Chapter 6:

25 4 2
                                    

Haaay naku babagyuhin na naman ako ni Mae ng tanong kasi hindi ko siya nakausap kahapon.

Pagdating ko sa school as expected andun si Mae at inaabangan ako sa gate

"Hoy! Babae anong nangyari kahapon at napa office ka?"

Hindi ko pa nga naapak ang paa ko sinalubong na agad ako ni Mae ng tanong

"Hoy! Answer me! " si Mae

"Una wag mo nga akong mahohoy diyan, may pangalan ako pangalawa, hindi ko pa nga naapak ang paa ko eh sinalubong mo na ako ng tanong, ano excited? " sabi ko sa kanya

"Ok sorry naman, at halika na nga dun mo ko kwentuhan sa room" sagot ni Mae

At ayun pumunta na kami sa room namin, ok pa naman kasing magkwentuhan kasi wala pa si teacher

"oh ngayon kwentuhan mo na ako" sabi ni Mae

"May nangyari kasi sa Volleyball club" simula ko

"Tapos napansin kong may nagaaway at pinagtutulungan nung mga flirt si girl-"

"FLIRT?" pagputol niya sa sinasabi ko

"Oo mga flirt sila kasi parang ewan mga suot nila halos maghubad na" paliwanag ko

Tumango naman siya

"kaya ayun binuhusan ko sila ng tubig para tigilan nila si girl" paliwanag ko

"What? Binuhusan mo sila ng tubig? At sino ba yang girl na yan? " Sunod sunod na tanong niya

"Yup, binuhusan ko sila ng tubig para tigilan nila si girl. Sino si girl? Ang sabi niya siya raw si Leila Izabel Cruz "

"Ahh ok, pinagalitan ka ba ng mama mo? " tanong niya

"Hindi naman pinagalitan, pinagsabihan lang naman " sagot ko sa kanya

"Ahh ok"

Tapos nagkwentuhan na kami at ilang sandali rin ay dumating na yung teacher namin

"Class nakapagpractice na ba kayo para sa video niyo? " tanong ni teacher samin

"Yes teacher" sagot ng mga kaklase ko

Nakapagpractice na naman ako kaya walang problema, ang kailangan nalang ay magpractice kami ni Alexis together then ishoshoot na namin

Naalala niyo si Alexis? Si Blake Alexis Gonzales?

Kung hindi niyo naalala basahin niyo ulit chapter 4

"Ok ishoot niyo na yan this weekend para maipasa niyo na sa Monday " sabi ni teacher

At ayun nagdiscuss na si teacher at nagbigay ng assignment

"Good bye class " pagpapaalam ni teacher

At nag bye narin kami sa kanya

'kring kring'   tunog ng bell

Niyaya ko na si Mae na pumuntang canteen para kumain

"Rosella! "

Pero bago pa kami nakalabas may tumawag sakin kaya napalingon ako sa kanya

Si Leila Izabel, yung tinulungan ko kahapon

"Uhhmm Hi, kakain na kayo? " tanong niya

"Ahh Oo papunta na nga kami eh" sagot ko sa kanya

"Kung ganon,  pwede bang sumabay nalang ako sa inyo? Wala rin kasi akong kasamang kumain eh" sabi niya

"Oo naman, pwede kang sumabay samin" sabi ko

"Yehey salamat" at ayun sabay na kami

Napapansin kong nananahimik si Mae kaya kinausap ko

"Mae, ok ka lang ba? " tanong ko

"Ahh sino siya?" tanong niya pero mahina lang

"Uhmm Hello ako nga pala si Leila Izabel Cruz, sorry hindi ako nagpakilala" pagpapakilala ni Izabel

Mukhang narinig niya yung tanong ni Mae kaya siya nagpakilala

"Hello din ako nga pala si Crystal Mae Ramirez, best friend ni Rose" pagpapakilala rin ni Mae

"Tara kain na tayo " aya ko sa kanila

At ayun pumunta na kami sa canteen

Then bumili ng snacks tapos humanap kami ng upuan para dun na kumain

"Bago pa pala kayo dito? " tanong ni Iza

Iza daw itawag namin sa kanya kasi masyadong mahaba ang Izabel

Nakwento kasi ni Mae na galing kami sa States

"Oo bago palang kami kaya wala kami masyadong alam tungkol sa school " sagot ni Mae

Siya na nga halos ang nakikipagusap kay Iza

Naku kahit kailan talaga tong si Mae
Masyadong madaldal

At ayun nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan , ay sila lang pala

Kanina pa ako na oop dito sa dalawang to eh,  hindi man lang ako sinasali sa usapan

Grabeh ha 😖😖😖

 The SylphWhere stories live. Discover now