Chapter 5:

34 5 2
                                    

Rose P.O.V

Andito ako ngayon sa volleyball club ko, ganito kasi sa school namin dapat may tatlong club kang sasalihan.

Volleyball, Editorial, at Modern Dance ang mga club ko. Ang kay Mae naman ay Badminton, Editorial, at Modern Dance

Hindi yun sumali ng volleyball kasi takot yun sa bola at sa badminton siya magaling kaya eto ako ngayon walang kakilala

"Girls, warm up muna. Ten rounds jogging sa court. Ok faster start now" sabi ng coach

Wow ha, demanding pala yung mga couch  dito

Nagjog nalang ako baka magalit yung coach

Wahhh kapagod, ok lang, kaya pa

Isang round nalang, hooh malapit naaaa....

Thank you Lord, naku kapagod !!!

Naku toh ha, ano nalang kayang mangyayari sakin nito

"Ang lampa lampa mo naman, bulag ka ba? "

Napatigil ako sa pagdadrama ko na may biglang sumigaw

"Grabe ka naman maka bulag, hindi ba pwedeng hindi kalang nakita" sagot ng babae na sinigawan ng babaeng sumigaw kanina

Ahh alam ko na, nabangga siguro nung babae yung flirt na babae

Grabe makasabi ng FLIRT?  Kasi naman halos makita na ang kaluluwa sa ikli ng shorts. Ano style lang? Ewww

Bilib rin ako sa babae at sinagot niya yung flirt hahhaha palaban, ganyan dapat mga babae ngayon hindi nagpapa-api

"Aba! Sumasagot kapa talaga ha" sabi nung flirt

"Mabuti ngat sinagot kita, kasi magmumuka ka lang tanga diyan kung nagsasalita ka mag-isa at tsaka swete mo at sinagot kita kasi wala akong panahon makigusap lalo na sa mga katulad mo na halos kita na ang kaluluwa sa ikli ng shorts. Ano akala mo sa school, bar? "

Wow haba ng speech pero wagi si ate hahaha namumula na ngayon yung flirt sa galit, mukhang napahiya kasi marami ang nanonood

"How dare you to do that to me! " galit na sabi ni flirt at sinabunutan si girl

Dahil hindi nagpapatalo ang babaeng tulad ni girl ayun sinabunutan rin niya yung si flirt

Pero lugi si girl kasi may mga kasama si Flirt at si girl lang nagiisa

Matulungan na nga

Hilig ko bang makialam? Part yun ng role ko eh

Kinuha ko yung tubig ko at binuhos yun sa mga flirt

Oo! Mga flirt kasi pareho lang sila ng leader nila

"OMG"
"What the h*ck"
"aaaahhh"

Mga sigaw ng mga flirt

"Oppss sorry ingay nyo eh" sabi ko

"How could you do this to us" sabi ng isang flirt

"Sorry ha, bulag kasi ako hindi ko makita kung sino ang maigay kaya ayon binuhasan ko tubig para malaman ko at now alam ko na" sarcastic na pagkakasabi ko

Hahaha, ayos ba readers?

"And also bagay yan sa inyo kasi mukha kayong clown sa make up niyo, para naman mabawasan" dagdag ko

"Prrrrrt!!! " pito ng coach

"Whats happening here? At bakit kayo basa Stacy! " galit na tanong ng coach

"Couch sila ang nauna, binasa nila kami" sabi ng mga flirt

"Excuse me, ikaw ang nauna noh kasi sinabunutan mo siya" sabi ko flirt

"Anong ako eh siya nga yung namangga at isa pa bat ka ba nakikialam?! " sagot ni flirt

"eh-"

"stooooooop! All of you go to the office right now!" galit na utos ni coach

......

"Girls what happen awhile ago? " tanong ng principal

"Mrs. Salve, binuhusan niya po ako ng tubig at binangga niyabpo ako" naiiyak na sabi ni Flirt

"Alam mo ang galing mong atista, at sigurado ako na ang role mo ay stripper" ako

"Ms. Torres thats too much! I have called your parents already and they are on their way here" galit na sabi ng principal

"Mrs. Salve bakit ho ba ako nasama dito eh wala naman akong kasalanan? " tanong ko sa principal

"Wag ka ngang magmalinis diyan! Binuhusan mo kaya kami ng tubig! " si flirt

"Nagsalita ang hindi nagmamalinis" biglang sabi ni girl

"Andyan ka pa pala" sabi ni flirt

"Andyan ka nga eh" si girl

"At-"

Hindi natapos ni flirt yung sasabihin niya nung dumating na ang mga parents namin

"Mrs. Salve what happend? " tanong ng mama ni flirt

"Why dont you ask your daughters about what happened " sagot ni  Mrs. Salve sa mama ni flirt

"Baby, what happen? " tanong ng mama ni flirt sa flirt

"Mommy sila kasi binangga at binuhusan nila kami ng tubig" sabi ni flirt

"I dont have enough time with this , so how much do you need" deretsong tanong ng mama ni girl sa mama ni flirt

"Oh ikaw pala Mrs. Cruz, so this is your daughter? " tanong ng mama ni flirt sa mama ni girl

"Yes, she is my daughter. Leila Izabel Cruz" mama ni girl

Ahh so Leila Izabel pala ang pangalan ni girl

"Ah sorry Mrs. Cruz sa ginawa ng anak ko sa anak niyo "

"Ayos na pala eh" sabi ko

At dahil dun napatingin ailang lahat sakin lalo na si Mama

"Rose bakit ka napasama dito? " tanong ni mama sakin

Naku patay ako dito huhuhu

"Ahhh.... "

"Wag po kayo magalit sa kanya kasi tinulungan niya lang naman po ako kanina"

Biglang sabi ni Leila Izabel kay mama

"Hindi naman ako magagalit, nagtatanong lang naman ako" sabi ni mama

"ahh akala ko po pagagalitan niyo po si.... Ano pala pangalan mo? " tanong ni Leila Izabel sa akin

"Im Rosella Gabriel Torres,  Rose for short" pagpapakilala ko

"Nice to meet you Im Leila Izabel Cruz, Iza for short" pagpapakilala rin niya tapos nag-shake hands kami

"Ok settled na pala tayo dito so you may now go out" sabi ni Mrs. Salve

After nung pangyayari kanina umuwi narin kami ni mama

At ayun pinagsabihan na naman ako ni mama na lumayo sa gulo kasi baka mapahak daw ako

Ayaw ko talaga yung pinagsasabihan ako pero ano magagawa ko eh si mama yan eh

Ayy oo nga pala hindi ko pala nakausap si Mae kanina,bukas na nga lang




______________________________________

Okay ba? Or kailangan pa ng improvement?

Comment lang ng mga sagot niyo

See you sa next update!!! 😊😊😊

 The SylphOù les histoires vivent. Découvrez maintenant