Chapter 7:

32 4 7
                                    

Hayyy naku kanina pa panis ang laway ko dito kasi sila lang ang nagkwekwentuhan

Kaya magkasama kami ng pagkain ko ngayon,  mukhang kami lang naman ang nagkakasundo eh

Nakakatawa ba?

Ok fine waley! Hindi na ako marunong mag joke

Edi Kayo na! Kayo na ang magaling

*kriiiiiiiing kriiiiiiiiing *

Tunog ng bell yun kung hindi niyo alam

"Uy tara na Iza pasok na tayo baka malate tayo sa next subject natin " sabi ni Mae kay Iza sabay tayo

Ganun kalimutan? Ako ang best friend kinalimutan, anong klaseng kaibigan ka Mae? huhuhu

"So ganun kakalimutan niyo na ako sige fine maghahanap nalang ako ng IBANG best friend na hindi ako kakalimutan"

"Hoy Rose OA mo ha, wag mo ko maganyan ganyan. Sige maghanap ka ng ibang best friend kung gusto mo!" sabi ni Mae

"So ayaw mo na ako maging best friend? Ganun? " tanong ko sa kanya

"OA nito! Tara na nga, wag kana magdrama diyan baka malate pa tayo sa next class natin. At hindi kita papalitan bilang best friend kaya wag OA ok? " sabi nito

"Ok tara na nga baka malate na tayo "

Ayun buong araw namin nakasama si Iza at kwentuhan lang sila ng kwentuhan

Oo sila lang,  eh sa hindi ako mahilig makihalubilo lalo na sa mga  bago ko palang nakilala

Pauwi na ako ngayon at ang ingay ingay sa sasakyan kasi si Kuya Arnold kanta ng kanta wala naman sa tono hindi ko nga maintindihan ang lyrics ng kinakanta niya

"Kuya ang ingay mo! " sabi ko sa kanya  pero parang wala lang siyang narinig

Kinuha ko yung headphone niya para marinig na niya ako

"Ano ba problema mong chanak ka!?" aba nagalit at sinabihan pa talaga ako ng chanak

"Ang ingay ingay mo. Buti sana kung maganda boses mo pero jusko Kuya malayo ka pa sa malayo. At isusumbong kita kay mama dahil tinawag mo akong chanak. Unggoy ka! "

"Hoy iggit kalang sa boses ko kasi ikaw ang pangit pangit ng boses mo.Tsaka hindi ako unggoy noh " sabi niya

"Kung hindi ka unggoy eh ano ka? Bakulaw, palaka, ano pa ba hmmmmn" sabi ko sa kanya

Papasok na pala kami ng bahay pero heto pa rin kami nagbabangayan

"Gwapo ako, gwapo ok gets? Ikaw chanak! " sabi ni kuya

Hahahahahha nakita ko si mama sa likod ni kuya, lagot ka ngayon kuya

"Ma narinig niyo yun? Tinawag ako ni kuya ng chanak huhuhu " naiiyak sa sabi ko kay mama sabay hug sa kanya

"Arnold! Lagi mo nalang inaaway itong kapatid mo" sabi ni mama kay kuya

"Sorry na mama, sorry narin sissy please patawarin niyo na ako " pagmamakawa ni kuya

"Sige patatawarin kita kung ibibigay mo sakin yung laptop mo" sabi ko sa kanya haha kaya ayun binigyan niya ako ng *death glare*

"Ayaw mo? Sige hindi kita papatawarin"  sabi ko sabay iling

"Sige na nga! Basta alagaan mo si Jake ha" sabi niya

Hahahha mas bata pa talaga siya sakin eh, pinangalanan ba naman ang laptop niya

"Sure ako pa, aalagaan ko ng mabuti si Liana" sabi ko sa kanya

"Anong Liana!? " tanong niya

"Liana, yun na ang name niya. Hindi na Jake kasi akin na yun hindi na sayo hahahha" sabi ko kay kuya

Ayun nagalit kasi bakit daw papalitan yung name hahahha naku talaga si kuya parang bata




___________________________________

Sorry talaga sa short update

Walang maisip eh

 The SylphWhere stories live. Discover now