Chapter 8

139 6 0
                                    



Arzella Leonis POV



Nakuuuuuu! Ang sarap mong tirisin na gago ka! Buwisit ka talaga! Ikaw nanga itong babayaran! Ikaw pa itong ang daming arte! Sige lang! Akala mo ba magagawa mo kong pagtaguan! Hah! Humanda ka saken oras na magkaharap tayo! Isasampal ko lang naman sa guwapong mukha mo ang bayad ko sa lintek na side mirror mo!


Teka. Wait.... May nasabe ba ako na salitang guwapo sa isip ko?! ANO BA ARZELLA LEONIS! Tigilan mo nanga yang kakasabe mo na guwapo ang talipandas na gagong yun! Alalahanin mo kung papaano niya sinisira ang mga pangarap mo! Hala! Sibad na! Hanapin mo ulit kung nasaan ang guwap---Ulol na lalaking yun!


Simula ng subukan ko na kausapin si Drey para makipag-ayos na dito tungkol sa side mirror nito na hindi ko naman sinasadyang masira. Aba! Parang nanadya ang gago na iwasan ako ng bonga! Samantalang ang sabi nito sa huli kong pagkakaalala, na dapat hindi ko tinatakbuhan ang atraso ko!


Eh ano ngayon ang ginagawa nito?! Siguro sinasadya niya talaga! Ang gusto talaga ni Drey Caelan! Masira ang reputasyon mo at masira ang career mo sa showbiz industry! Hah! Ang kapal! As if papayag ako na gawin niya yun saken!


Kaya lahat ng powers ko ay ginawa ko na. Halos kapalan ko na rin ang mga mukha ko sa mga taong kakilala ko sa showbiz para lang malaman kung nasaan ang herodes na lalaki.


Pero siyempre hindi naging madali ang lahat, dahil kumpara nga naman sa lalaking yun na nuknukan ng kasikatan. Eh sino nga lang ba ako kumpara dito, kaya talaga namang hirap na hirap ang lola ninyo na makagawa ng paraan para makita ito at makausap.


Lalo na't napaka hetic talaga ng schedule nito! Kaliwa't kanan na photoshoot, mga interviews at siyempre iba pa dun ang pag guesting nito sa mga t.v shows, plus pa yung dalawang outcoming movies nito at idagdag pa diyan yung bagong serye na pagbibidahan nito at ng bagong leading lady nito na si Sienna Fenidez! Hah! Kakaloka!


Kaya halos lawit na yata ang dila ko kakahabol dito! Aba! Tinalo ko pa nga yata ang mga stalker sa ginagawa kong ito! Kung sana ba naman boyfriend ko siya eh! Kaso hindi! Susme! Kahit yata sa mga unghang na sankaterbang ex ko eh hindi ko to ginawa! Siya lang ang hinabol ko ng ganito! PROMISE!


Kaya mas lalo akong nangigigil sa inis dito!


"Hello, Arze speaking." Hindi ko na pinagkaabalahang tignan kung sino yung tumatawag saken at basta ko nalang sinagot yun.


"Hi, you must be looking for Drey Caelan, right?" Bungad saken ng lalaking kausap ko.


Kumunot bigla ang noo ko at sandali kong inalis sa tainga ko yung cellphone ko para tignan kung sino yung caller at nakita ko na unregistered ang numero nito.


"Who is this, please?" Tanong ko.


Narinig ko na bahagyang natawa yung lalaking kausap ko sa kabilang linya. Pero saglit lang at tumikhim ito.


The Wolverian Prince & MeWhere stories live. Discover now