Chapter 25

126 6 0
                                    



Dreyd Zebulter Wulfric POV


Napatiim bagang ako bigla ng maramdaman ko na sumayad na sa lalamunan ko ang napakainit at napaka tapang na alak, na ibinigay saakin noon ni Dirk. And like he said, hindi nga naman biro ang mga alak na gawa sa Solteroz.


Mas matapang pa sa alak na gawa ng mga Wolverian ang alak ng mga ito. Kaya sa unang lagok palang, pakiramdam ko mabilis yata akong tatamaan ng amats nito. No wonder kung bakit mas paborito ng ama ko na inumin ang mga alak na mula sa Solteroz.


"Damn fuck." Usal ko sabay tawa.


Pagkuwan ay sinandal ko ang likod ko sa may sandalan ng sofa na kinauupuan ko. Habang patuloy ako sa paglagok ng alak na iniinom ko.


Na sa tuwina. Nakakasanayan ko ng inumin ng diretso.


"Kaya siguro natatawa ang lokong yun! Iniisip niya na hindi ko kayang inumin ang alak na to! Pwes papatunayan ko ulit sayo, na kaya kitang tapatan. Dirk!" Sabi ko.


Nang wala ng laman ang baso ko. Muli kong nilagyan yun, at this time mas pinuno ko ang baso ko.


"She found another. Forget her, Dreyd."


"Dammit!" Malakas na binato ko sa sahig ang baso ko ng maalala ko nanaman yung masamang balita saakin ni Danier.


Pakiramdam ko para bang sasabog ang ulo ko sa kakaisip, kung papaano at bakit nagawa saken yun ni Ameriah?!


"Of course! Advance ang Novaliz!" Parang gagong sabi ko sabay hilamos ng marahas ng mga kamay ko sa mukha ko. "Damn you Ameriah!" Mariing dugtong ko.


Sa sobrang gulo ng isip ko. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon..... Yun ay ang bumalik sa Novaliz, puntahan ito at.....


Marahas akong nag buga ng hangin mula sa bibig ko.


Kasunod non narinig ko na nag vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesita.


Pero inignora ko lang yun.


Pagkuwan ay inabot ko yung bote ng alak at yun ang pinagdiskitahan ko.


Ininom ko yun na para bang wala ng bukas na naghihintay saken.


"It's your fault! It's your goddamn fault! Dreyd! For pete's sake! Ikaw ang umalis! At ngayon tinatanong mo kung bakit nagawa niya yun?! Really!" Tinawanan ko ang sarili ko sabay bato sa bote ng alak na hindi ko pa masyadong nauubos ang laman.


Kakatwa nga lang at hindi nabasag ang bote non. Matibay pala ang mga bote sa Solteroz!


The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon