Chapter 1: Plan

248 89 36
                                    

RONA'S POINT OF VIEW

Nagpunta kami sa isang park malapit sa bahay namin. Gaya ng nakalagian, magkakasama kami nila Papa, Mama at Rhein.

"Ate, taya!" pag-anyaya ni Rhein na makipaghabulan sa kanya.

Tinignan ko siya nang masama dahil sa naramdaman kong kirot sa pagpisil niya sa aking baywang. "Wala ako sa mood na maglaro."

"Sige na, Ate. Please. Sige ka. Kung ayaw mong makipaglaro sa akin, pangit ka," aniya. Nagawa pa niyang paikutin ang kanyang mga mata.

Binalewala ko na lang ang kanyang sinabi. Hindi niya ako masisindak sa ganoon lang. "Ayaw ko."

"Please." Nag-pout pa talaga, ha?

Napabuntong-hininga na lang ako. Baka isumbong pa ako nito, eh. "Sige na nga. Taya!" At nagsimula na akong tumakbo kaya hinabol niya ako.

"Anak, kain na! Tigilan n'yo na iyan!" Sabay kaming napahinto ni Rhein at napalingon kay Mama na naghahanda ng pagkakainan namin.

"Yes, Ma!" tugon ko. "Rhein, halika na."

"Ate, gusto ko pang maglaro. Ayaw ko pang kumain."

"Sige ka. Kapag 'di ka kumain, bubutasan ng bulate iyang tummy mo."

Sinamaan niya ako ng tingin dahil doon. "Ate, naman, eh. Kadiri ka."

Napatawa ako sa kanyang nasabi. Loko itong bata na 'to, ah. Tinawag pa 'kong kadiri. "Ang dami mong sinasabi. Halika na nga." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa kinaroroonan nina Mama. Hindi naman ako nahirapan dahil tahimik lang siyang sumunod.

"Maupo na kayo riyan," wika sa amin ni Papa sabay turo sa bench na katapat ng kanilang kinauupuan.

"Opo!"

Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Akmang kukuha na sana ako ng ulam nang biglang paluin ni Rhein ang kamay ko. Halos mamula na ito. Masakit pa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba ang problema mo?"

"Mag-pray muna. Masyado ka kasing excited kumain," sabi niya sa akin nang mahinahon. Aba, bait, ah. Napakabilis namang magbago ng mood nito. Daig niya pa ang matanda.

Napahinga na lamang ako nang malalim. "Okay. Fine. Sino po ang magdarasal?"

Nagkatinginan silang tatlo at ngumisi sa isa't isa. Kumunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka.

RuihnasWhere stories live. Discover now