Chapter 6: Not Normal

83 66 0
                                    

RONA’S POINT OF VIEW

Ilang saglit lamang matapos umalis ni Rhein, pumasok si Dylan kasama ang kanyang pracien. Nasa ibabaw ito ng kanyang balikat. Gaya ng nakalagian, nakangisi siya at sumandal sa pader na nasa gilid ng pintuan.

“What’s next, Princess?”

Pumasok rin si Natre at dumapo sa ibabaw ng aking balikat. “It seems like Princess Rhein is going to the bus station. Balak niya talagang makalayo sa iyo para sa iyong kaligtasan,” wika niya.

“As expected, everything is going according to the plan,” tugon ko. Tinignan ko si Dylan. “Ikaw muna ang magbantay sa kanya. May ipinadalang mensahe ang hari kani-kanina lang. Pinapabalik niya ako para sa isang biglaang misyon.”

Tumango siya at lalong ngumisi. “Don’t worry. Ako na ang bahala.” Nagawa niya pang kumindat bago umalis.

Napasimangot ako. “Ano ba ang tumatakbo sa isip n’on?” Naku, subukan niya lang i-harass ang kapatid ko, ikukulong ko siya sa light cage at ito-torture.

RHEIN’S POINT OF VIEW

Dahil sa lubos akong naguguluhan, sumama ako kay Lolo Lembo. Pumunta siya at pumasok sa kanyang puting kotseng nakaparada sa hindi kalayuan.

Hindi ko inakalang siya pala ang kausap ko. Naging paos kasi ang kanyang boses at nag-disguise pa siya ng pang-probinsyano.

Si Lolo Lembo ang nagtuturo sa akin sa mga special lessons ko. Magtatatlong-taon na rin niya akong tinuturuan. Dalawang beses lang ako kada buwan pumupunta sa bahay niya para sa mga lessons. Isang linggo pa lang magmula noong huling pagtuturo niya sa akin. Mapapaaga yata ngayon ang pangalawa.

Matanda na siya ngunit malakas pa rin siya. Mas malakas pa nga siya kumpara sa mga mas bata sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko mula sa pagsulyap sa kanyang mga mata. May kinalaman din ba ang mangkukulam sa nangyayari sa kanya? Pakay din ba siya ng nilalang na iyon?

“Mukhang isang deore mnarillaza ang tinutukoy mong mangkukulam, Hija.”

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Paano niya nalaman ang nasa isip ko?

Ngumiti siya habang nasa kalsada pa rin ang kanyang tingin. “Simple lang. Kaya kong pakinggan at basahin ang nasa isip mo.”

“S-sino po ba talaga kayo?”

“Isa akong resce mnarillaza. Isang uri ng ementumo mnarillaza. May palagay akong nabasa mo na ang mga tungkol sa mnarillaza, tama ba?”

Napatitig ako kay Lolo habang may inaalala. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa mga mnarillazas nang pahiramin niya ako ng isang libro. First lesson namin noong ipabasa niya sa akin ang libro. Ang sabi niya noon ay makakatulong daw ito sa gagawin naming mga lessons ngunit hindi naman pala. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa kanila kung hindi niya lang binanggit ito.

Mnarillaza ang tawag sa ‘magician’ kung ita-translate ito sa Mnarraic language. Nagtataglay sila ng tinatawag na mnarill o ‘magic’. Isa sa mga hindi kilalang fiction stories ang mga tungkol sa kanila at sa kanilang mundong tinatawag na Mnarra. Hindi ko akalaing totoo pala sila.

“Kaya kong alamin ang nakaraan at hinaharap ng isang tao. Gayundin ang kanyang iniisip.” Sinulyapan niya ako. ‘Kaya ko ring kausapin ang sinuman gamit lamang ang aking isipan.’

“Aray!” Nauntog ako sa bintana ng kotse dahil sa biglaang pag-atras. Siyempre, kahit sino naman, magugulat talaga kung bigla ka na lang makakarinig ng boses sa loob ng isipan mo.

RuihnasWhere stories live. Discover now