Chapter 48

148 9 0
                                    



Arzella Leonis POV


Habang hinihintay ko na mahanap ni Keroshino si Dreyd. Inabala ko muna ang sarili ko sa paglilibot sa buong silid aklatan na ito.


Susko! Ang daming libro! Nalulula ako! Talaga bang nabasa na ni Dreyd ang lahat ng yan? Paano naman niya nagawa yun?! Ibang klase talaga si Dreyd!


"Kaya pala sisiw lang sakanya makabisado yung mga lines niya, mahilig pala siyang mag basa. Ang galing noh? Lahat yan nabasa na niya baby! Ni hindi ko man lang nalaman sakanya ang mga paboritong bagay na ginagawa niya. Wala pa talaga akong masyadong alam sa Daddy mo. Pero kahit ganun. Loves na loves ko parin siya." Sabi ko.


Sa paglilibot ko may nakita akong mga picture frame na maayos na nakadikit sa isang wall doon. Kaya naman curious na lumapit ako doon para makita ko ang mga nasa picture frame.


"Sino kaya ang mga yan?" Tanong ko.


Pagkuwan ay natigilan ako ng mamukhaan ko ang isang batang lalaki na naroroon din sa picture frame!


"Si Dreyd!" Bulalas ko.


Pagkuwan ay napangiti ako.


"Ang cute niya! Yan pala ang itsura ng Daddy mo noong bata pa siya!" Masayang masayang sabi ko.


Hindi ako maaaring magkamali! Si Dreyd talaga yung bata sa picture!


"Sayang! Wala man lang akong camera para makuhanan ko yang picture ng Daddy mo! Ang cute cute pa naman niya diyan! " Sabi ko.


Pagkuwan ay lumipat naman sa ibang pictures yung tingin ko.


Namangha ako ng makita ko naman sa isang picture na tinignan ko si Dreyd na bata ulit doon, pero this time hindi na siya mag isa. Mayroon siyang mga kasama doon na bata din tulad niya! Yung dalawa doon, parang pamilyar saakin.


"Parang kahawig sila nila Davis at..... Denver?" Hindi ako sigurado pero parang kahawig talaga ng dalawang yun yung dalawang bata na namumukhaan ko dito sa picture.


The rest hindi na pamilyar saakin.


Pagkuwan ay tumingin pa ako ng iba pang pictures dito.


This time, isang teenager na Dreyd naman ang nakita ko. Sa picture na yun, hindi rin siya nag iisa. Mayroon siyang kasamang lalaki na teenager din at halatang kaedad din niya. Mayroong matatalim na mga mata ang lalaking kasama nito! Pero saksakan naman talaga ng pagkaguwapo!


Kase kahit matatalim ang mga mata nito, napakaamo naman ng mukha nito! Lalo na't nakangiti yung lalaking kasama ni Dreyd doon.


Bukod doon.....Halata din sa picture na ka-close ni Dreyd ang lalaking yun.


The Wolverian Prince & MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt