-ari ng apartment.

"Tumila naman na ang ulan. Puwede ka nang umuwi."

Namilog ang mga mata niya sa gulat. Marahil ay hindi niya inaasahan na tatabuyin ko siya pauwi. I don't want him around, specially when there's only two of us. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari.

"You're rude," he stated as a matter of fact. He caught my eyes and continued, "I waited for you for couple of hours then you will just push me away? Where's your hospitality?"

"Hindi ko alam. Baka tulog pa. And besides, hindi ko naman kasalanan kung naghintay ka."  I crossed my arms against my chest.

His jaw flexed. Mukha talaga siyang Picachu sa damit niya.

"We still have a date, remember?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung kanina'y naawa ako sa kanya nang makita ko siyang basang-basa, ngayon nama'y nabuhay ang lahat ng inis na meron ako para sa kanya.

"I can't remember I've agreed to that. Umuwi ka na nga!"

"Don't push me to pull the strings just for you to date me, my lady."

Lumapit siya sa kinauupuan ko. Naalarma naman ako at agad na napatayo.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, ha? A-y-a-w ko nga makipag-date sa 'yo! Alin ba ang hindi mo naintindihan doon?"

Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

"You will date me and you don't have a choice," pinal niyang sabi. Napasabunot ako ng sariling buhok.

"Of course, I have a choice! This is my life! Who are you to give me orders, huh? Stay away from me. I don't want my boyfriend to get jealous!" I shouted with frustration.

Sandali siyang natigilan at nagtagis ang kanyang bagang. Umatras ako para magkaroon ng espasyo sa pagitan namin.

"Boyfriend, huh?" Ngumisi siya nang mapang-uyam.

"Your boyfriend does not love you, break up with him. You understood?" tila among untag niya sa akin. 

"What?!" hindi-makapaniwalang tugon ko. Was he trying to crack a joke? Well, he's too bad at it. Hindi nakakatawa. Asar ko siyang tiningnan.

Ang kapal naman niyang manduhan ako ng dapat kong gawin sa buhay ko!

"At sino ka para husgahan siya, ha? You don't even know him. Puwede bang umalis ka na lang? Malapit na malapit na akong mabuwisit sa 'yo!"

"He's not man enough to let you live alone in this place, my lady. Break up with him. He's no good for you--"

"Shut up! Ang kapal mo! Ano bang pakialam mo sa 'min? We're not even close! Why don't you just leave and give me a peaceful life?"

"Because I like you, my lady."

Napatigalgal ako.

©GREATFAIRY

His Greatest DownfallWhere stories live. Discover now