Chapter 12

109 4 0
                                    



Arzella Leonis POV


Wow!


Ibang klase pala talaga kapag sikat na production ang hahawak sayo! Pang t.v serye lang pero bigatin na kaagad yung direktor na hahawak sayo! Tapos yung mga staff at yung crew! Ibang klase! Unang tingin palang sakanila.... 


Alam mo na kaagad na hardworking sila! Tapos yung mga artista! Talaga naman na puro sikat lahat! Kaya kahit saan ko yata ibaling yung tingin ko! Piling ko nasa red carpet yata ako at pinapanood ko isa-isa ang pagdating ng mga ito!


Palibhasa sikat na sikat talaga ang TBO! Isa talaga ang t.v network na ito sa pinakasikat na networking station sa buong Lucis! Kaya hindi na kataka-taka kung bakit ganito kabonga yung production ng t.v serye na ito na pagbibidahan ni Drey!


Ano ba yan! Na bi-bitter tuloy ako! Kung hindi ko sana nagawa yung ganoong klase ng kagagahan! Siguro kabilang na rin ako sa seryeng yan! Kahit sidekick lang! Or kung hindi man... Kahit extra lang! At least nakita ng mga tao yung magandang mukha ko sa bagong serye ng TBO! Kaasar!


Kaya kahit medyo may pangalan na rin naman ako. Piling ko isa parin akong baguhan ngayon. Tapos ang mas malupet pa..... Alalay pa ako ng isa sa mga pinaka sikat at tinitilihang si Drey Caelan! Ang saklap!


Pero kunsabagay.... Baka naman may mapala ako kahit papaano sa pagiging alalay nito! Baka kase mapansin din ako dito... Di ba?! Kaya nga kahit anong sermon ng anak ng diyablo saken. Hindi ko talaga ito pinansin at talagang sinapuso ko na huwag burahin yung make up ko!


Eh sa ganito ako, sorry siya! Wala naman sa pinirmahan kong kontrata na nagsasaad na bawal akong mag make up at mag suot ng ganito ah! Pauso lang talaga ang buwisit na yun! Hmp!


Sana naman kapag nakita na ako ng mga female fans nito na halos magpaka-alipin na sa lalaking toh! Sana naman tantanan na nila ako sa mga pang ba-bash na ginagawa nila saken! For sure mayroon namang mga makakating dila dito, di ba?! Or mga paparazzi! Etc...Etc....Etc.....


Tuloy ng maisip ko na baka nga mayroong mga paparazzi dito, or mga tsismosa.... Mabilis ko ulit na inayos ang sarili ko.


"What are you doing?"


Kulang nalang umikot ang eyeballs ko ng marinig ang pamilyar na yatang masungit/mala DJ na boses ni Drey Caelan.


"Nag aayos ng sarili. May kailangan ka?" Balik ko sabay lagay ng lipgloss na pink sa labi ko.


"Anong klaseng tanong yan? Natural may kailangan ako! Personal 'alalay' kita, hindi ba!" Antipatikong sabi nito.


Naku! Hahayan nanaman siya! Bibira nanaman ang diyablo na toh! Pero in fairness! Isa siyang guwapong diyablo! Bagay na bagay sakanya ngayon yung damit na suot-suot niya!


"Ay! Oo nga pala! Na forget ko Sir na 'alalay' mo nga pala ako! Ano po ba ang iuutos ninyo saken?" Ngumiti ako sakanya ng matamis, pero duda ako at baka naging ngiting aso ang nagawa ko.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon