OHDC: CHAPTER 93

109 4 0
                                    

OHDC: CHAPTER 93
EXCHANGE ♻️


Umalis na si Suran para tignan ang CCTv na nakapalibot. At nahagip sa camera kung asan naka higa ang walang malay at nanghihina na katawan ni y/n. Napa smirk na lang siya at dali-dali punta sa kinaroroonan nang dalaga.

Habang si Jason naman ay sinubukang hanapin si yoongi at iba pang kasama para maalis na ang kanyang pinakamamahal na kapatid.

Di kalayuan ay nagkita nga sila ngunit, mas nangingilalim ang galit at puot na naramdaman ni yoongi kaya nasuntok siya nito.

"Anong problema mo?" Galit na banggit nang nakakatanda. "Problema ko? Dahil sa inyo naghirap si y/n!" Sigaw ni yoongi. "Wag kang maingay, baka marinig ka nang iba, baka di mo pa Ma alis ang kapatid ko." Sabi ni Jason at tumayo na. "Ka-kapatid?" Utal na tanong ni yoongi.

"Tawagin mo ang iba mong kasamahan, tatawag ako nang police. May mga baril sila delikado." Sabi nito at agad nang tumawag nang police at ginawa naman ni yoongi ang dapat.

_____
"Huli ka!!" Sabi ni Suran at agad niyang itinayo ang dalaga. "YOONGI!! WAG KA NANG MAGTAGO! ALAM KO NANDITO KA NA! MAGPAKITA KA! KUNG GUSTO MO MABUHAY PA ANG TAONG SINASABI MONG MAHAL!" Sigaw ni Suran na tiyak maririnig ni Suran at mga kasamahan.

Dahil sa narinig nang binata agad siyang tumakbo sa lugar kong asan marinig niya ang boses ni Suran.

Dumating ang ibang kasamahan at naghihintay sa labas, habang ang magjowang si Tae at Nicole ay nakikipag bakbakan sa iisang tao na sinubukang rape-pin.

"Bata, masarap yang shota mo, pakitikim naman." Angas na sabi nung mama. "BAKA GUSTO MO TUMIKIM NANG KAMAO?!" Galit na sabi ni Nicole. "BAGO MO MAHAWAKAN GF KO, MORGUE MUNA BAGSAK MO." Sabi ni taehyung at sinusuntok ang mama hanggang sa mawalan nang malay.

"Tayo na, kailangan pa tayo nila." Sabi ni Nicole at saka sila umalis.

____

Nagtagpo ulit sila y/n at yoongi sa isang pagkakataon, at dahil sa nakita ni yoongi na sugatan at may dugo sa labi, pasa sa braso at bakas na nilatigo ang sobra itong nagalit.

"Y/n!!" Sigaw ni yoongi at lalapit na sana nung naramdaman niyang may nakatutok na baril sa ulo niya galing sa likuran. "Subukan mong kumilos, kung gusto mo basagin ang ulo mo." Sabi ni Jason. "Yoongi, yoongi~ mahal ko. Sa tingin mo ba kikidnapin ko siya para ibigay sayo ganun ganun lng?" Taas kilay na banggit ni Suran. "Gagawin ko lahat, pakiusap. Wag mo siyang saktan." Sabi ni yoongi.

"Lahat?"
"Lahat!"

"Palit kayo, ikaw... sasama sakin, at magpakasal tayo. Ipadadala ko siya sa hospital. Lahat, nang gusto mo ibibigay ko." Sabi ni Suran.

'Gawin mo na, ibibigay ko si y/n sa kasama mo. At babalikan kita, di ko hahayaan na mapasakamay ka sa dahil kaya naghihirap ang kapatid ko, mahal ka niya at di niya magugustuhan kong may mangyari sayo.' Bulong ni Jason kay yoongi.

"Cge, cguraduhin mong ibibigay mo siya kay Jason para makaalis na siya." Halantaya ni yoongi.

Agad itinulak ni Suran si y/n at sinalo naman siya ni yoongi. "Akin na yoongi." Bungad ni Jason kaya ibinigay na niya kay Jason. At unti-unti namang lumapit si yoongi kay Suran. 

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now