OHDC: CHAPTER 16

190 22 0
                                    

SHE'S DEAD


Your POV
Malapit ko nang mabuo ang pera na kinakailangan ko, kahapon kasi ay may bunos akong natanggap sa boss ko dahil sa pagiging active ko at medyo level UP na rin ang level ko sa work.

Kanina ko pa nararamdaman na may mangyayari di ko alam kung masaya ba o malungkot ito. Kanina ko pa rin di nakita sina jian at Nicole. May nangyari ba?

"May gusto akong sabihin sayo" sabi ni yoongi sa likuran ko kaya napatalon ako dahil sa bigla, ito naman si sungit tumatawa— kahit ganun di ko man lang kayang magalit sa kanya. "Ano ba! Bakit lageh ka na lang nang gugulat, huh?" Sigaw ko sa kanya. "Sorry" "di nga, did you really mean it? Nag sorry ka" pang-iinis ko sa kanya, at biglang tumaas ang mga kilay niya kaya huminto na ako at nag change topic. "Ano yung sabihin mo?" "May party sa bahay ngayong gabi" "ano naman, may trabaho ako at wala ako sa oras para dyan" sabi ko "Pupunan ko nang pera ang sweldo mo ngayon" sabi niya kaya nagkaroon ako nang interes, pang dagdag na yun sa hospital para kay ina.

"Cge ano yun?" Nakangiting tanong ko. "Magpanggap ka ngayong gabi na sweet tayo, at magsusuot ka nang magandang damit." Saliksik niya. "Ano? Hindi naman malaki ang event na yan di ba? Ba't magsusuot ako nang magarang damit?" Tanong ko. "Pupunta si Suran at mga kaibigan niya doon" sabi niya na ikinalaglag nang panga ko, joke lang. "Ang girls nang bahala sayo" sabi niya, ano bang ibig sabihin niya? Di kaya, nakipagsabwatan siya sa kaibigan ko para dito? Hays, tung lalaking to talaga, kung di lang kay ina hindi talaga ako papayag.

TIME SKIP>>

Pumunta na kami nang blackpink at kasama na rin sina jian at Nicole, si Kyrine nasa bahay ni yoongi dahil nagprepare na sila. Simple lang naman siguro ang party, si Suran at friends lang naman ang bisita niya.

Pagkatapos naming mamili, nagpunta pa kami sa sauna para magrelaks. Ilang oras rin ang nakalipas mga 5:00 p.m na kami nakabalik, tapos na rin ang pagprepare nila.

"Bes, magprepare ka na rin. Para tulo laway ni yoongi pag nakita ka niya sa suot mo." Pabirong sabi ni Nicole at tumatawa naman sila. "O cgeh, kayo rin" sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Inilapag ko ang phone ko sa kama ko at pumunta na sa bathroom para maligo.

AUTHOR's POV

Habang naliligo si y/n, ang phone naman niya ay ring nang ring— kaso di niya naririnig dahil sa tunog nang tubig na dumadaloy.

Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya at sinuot ang binili nila na damit. Naglagay siya nang kaunting Foundation, make-UP at lip stick.

Tapos ay lumabas siya sa kwarto, ang CP pa rin niya ay ring nang ring..... hindi niya ito pinansin patuloy pa rin siya hanggang huminto na ito at nag-iwan nang mensahe.

YOONGI's POV
Habang tumitingin ako sa malaking bintana bigla akong nakaramdam nang mainit na yakap.

"Salamat, dahil sa iyo natulungan mo ako nang sobra sobra. Siguro ikaw ang ipinadala ni God sa akin, para matulungan ako" sabi nito kaya humarap ako, at nakita ko parang isang dyosa ang nasa harap ko, ano bang iniisip ko. "Grabe, handang handa ahh!" Pag change topic ko. "Okay lang ba?" Tanong niya, hindi ko alam kung bakit tila gustong sabihin nang puso ko na ang ganda niya ngayon at ang utak ko ay okay lang naman. Ano ba talaga? Di ko naman siya gusto? Ba't nagkakaganito ako?

"Okay lang naman" sabi ko at siya naman ay nakangiti pa rin. "Alis muna ako, nakalimutan ko ang CP ko sa kwarto ko." Sabi niya at umalis na.

Y/n's POV
Nung binalikan ko ang phone ko sa kwarto nakita ko ang maraming tawag nang hospital, kaya agad kung tinawagan ang hospital.

"Doc, may problema po ba?"
["Miss Lee, Your mother wake-UP, gumising na siya kanina at may sulat siya na ipinaabot sayo."]
"What do you mean Doc? Can I talk to my mother?"
["Miss Lee, Your mother is dead. Tinawagan kita kanina tungkol dito pero hindi ka sumasagot........]

Sabi nang doctor kaya bumagsak ang luha ko na di ko namalayan. "Ina, ba't ganito?*umiiyak*" sabi ko at agad akong nagbihis nang jeans at nag jacket rin. Tumakbo ako palabas sa kwarto ko at naabutan ko si yoongi, kaya kinausap ko na.

"Yoongi, I have to go. Importante ito." Sabi ko at lalabas na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko. "Pls, pwed mo naman niyang I-postpone right? Cge na, kailan ko na talagang umalis, importante lang." Pagmamakaawa ko. "Hindi pwed, alam mo naman di ba?" Sabi niya, kaya magmamakaawa na ako at naiiyak na pero wala pa rin sa kanya.

Kaya pumasok na lang ako sa kwarto ko at magmukmok. Hindi ko na napipigilan ang mga luha sa mata ko, hindi ko lang kasi alam ang gagawin pag wala na si ina. Si ina na lang inspiration ko para mabuhay, at para buhayin ko ang sarili ko at kayanin ang lahat-lahat na problema na dadating.

Ilang oras rin ang lumipas wala pa rin akong nababalitaan sa baba, nang biglang bumukas ang pinto kaya pinahiran ko na ang luha ko ayaw ko itong makita nila. Bumungad si yoongi na kita sa mukha na malungkot rin, lumapit siya at tumabi sa kinauupuan ko.

"Patawad, di tuloy napuntahan mo ang important bussiness mo dahil sa event na ito. Patawad rin, di siya pumunta." Sabi niya na nakayuko. Tama ba narinig ko, di dumating si Suran— kaya agad akong nagsuot nang jacket malamig sa labas eh, at umalis kaso hinawakan niya ang kamay ko.
"Mag-ingat ka" diin niya "Oo mag-iingat ako" sabi ko at lumabas na at sumakay na rin nang taxi papunta nang hospital, buti bukas pa at maari pa akong makapasok.

Pinuntahan ko ang kwarto ni ina, pero wala siya doon kaya nagtanong tanong ako sa mga nurse at may isa na sinabi na si ina ay nasa morge na, kaya tumakbo ako papunta sa moge at nakita ko ang ina ko na nakahiga, hindi ko maiwasan na maiiyak nang sobra sa nakita.

"Ina, ina, gumising ka! Gumising ka! Wag mo akong iwan, hindi ko kakayanin pag wala ka, ina pakiusap." Sabi ko habang umiiyak niyakap ko nang mahigpit.

"INA!!!INA!!!INA!!!!!" Sigaw ko.

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now