Chapter 6

11.7K 340 3
                                    

Freya's P.O.V.

"Alpha, napagdesisyunan niyo na ba ang balak niyo sa mga bihag?" Tanong ng isa sa mga matatatandang nakahilera sa harap ko. They call them elders although halos hindi naman halata sa mga mukha nila na elders sila. Maybe because they are not human.

We are currently having some dinner in the large dining room with three long tables. Tahimik lang akong inienjoy ang pagkain. This place sure is magnificent, every inch of this palace shouts luxury. From it's tiled floor, granite wall, beautiful chandeliers, ivory utensils and of course delicious cuisines and wines. Kapansin-pansin din na ang mga kumakain lang dito ay ang mga elders, gamma, delta, beta, ilang myembro na may matataas na posisyon at syempre ang Alpha nakaupo unahan ng mesa na nasa gitna. Wala nga akong idea kung bakit ako nandito. Pero since nandito si Promto sumama na lang ako at tumabi sa kanya.

"We can let the other packmembers live but I think we need to kill the beta." Suhestyon ng isa sa mga elders. Kumabog ang dibdib ko. Are they planning to kill Vincent?

"Sangayon ako kay Leo Alpha." Sangayon ng isang babae na sa palagay ko ay isang delta. Seriously? Eating while planning to slaughter someone. Manners please! Wala sana akong balak sumingit pero dahil pinagpaplanuhan nila ang pagpatay sa kaibigan ko ay napatigil ako sa pagkain.

"Why do you need to kill him?" Tanong ko na nagpalingon sa lahat sa akin na tila ba isang mortal na pagkakasala ang sinabi ko. Naramdaman ko din ng pagtalim ng titig sa akin ng Alpha pero wala akong pakialam.

Tumalim din ang tingin ng babaeng delta sa akin pati na din ang ilang pack elders. "Who do you think you are to question the decision of elders?" Tanong nito sa nagpipigil na galit.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at sinalubong ang mata ng babae. "I am not questioning any of your decision. I'm just asking a question that's two different thing miss."

Tinaasan ako nito ng kilay. "And who give you permission to talk? Hindi ba nasabi sayo na walang boses ang alipin?"

Binigyan ko ito ng isang napakatamis at plastic na ngiti. "Oh I'm sorry I am not informed. As can you see I did not came from this world so your cultures and rules is quite surprising for me. That's why I'm asking a question." Sarkastikong balik ko dito. "I'm asking questions to understand, maybe-" naikuyom ko ang kamao ko na nakapatong sa lamesa. "Maybe if understand your cultures and rules it can help me understand on how come did I end up here and how to get out of this hell!" Puno ng pait na dugtong ko saka tumayo. "Excuse me, I lost my appetite." Sabi ko saka naglakad palabas ng dining hall. The only good thing about this place is its luxurious ambiance other than that everything is completely rotten.

❤️❤️❤️

Nagising ako dahil sa nanunuot na lamig sa katawan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bigla akong mapabangon ng mamulatang wala na ako sa silid na inilaan sa akin ni Promto, bagkus ay nasa isang lugar na napapalibutan ng nyebe. Madilim ang kalangitan ngunit natatanglawan ito ng bilog na buwan at bituin sa kalangitan.

"Freya.." Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses para lang mapanganga ng makita si Aurora.

"Aurora? Nagsasalita ka?" Nagtataka kong tanong dito. "At nasaan ako?"

"Nasa lugar ka kung saan tayo huling nagkita." Sagot nito. Hindi bumubuka ang bibig nito at nakatitig lang sa akin kaya nagtataka ako kung paano ko ito naririnig.

"Bakit ako nandito? Ibig bang sabihin nakabalik na ako sa mundo natin?" Inililibot ko ang tingin sa paligid. Now I remember it, this is the place where Aurora give me the diamond necklace.

"Hindi pa, ang nakikita mo ay isang ilusyon na siyang ang nakikita ko dito sa mundo ng mga tao. Dahil suot mo ang kwintas kaya kitang tawagin at ipakita sayo ang kinaroroonan ko." Paliwanag nito.

"Then paano ako makakabalik? Ang kwintas ba na ito ang dahilan upang mapunta ako sa ibang mundo?" Desperadang tanong ko. Nakaramdam ako ng takot, paano kung hindi na ako makabalik?

Umiling si Aurora bilang tugon. "May nagbukas ng lagusan mula sa magkabilang dimensyon at tumawag sa kaluluwa mo dahilan upang mapunta ka sa lugar na yan" Sagot nito.

"Sino? Paano ako makakabalik? Paano ko muling mabubuksan ang lagusan?"

"Be careful Freya, don't let them capture you. Your heart is the key to awaken the soul of the wicked. Your death will be his second birth and when that happens it will bring darkness for both worlds. You're on your own for now. My strength is not enough to cross between dimensions but when the right time comes, I will be able to cross the barriers and protect you." Mahabang litanya nito na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean?" Tanong ko pero hindi ito sumagot. Napansin kong tila lumalayo ang distansya namin kahit hindi naman ito naglalakad. "No! Please wag mo muna akong ibalik! Sino ang tinutukoy mo?" Sigaw ko pero patuloy lang ang paglayo namin. I tried to run to her but no matter how fast I run it seems that the instead of getting nearer our distance keeps on going farther and farther.

"Aurora please!!" Sigaw ko sabay balikwas ng bangon. Pawis na pawis ako at pakiramdam ko ay kagagaling ko lang sa isang marathon sa lakas ng tibok ng puso ko. Inikot ko ang paningin sa paligid. I'm still in the same victorian themed room in the pack house. Panaginip lang? Napahawak ako sa kwintas at napailing. No, it's not a dream!

Dali-dali akong tumayo sa kama saka saglit na nagayos sa banyo at lumabas ng silid. Dumiretso ako agad sa dining dahil alam kong nandoon sila para sa almusal. "Promto." Tawag ko sa pansin nito na kumakain sa table. Napalingon din sa akin ang ibang tao na nasa mesa.

Naangat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata ko. "Why? Need something?" Tanong nito.

Inilihad ko ang palad ko sa harap niya. "Yeah, i need the key to the basement. I need to talk to Vincent." Diretsong sabi ko.

"Wow! Sa lahat ng bihag ikaw ang demanding." Palatak ni Promto habang tila hindi makapaniwalang nakatingin sa palad ko. "Your loverboy is fine don't worry no one will kill him until the alpha say so. Why don't you take a seat and eat your breakfast first?"

"He is not my loverboy, he is my friend. I really need to talk to him, It's really importa-."

"Not until after breakfast. Sit down and eat your breakfast. If you don't want to eat then go to the living room and wait for Promto to finish eating. He will accompany you to that beta." Sabay kaming napalingon ni Promto sa Alpha ng putulin nito ang sasabihin ko.

Naikuyom ko ang kamao ko pero pinili ko na lang na umupo at kumain. After all i wasn't able to eat my dinner properly last night. We ate in silence this time.

❤️❤️❤️

In The Arms Of An AlphaWhere stories live. Discover now