OHDC: CHAPTER 97

119 5 0
                                    

OHDC: CHAPTER 97
#storyteller


———

"So, mga bata dun na lang muna tayo. At gabi na." Sabi ni Athena Faith sa mga bata na laging nakikinig sa kwento niya at mga sinusulat niya.

"Ate Faith, ano po bang mangyayari kay y/n?" Tanong ni xandra. "Oo nga ate, gusto namin malaman. Cge na po, ipagpatuloy niyo ang kwento." Bulyaw nang bata.

"Bukas, pangako, babalik ako at ipagpapatuloy ko." Sabi niya at hinawakan ang pisngi ni xandra. "Kaya matulog na kayo, at wag magpapuyat. Pag nalaman ko, na di kayo sumusunod sa sinasabi ko. Walang kwentong matutuloy, at kahit kailan di na ako babalik pa muli rito. Maliwanag." Sabi niya at napaoo naman ang mga bata, at humiga na sila sa kama nila.

"Ate, gusto ko sa paglaki ko maging mabuting kaibigan sa mga taong malapit sakin, ayaw ko tuluran si Suran, BAD siya." Sabi ni Ashley. "Minsan may mga taong masama, dahil lang sa minsan sila'y nasaktan na at naulila, pero may iba naman naging masama dahil sa sariling hangarin at gustong makamit ang mga bagay na sa tingin nila ay posible. Kung may mga bagay man kayong nagawa noon, dapat gawin niyo itong leksyon, para matutunan ang mga bagay, na nasa tama ba ito o sa mali." Sabi niya, at tumingin siya sa bata.

Bahagya siyang natawa kasi nagsasalita na lang siyang mag-isa habang tulog na sila.

Agad siya lumabas at i sinarado ang pintuan.

\\ 2 years later \\

Dalawang taon ang lumipas simula nung insidenteng nangyari sa abandonadong gusali.

Pero sariwang-sariwa parin sa ulo at isip ni yoongi ang lahat. Kung paano niya gustong ipaglaban ang mahal niya at pano sinalo ang bala na para sana sa kanya.

Nandito siya ngayon sa sementeryo upang bisitahin ang isang puntod nang pinakamahalaga na rin sa buhay niya.

YOONGI's POV

Dalawang taon na ang lumipas, at unti-unti nang bumabalik sa dati ang ikot nang mundo ko.

Ang kapatid ni Y/n na si Jason Lee, ay marapat sanang hatulan nang kamatayan, pero mas pinili ko ang makulong nang tatlong taon lamang, kahit inilagay niya sa kamay ang batas.  At nakalusot rin siya sa ibang kaso nang dahil sa pag-amin niya.

Si Suran? Nasa mental institution siya ngayon, at nagpapagaling. Pero dahil sa galit ko, inalongkat ko lahat nang baho nang pamilya niya.

Napagtanto ko, na isang miyembro nang sindikato ang ama niya, at nagbebenta nang mga pinagbabawal na gamot. At dahil sa paghalongkat ko sa lahat, nabuksan muli ang kaso nang pagpaslang sa mag-asawa at magulang ni y/n, nasabi rito na dahil sa lalong paglago nang kompanya nang Lee Corporation ay pinatay niya ang buong pamilya buti na lang ay natirang ligtas  at humihinga pa ang anak nila.

Ang mga kaibigan ko namN ay maayos lang sa ngayon. Magkatuluyan sila sa taong minahal nila nang mahabang panahon.

——

Pumunta na ako nang sementeryo para tingnan ang mahalagang tao rito.

Habang kaharap ko siya, di ko napigilan mapaluha. Tapos nang dalawang taon ngayon ko lang ulit siya binisita dahil guilty na guilty ako at takot akong harapin siya.

"Bhie, panyo oh'." Sabi nang GF ko. Shes my 2 years girlfriend. Well, mag 2 yrs pa lamang.

"Salamat." Sabi ko sabay tanggap sa panyo. "Sorry, di ko lang kasi maiwasan." Turan ko pa, pero hinarap niya lang ako at niyakap. "Di mo kasalanan, wala kang kasalanan." Sabi niya and pat my back.

Dahil sa mga nangyari, siya lamang ang lahing nagpapagaan sa damdamin ko. Sa ang palaging nasa tabi ko, sa kalungkutan at iyakan.

Di ko maka kaila mahal ko talaga ang babaeng to. Sobra.

"Ano ba yoongi ang OA mo. Dali na nga, Isturbuhin mo lang puntod ni ina ih' iyak ka nang iyak para kang namatayan." Bulyaw niya.

BTW, nakalimutan kong banggitin ang pangalan niya siya si Y/n Lee, ang taong muntik ng mawala sa buhay ko.

Ang babaing nagnakaw sa puso ko, ang babaeng nagbago nang pananaw ko sa buhay. Ang babaeng—

"Aray." Reklamo ko hinihilot ko ang braso ko nung sinuntok niya ako. "Dalian mo na kasi. Busy ka, busy ako. Kaya dali!" Sambat niya sakin.

Oo, tama nga kayo ulit buhay siya, buhay.

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now