Chapter 2: Witch

113 70 13
                                    

RHEIN’S POINT OF VIEW

Late na ako! Bakit naman kasi ako nahuhuling gumising? Nakakainis naman. Lagi na lang ganito. Kababae kong tao pero parating tulog-mantika.

Napakamot ako sa ulo ko. “I-a-alarm ko na nga ang phone ko mamayang gabi—tama! Ang tanga ko talaga. Matagal ko na sanang ginawa iyon,” bulong ko sa aking sarili.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Gonzales University kung saan ako kasalukuyang nag-aaral. Hindi pala kundi takbo at lakad ang ginawa ko para mas mabilis akong makarating.

Madali lang akong nakapasok ng gate dahil nakatalikod ‘yung guard at may kinakausap sa kanyang phone. Medyo nahirapan naman ako sa pasikreto kong pagpasok sa classroom namin habang nagdi-discuss ang teacher. Second period na pala. Paniguradong papagalitan na naman ako ng guidance counselor kapag nagkataong nahuli ako at palilinisin ako sa library pagkatapos. Napakalawak pa man din n’on.

Nakabukas naman lagi ang pintuan sa bandang likod ng classroom namin kaya pasimple na lang akong pumasok nang pagapang. Wala namang nakapansin sa akin dahil sa pinakalikod ang upuan ko. Habang papunta na ako roon, napansin ko ang mga kaibigan kong nag-uusap nang pabulong. Nang makaupo na ako sa upuan sa pagitan nila, dali-dali silang tumigil at nakinig sa teacher namin.

“Late ka na naman,” sabi ni Xyrille habang nagsusulat sa notebook niya.

“Hindi ka pa ba nasanay, Xyrille? Late naman as always si Rhein, eh,” wika naman ni Jean na sinabayan niya pa ng mahinang tawa.

“Whatever.” Napabuntong-hininga na lang ako at inilabas ang ballpen at notebook ko mula sa aking black backpack. “Ano ang pinagbubulungan ninyo pala kanina?”

Mukhang nagulat sila sa tanong ko. Hindi sila tumingin sa akin at tila nag-isip pa silang dalawa ng ilang saglit. Nagtinginan pa sila na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata, para bang wala lang ako sa pagitan nila.

Napakaseryoso nila habang nag-uusap kanina. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pairalin ang kuryosidad ko.

Pagkaraan ng ilang minuto, hindi pa rin sila sumasagot kaya pinitik ko pareho ang kanilang mga noo. Sabay nila akong tinignan ng masama pero binalewala ko na lang iyon at tumingin sa harapan.

“Mamayang break na lang ninyo sabihin.”

Ilang minuto na ang nakalipas matapos naming magsimulang kumain ng meryenda ngunit wala pang nagsasalita kahit isa sa kanila. Tila hindi rin sila mapakali habang kumakain.

“Spill,” utos ko sa kanila. “Napakaseryoso ninyo kaninang nagbubulungan kayo, eh. Baka naman, puwede ko ring malaman.” Gusto kong gawing pabiro ang pagsabi ko ng mga iyon pero hindi ko magawa dahil para bang nakakaramdam ako ng takot tungkol doon. Hindi ko rin alam kung bakit ganito.

Si Xyrille ang unang nagsalita. “Hindi mo rin kami paniniwalaan.”

“Mapapagkamalan mo rin kaming baliw, Rhein. Huwag mo na lang tanungin kung ano iyon,” dagdag naman ni Jean.

Medyo na-offend ako sa mga sinabi nila pero hindi ko na lang ipinahalata. “Kaibigan ninyo ako. Kung ano pa man iyan, I will try to believe it. You have my trust, remember?”

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napahinga ng malalim. “Okay. Sasabihin na lang namin.”

“Naaalala mo ba ‘yung sinabi namin last Friday? Hayung pupunta kami ni Xyrille sa bahay ng auntie ko kinabukasan?”

Tumango ako. “Yeah, inaya pa nga ninyo ako kaso tumanggi ako dahil namasyal kami ni Ate Rona.”

“So, heto nga. Dahil sa medyo malayo-layo pa ang bus stop sa bahay ni Auntie, kinailangan pa naming maglakad. On our way, may nakita kaming isang malaking lumang bahay. It looked so mysterious and at the same time, enchanting kaya hinila ko si Xyrille papunta roon para tignan ang loob. Ang akala namin, walang nakatira roon kaya pumasok kami. Sobrang linis sa loob ng bahay. Walang kalaman-laman hanggang sa napadpad kami sa isang kuwarto. Hayun lang ang lugar na may mga gamit pero ang nakapagtataka, ang kama, upuan, cabinet, mesa, basta, lahat ng mga gamit ay purong itim.” Huminga nang malalim si Jean bago nagpatuloy. “Pero hindi namin nagawang libutin ang kuwartong iyon dahil may nakita kaming tao. Nakasuot siya ng itim na cloak. Hindi namin nakita ang hitsura niya dahil nakatalikod siya sa amin. Nagkaroon ng mga itim na apoy, tila lumulutang sa paligid niya kaya tuluyan na kaming kumaripas ng takbo palabas. Naku, Rhein, kung nandoon ka lang, paniguradong maninindig din ang mga balahibo mo. Mabuti nga dahil nakatakas kami at hindi niya kami napansin.”

RuihnasWhere stories live. Discover now