Chapter 11: Ice and Water

65 53 1
                                    

RONA’S POINT OF VIEW

Tiningnan ko nang matalim si Dylan matapos kong makita ang nangyayari kay Rhein. “Ba’t hindi mo sinabi agad? Mas gusto mo pa bang marinig ang good news ko bago mailigtas ang aking kapatid?” galit kong wika sa kanya.

He frowned at hindi na sumagot.

“Hindi mo siya hinayaang magsalita kanina, Rona. Blame yourself, Princess. Masyado ka kasing sabik na magbalita,” panenermon naman ni Natre sa akin.

Napailing-iling na lang ako. Tinignan ko sa mukha si Rhein at gamit ang aking mnarill, tinanggalan ko siya ng malay. Kinailangan kong gawin iyon para hindi siya mas maguluhan kapag nakita niya akong kasama si Dylan.

“Tara na.”

Hinawakan ko ang braso ni Dylan at nag-teleport kami patungo sa likuran ng deore mnarillaza. Kaagad akong gumawa ng light sword at itinutok iyon sa kanyang leeg samantalang ang kasama ko ay nakatayo lamang. Pinahinto niya ang pagkilos ng mga ahas na nakapulupot kay Rhein sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

“Oh, you are also here, my niece.” Kahit na hindi ko nakikita ang kanyang mukha, alam kong nakangisi siya.

“Bakit mo ito ginagawa? Ano ba ang binabalak mo?” matapang kong pagtatanong kahit na kinakabahan ako sa kanyang presensya.

“Tumutulong? Gusto ko lang namang tulungan ang isa sa mga pamangkin ko.”

“Binabalaan kita,” may pagbabantang saad ko, “May kasunduan ang palasyo sa inyong clan. Sa oras na manakit kayo, tuluyan na kayong buburahin sa buong Mnarra.” Hindi siya umusal ng kahit isang salita man lang kaya nagsalubong ang aking mga kilay sa pagtataka, “Bakit hindi—”

“Salamat,” aniya at tuluyan nang naglaho kasama ang kanyang mga alagad na ahas.

Nawala ang light sword ko nang marinig ko ulit sa aking isipan ang kanyang sinabi. Bakit siya nagpapasalamat?

“Hey, Princess Rona.”

Iniangat ko ang aking mukha at tinignan si Dylan. Buhat-buhat niya na si Rhein sa kanyang mga bisig.

“What are we going to do next?” tanong niya.

Mabilisan akong tumingin sa isang puno sa labas ng hukay kung saan nagtatago ang pracien ni Rhein. Nanlaki ang kanyang mga maliliit na mata nang mapagtantong nakatitig ako sa kanyang kinaroroonan.

Huminga ako nang malalim at napapikit. “We have to tell her the truth.”

RHEIN’S POINT OF VIEW

Pagkagising ko, una kong narinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Pumasok dito ang isang babaeng hindi ko kilala. Sa tantiya ko, magkasing-edad lang kami.

“Good morning,” walang kaemo-emosyong bati niya. Inilapag niya sa aking tabi ang isang tray ng pagkain. “Heto. Kain ka muna.”

Tila nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang kanyang boses. Subalit, nailipat ang atensyon ko sa kung nasaan ako. Purong violet ang kulay ng mga kagamitan sa loob ng silid.

“Weird, right? Weird ang may-ari ng bahay na ito,” sabi ng babae, dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya. “Nasa labas ang pracien mo. Nakikipag-usap siya kay Owlice.”

“Paano kami napunta rito?” iyon ang unang tanong na lumabas mula sa aking bibig.

Napapikit ako at inalala ang nangyari. Ang huli ko lamang na naaalala ay ang pag-uusap namin ng deore mnarillaza. Pagkatapos n’on, bigla akong nakaramdam ng antok at nawalan ng malay na maaaring kagagawan niya.

RuihnasWhere stories live. Discover now