OHDC: CHAPTER 81

100 3 0
                                    

OHDC: CHAPTER 81
SEIZURE


TAEHYUNG's POV

One week na ang nakaraan tulog pa rin si y/n. At si yoongi hyung one week na rin siya sa hospital nagbabantay kay y/n. Dito na siya natutulog, kumakain, naliligo.

Grabe talaga pagmamahal nila sa isa't isa.

"Tae, ikaw na muna magbabantay sa kanya habang wala ako." Sabi ni yoongi hyung. Tama kayo readers sa nabasa niyo, aalis kasi si hyung. Business trip, yung appa sana niya ang pupunta but ipinasa sa kanya bilang patunay na karapatdapat sa kompanya na susunod na CEO.

"Oo, ako bahala. Mag-ingat ka hyung." Sabi ko. "Oo naman, may uuwian pa yan ih'" sagot ni Nicole at tumawa. "Cge, babalik ako. Balitaan niyo na lang ako tungkol kay y/n kung gising na siya." Sabi ni hyung at binitbit na ang bagahi at hinalikan sa noo si y/n at nagpaalam samin saka lumabas.

______________

"Cge mauna na kami tae. Tulog na Baby ko ih'." Sabi ni jimin-hyung habang baba niya si Jian.

Isang oras nang nakalipas noong umalis si hyung sa hospital siguro malapit na siya sa pinaparoonan niya.

"Cge, mag-ingat kayo. At hyung kung may balak ka, gumamit ka nang safety ah!" Sabi ko. At agad ako siniko ni Nicole, at si jimin hyung naman, ayun kinilig at nagblush.

"Tatandaan ko yan, pero papakasalan ko muna siya bago iyun." Sabi ni jimin. "Wow, sana all." Sabi ni Lisa. "Di tulad nitong isa, kung makatitig sa ibang babae, matutunaw na." Reklamo niya. "Oii, tama ako! May lq nga sila! Ang bayad!" Sabi ni Rose saka nilahad ang kamay kina Jennie, RM-hyung at Adrian.

"Talaga lang huh!" Lisa glared. "Oh' tama na yan, baka kakasatsat niyo di na makaalis si pandak." Bulyaw ni jin-hyung. "Tama na jin." Sabi ni jisoo kaya ayun tumahimik.

"Cge na, cge na. Aalis na kami. Paalam." Sabi ni hyung at umalis na. "Sino nagugutom? Bibili ako." Sabi ni jin hyung. "Sasama n lang ako." Sabi ni RM-hyung. "Ehem* GF ang sasama, baka may bl pang mabuo." Sabi ni jisoo dahilan kaya kami tumatawa.

"Di joke lang, ang sasama, sasama ang magppaiwan, magbantay kay y/n." Sabi ni jisoo. "Sasama ako!" Maligayang-maligaya na sambit ni Kyrine. "Ako rin." Sabi ni Jhope hyung at hinawakan ang kamay ni Kyrine.

Sa lahat nang magjowa sa grupong ito sila lang ata ang di mapaghihiwalay. Kung aalis, magkahawak ang kamay. Tutal official rin naman sila. Tanggap kasi both side nila ang pagmamahalan nila.

"Cge na, umalis na kayo. Ingay niyo ih' maiwan na lang kami ni tae dito." Bulyaw ni Nicole. Well usually kung gising si y/n, sumisigaw na siya kapag sobrang ingay. Yun yung pinaka ayaw niya minsan nag titiis lng. "Oo na, alam ko naman na gusto mo siyang masolo kaya aalis na kami huh!" Sabi nina Lisa at Jennie maya nagtawanan sila at umalis na rin sa wakas.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya sabay abut sa orange. Mag prutas kasi sa tabi ni y/n. Kaya kung sino man ang magbabantay di talaga magugutom. "Hmm." She nod, kaya i peel it.

Habang binabalatan ko ang orange, siya naman kumuha pa nang apple sa basket. "Di ka talaga makapaghintay sa orange huh?" Natatawang tanong ko. "Gutom na ako, tagal nila ih'" reklamo niya. "Hayss, mag diet ka nga taba-taba mo na oh'." Pagbula ko. "Haha, nakakatawa. Mas mataba ka nga tignan ih'." Okay, nagagalit na siya. Well, meron kasi yan ngayon.

Pero nasaisip lang ako, kung ang mga babae, buwan-buwan nireregla kahit ba si y/n habang tulog nireregla rin? Di ba? Shush!!! Atin lng to readers.

"Anong inisip mo?" Biglaan niyang tanong. "Ikaw. Yiee, kinikilig na siya." Biro ko. Ayun, napikon. Di umimik. "Nicole, kuha muna ako tubig huh!" Sabi ko. "Samahan na kita." Sabi niya. "Sino magbabantay?" Tanong ko. "Ako na lang po sir Kim ang magbabantay. Iche-check ko naman mamaya ang condition ni ms. Lee." Sabi nung nurse na bigla-bigla na lang sumulpot. "Okay." Sabi ni Nicole, at lumabas na siya. Kaya sinundan ko na rin.

@hall

"Anong iniisip mo cole?" Tanong ko. "Yung kasing nurse,  familiar kasi yung boses saka yung mukha, kaso naka mask. Parang nakita ko na siya." Sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. At siya naman isip nang isip. "Wag na nga lang, mag madali na tayo. Wala akong tiwala sa nurse na yun." Sabi niya at ako naman nagmadaling kumuha nang tubig.

__________

Naglakad na kami at malapit na sa kwarto ni  y/n nung napansin ko, palay pasok at labas nang mga nurse at doctor kaya nagmadali kami. At nakita namin si y/n, nilalagyan nang oxygen, saka nireready na yung [[ 1,2,3 clear... alam n'yo yun, sensya na di ko alam pangalan nun.]]

"Ready, 100." Sabi nang doktor. "Tapos na po." Sabi nung nurse. "1.2.3. Clear." Sabi nung doktor saka inilagay sa may dibdib ni y/n. Nag si datingan naman yung ibang kasama na masayang masaya nakikwentuhan. Natigil lang nung napansin na umiiyak si Nicole.

"Anong nangyari?" Tanong Rose. "Si y/n." Sabi ni Nicole habang iyak nang iyak.

"Excuse me, sir. Iko-close kang po namin ang bintana." Sabi nung nurse at kinurtinahan na nila ang salamin. Saka yung pinto para ni iisa namin di makita ang nasa loob.

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now