Chapter 46

132 6 0
                                    



Arzella Leonis POV


"Magkasama silang dalawa ngayon ni Ameriah. I'm sorry, Zella."


Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabing yun ni Keroshino saakin ng mag punta ito kanina.


"Pero paano.... Paano ang baby namin? Paano ako?" Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ko.


"I don't know." Pag amin niya. " Hindi ko alam kung ano ang plano sainyo ni Dreyd. Basta ang malinaw lang sa ngayon, mukhang malabo ng iwanan pa ni Dreyd si Ameriah. Alam mo kase, mahal na mahal talaga ni Dreyd ang babaeng yun eh. Akala ko nga nagawa mo ng burahin sa puso niya ang Ameriah na iyon. Pero hindi pala." Malungkot na sagot nito saakin.


Pakiramdam ko parang mas nasaktan pa ako sa narinig kong yun, kesa nong masaktan ako sa mga sinabi at ginawa saakin ni Diland doon sa Wolveroz.


"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Nangako saakin si Dreyd! Ang sabi niya.... Susubukan naming dalawa na maging kami! Tapos.... Tapos sabi pa niya----"


"Kung ano man ang mga ipinangako niya sayo, sa tingin ko mababalewala na ang lahat ng yun. Dahil kung mayroon man siyang pipiliin sainyong dalawa ni Ameriah. Matatalo ka lang! Kaya Zella, huwag mo ng paasahin pa ang sarili mo. Nang sa ganoon, hindi kana masaktan pa lalo." Anito.


Umiling-iling ako sabay takip sa dalawang tainga ko. Kase ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin nito!


"Basta! Maghihintay ako sakanya dito! Sabihin mo kay Dreyd na hihintayin ko siya dito!" Matigas na sabi ko.


"Arzella----"


"Please! Nakikiusap ako! Hayaan mo akong hintayin siya! Papuntahin mo siya dito! Gusto ko siyang makita at makausap! Sige nanaman Kero! Tulungan mo naman ako!" Pakiusap ko dito.


Nag buntong hininga ito.


"Ayokong mangako. Pero para sayo, susubukan ko." Sabi nito pagkuwan.


Kaya naman umaasa ako na kapag nakarating na kay Dreyd ang pakiusap ko kay Keroshino na papuntahin ito dito.


Pupunta na ito.


Hindi ako naniniwala na kayang sirain ni Dreyd yung mga pangako niya saakin. Kase kahit sa loob palang ng maikling panahon na pinagsamahan namin nito. Kilala ko ito na tinutupad nito yung mga salitang binibitawan niya.


Isa pa. Kitang kita kung papaano ako nito sinubukang iligtas sa ama niya. Hindi naman niya gagawin yun kung hindi ako mahalaga sakanya hindi ba?

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon