Chapter 10:

22 4 0
                                    

Zeth's POV:

Ngayon ay may lakad kami kami dahil may naghahamon ng gang fight .

Kainis nga eh!!! may plano sana kaming manood ng sine ngayon pero may mga feeling na magaling gusto kaming kalabanin

Hindi naman mataas rank namin, pangatlo lang naman sana kami sa pinakamalakas sa buong mundo pero bigla nalang daw nawala sina IRGT at Ms. M

Yung Gallant Bellicose ang pumalit at kami naman ang pumalit sa pwesto nila bilang pangalawa

Ngayon ang nanghahamon samin ay yung pangatlo gusto nila makuha ang pwesto namin, ayaw paawat eh. Mukhang pinaghandaan

Kahit tatlo lang kami kaya parin naming lumaban

"Uy ready na kayo dyan??? " tanong ko sa kanila

"Kainis kasi eh! Wala akong gana lumaban ngayon, gusto ko pang manood ng sine " sabi ni Lady

"Alam mo namang hindi pwede diba. Dahil kapag hindi tayo sumipot mapupunta na sa kanila ang pwesto natin.Masasayang lang lahat ng pinaghirapan natin dahil babalik na naman tayo sa umpisa." sabi ni Red kay Lady

"Handa na ba kayo? " tanong ko

tumango lang sila bilang sagot

"Sige tara na. " sabi ko at sumakay na kami papunta sa lugar kung saan gaganapin ang gang fight

Lady's POV:

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dito at wala ako ngayon sa mood lumaban eh sana walang mangyaring masama.

Pagdating namin sa lugar halatang kami nalang ang hinihintay dahil marami at sinisigaw na ang pangalan ng kalaban namin

Pero mas malakas parin ang sigawan sa pangalan ng gang namin

Bago kami pumasok ay sinuot muna namin ang mga maskara namin. Dapat kasi lahat nagsusuot ng mask para hindi malaman mga kaaway mong gang kung sino kayo

Pagpasok namin mas lalong lumakas ang sigawan

"PH! "

"Go Pink Horizon"

"Wag kayong papatalo PH"

Ilan lang yan sa mga sigawan na naririnig namin

May ibang gang rin ang narito para manood ng laban, katulad ng Gallant Bellicose.

Paspecial ha, may space na nakahanda na para sa kanila kung saan kitang kita nila yung laban

"Dahil nandito na ang Pink Horizon, simulan na ang pinakakahintay na laban"

Dahil dun nagsigawan na ang mga tao

Mae's POV:

Sinabi na sa akin ni Rose ang nalaman niya tungkol dun sa Gallant Bellicose na yun

Kapal ng mukha nilang lumapit lapit samin ha. Dapat bantayan namin ang mga kinikilos nila

Nung pauwi na ako galing sa paggawa namin ng project namin ay bumalik ako kasi naiwan ko pala yung shoulder bag ko dun sa music room nila .

Pagbukas ko ng pinto ay nandun pa si Ryan, nakatalikod sakin at may kausap sa phone

"Oo nakikinig ako, may gang fight sa **** at mamayang gabi na. Diba sabi ko sayo nakikinig ako eh" sabi niya sa kausap niya sa phone

Narinig niya yata ang pagsara ng pinto kaya napatingin siya sakin

"Mae? Kanina ka pa ba diyan? " gulat na tanong niya

"Ay hindi kakarating ko lang, binalikan ko kasi yung bag ko. Nakalimutan ko kasi, sige alis na ako" sabi ko sa kanya at umalis na

Kaya ngayon nagreready na kami papunta sa lugar kung saan gaganapin ang gang fight.

Namiss ko ring manood nun eh

Syempre nakasuot rin kami ng nababagay para sa isang gangster, may dala rin kaming mga dagger incase mapasabak

"Uy Rose alam ba ng mama mo na sasali ka ulit sa mga ganon " sabi ko sa kanya

Pinatigil kasi yan ng mama niya. Nung una ok lang naman sa mama ang pagiging gangster niya pero nung may nangyari sa kanya ay hindi na siya pinayagan ng mama niya

"Hindi, bahala na at paalala lang ha hindi ako SASALI! manonood lang ako" sabi niya

"Manood your face! Eh kung manonood ka lang naman bakit may dala kang mga dagger at baril aber?" tanong ko sa kanya

"Ingay mo! Tara na nga! " sabi niya

Kakaiba talaga tong babaeng to, galing umiwas ng tanong eh

Sumakay na kami sa aming mga motor papunta sa location ng gang fight

Oo! Motor!  Nakamotor kami ngayon, may mga motor kasi kami

Yung kay Rose hindi nakuha ng mama niya dahil tinago niya yun kung saan na siya lang nakakaalam

Ang ginaw! Buti nalang talaga hindi masyadong malayo kasi nanginginig na ako sa ginaw

Ang ginaw kaya magmotor sa gabi, sinasalubong ka ng malamig na hangin

Pagdating namin ay pinark na namin mga motor namin

"Haay salamat at nakarating rin" sabi ko

Hindi naman talaga namin alam kung saan ang lugar na ito, gumamit lang kami ng gps

"Oo nga ang lamig pa ng hangin " sabi ni Rose

"Tara na " sabi ko

Nagsimula na kaming maglakad papasok.....

Rose POV:

Nung papasok kami ay may mga taong pamilyar akong nakita na papasok na rin at mukhang nakita din ni Mae yun

"Diba sila Zeth yun? " si Mae

Oo tama, sila Zeth yung nakita namin. Yung nameet namin sa mall noong bumibili kami ni Mae ng Uniform

Nakita kong sinuot na nila ang kani kanilang mask at pumasok na sa loob

Narinig kong naghiyawan lalo ang mga tao nung pumasok na sila

Sinuot na rin namin ang mga mask namin ni Mae at pumasok na kami sa loob

Napakaraming tao I mean mga gangster pala.

Humanap na kami ng mauupuan at kung seswertehen nga naman may libreng upuan dun sa unahan kaya binilisan na naming umupo dun, baka maunahan pa

Mula dito ay nakita ko na ang Gallant Bellicose na nakaupo sa isang reserbadong upuan kung saan kitang kita ang lahat

Alam ko ng sila agad yun, nakita ko na kasi sila noon pero nakamask nga lang

"Dahil nandito na ang Pink Horizon, simulan na ang pinakakahintay na laban"

Napatingin ako sa malaking stage dun sa gitana , parang ring kumbaga pero hindi yung pamboxing

Laking gulat ko na nandoon sila Zeth, mukhang lalaban sila ngayon
ah

Tatlo laban sa labing lima? Seriously?

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila pero unang tingin ko palang sa kalaban ay alam ko ng kaya nilang talunin sina Zeth

Nakalagay sa isang screen na Pink Horizon vs. Black Cord

So Pink Horizon pala ang name ng grupo nila

-----------------------------------------------------------------------

Hello guys! Sa next chapter nalang ang gang fight ha!

See you sa next Chapter 😘 😘 😘




 The SylphWhere stories live. Discover now