Chapter 16: Missing Her Sister

38 22 0
                                    

DYLAN’S POINT OF VIEW

Principal ba talaga itong kausap ko ngayon? Bakit niya binu-bully ang isang estudyante ng kanyang paaralan? Ang prinsesa pa ang ginawa niyang pambara sa maganda kong mukha!

Sumimangot ako at pabirong tinapunan siya ng masamang tingin. Tinawanan niya lang ako. Umiling-iling ako habang binubura sa aking isip na tuluyan na ngang nababaliw ang principal namin.

Napalabi ako. “Fine, but paano naman po ang ibang magiging miyembrong babae?”

Sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya umayos ako ng tayo. “Dylan, huwag mong irason sa akin ang kaguwapuhan mo. Last year, oo, alam kong madali lang sa iyong pagsabayin ang pag-aaral at ang pagiging officer. Ngayon, hindi mo na halos kaya. Based on your adviser’s observation on your grades, bumababa na. Baka hindi ka pa maka-graduate ng senior high school kung magpapatuloy pa ito. You can’t do it alone anymore. Kailangan mo ng tulong, Hijo.”

Mariin akong napapikit at napatango. Wala naman na akong magagawa pa. Mahirap talagang pagsabayin ang pagiging estudyante at mismong student council.

“Good. Sa hapon ng Biyernes ang selection. Ipaalam mo sa lahat ng estudyante ang tungkol rito bukas at ibigay mo sa akin ang listahan ng mga pangalan ng mga maglalaban,” wika niya at tuluyan nang lumabas.

Pabagsak akong umupo sa aking upuan habang nakatingin sa kawalan. Lumipat ang tingin ko kay Tyler nang lumabas ito mula sa ilalim at dumapo sa ibabaw ng aking makalat na mesa. Nagtago kasi siya dahil natatakot siya sa principal. Lagi kasi niyang tinatanggalan ng isang balahibo ang kanyang pakpak kada makita niya ito.

“’Di ba balak mo naman talagang pumili para sa ranking?”

“Oo.”

“Ba’t hindi mo sinabing balak mo talaga sa susunod na buwan? Isang buwan pa lang naman magmula nang magsimula ang klase kaya, paniguradong pagbibigyan ka niya.”

“The principal is already worried about me. Sobrang seryoso niya na kanina. Alam mo namang hindi na mababago ang kanyang desisyon kapag umabot sa puntong ganoon na siya.”

“Paano ang princess? Hindi pa siya handa, Dylan! Hindi pa nga niya alam ang kanyang mga talagang kapangyarihan,” natatarantang wika niya.

“Alam ko. Nag-aalala rin ako para sa kanya but you know what?” Ramdam ko ang pagkurba ng aking mga labi. Of course, why wouldn’t I?

“Nakangiti ka na naman! Akala ko ba, nag-aalala ka para sa prinsesa?” naguguluhang tanong niya.

Bahagya akong napatawa. “I trust her abilities, Tyler.”

RHEIN’S POINT OF VIEW

Dahil sa bagong nalaman ko sa unang araw pa lang ng pag-aaral ko sa aleid, mas lalo lang akong naguluhan. Naisaisip ko nang hindi na madadagdagan pa ang mga prinoproblema ko ngunit sa kasamaang palad, dumami pa.

Tumigil muna ako sa pagsusulat ng mga assignments ko. Napaupo ako sa aking kama at naisipang ilabas ang aking phone mula sa loob ng backpack. Wala sa sariling ngumiti ako nang sumalubong sa akin ang picture naming magkapatid. Hindi ko namamalayang may lumandas na palang mga luha mula sa aking mga mata. Miss ko na talaga ang ate ko.

“Ganito rin po ba ang naranasan mo? Ate, naguguluhan na ako,” mahinang usal ko.

Dumapo si Forelody sa aking balikat at tinignan din ang screen ng phone. “Nami-miss mo na siya?”

“Siyempre. Sino ba naman ang hindi? Ikaw ba naman, malayo sa sobrang ka-close mong kapatid? Talagang mami-miss ko siya.” Pinunasan ko ang aking mga basang pisngi at tumawa. “Pasensya na kung nagdrama ako.”

RuihnasWhere stories live. Discover now