chapter 28-canUBEmyeverything ?

1K 26 0
                                    



CHAENG POV

"anyare dun ?" naguguluhang tanong ni chichoo unnie .

" ewan" nakangiting sabi ni jennie ." sa loob nalang natin sya hinatayin " at nauna na syang nagalakad sa papasok sa loob . parang umiiwasa sa akin si lisa . dati kasi okey lang sa kanya na maging clingy ako . pansin ko lang hmmmmp ! parang something sila ni jennie .

" chaeng ! pumasok ka na " tinawag na ako ni chichoo unnie .

" coming " at dali dali naman akong sumunod sa kanya .

*sa loob ng bahay

Naka upo kaming tatlo sa sofa . si chichoo at jennie nag uusap na naman at ang sweet pa nila . ano kaya ang meron sa dalawang to ? hayst ! asan ka na ba lisa ? bat ba ang tagal mo ?

" gaano na kayo katagal na magka ibigan ni lisa chaeng ?" biglang tanong ni jennie sakin

" mag tatlong taon mahigit na ata " naka ngiting sagot ko tumango lang sya .

"palagi nga yang nilalandi ni lisa yang si chaeng " nakatawang sabi ni chichoo " minsan nga naiisip ko kung may something ba sa kanila "

Chichoo unnie bat mo kami binulgar ? pinahamak mo na naman kaming dalawa eh ! biglang tumingin ulit sakin si jennie at ngumiti pero iba yung nakikita ko sa ngiti nya . nagseselos ba sya ? may something talaga sa kanilang dalawa ni lisa . hindi na ako umimik. Naghaharutan na ulit sila ni chichoo unnie .

Pagkatapos ng 30 mins. Dumating na si lisa na may dalang pagkain .

" sorry kung natagalan ako traffic eh " sabay kamot sa ulo nya " tara na sa kusina " anyaya nya samin . magkasabay kami na naglakad ni chichoo unnie papunta sa kusina samantalang si jennie nakahawak na sa braso ni lisa. Ngiting ngiti naman si lisa na parang nanalo sya ng jackpot sa lotto tsk ! Nahuli na ba ako ng dating ? hindi ko na ba pwedeng sabihin kay lisa ang nararmdaman ko ? for goodness sake chaeng ! mag bestfriend kayo *sigh

JENNIE POV

Andito kami ngayon sa malaking kusina ni lisa . si lisa talaga ang naghanda sa lahat . hayst ! napaka hard working talaga ng manoban ko tsaka napaka gentleman din nya , pinagsilbihan nya talaga kami ngayon *gummy smile * inilapag na nya sa lamesa ang binili nyang chikin . bumili din pala sya ng strawberry shave ice. Pero laking pagtataka ko bat ube shaved ice ang nasa harapan ko

" bat ube shaved to ?" dismayado kong tanong sa kanya .

" UBE my everything " bulong nya sakin . takte ! di ko yan napaghandaan . tumalon talaga ang puso ko sa binulong nya .

" bat ka nag blush jen ?"nagtataang tanong ni unnie sakin " ano ba ang binulong ni lisa sayo ?" napatingin na din si chaeng samin .

" huh ? w-wala po unnie " dipensa ko .lisa is giggling . putek ka talaga manoban !

"anyare din sayo lisa ?" nagtataka na talaga si unnie sa kinikilos naming dalawa .

" kinikilig lang po ako sa lamig ng strawberry shaved ice " naka ngiti pa din ang baliw.

"talaga lang huh "halatang hindi naniniwala si unnie samin . si chaeng naman tahimik na nilalantakan ang pagkain nya .kininditan ako bigla ni lisa at tumabi sya sakin . pakiramdam ko lalagnatin ako sa pinaggagawa ng manoban na to ! nagsimula na kaming kumain . si unnie at chaeng halatang masaya sa kinakain nya . si lisa naman overjoyed sa French fries nya .kumuha din si chaeng " nom ! nom ! nom ! ang sarap naman ng french fries nay an lisayaaah " naiiyak pa talaga si chaeng . natawa lang si lisa at pinahiran ang luha ni chaeng , weird ! naiiyak ba talaga sya pag nakakain sya ng masarap ?

EPHEMERAL(COMPLETED)Where stories live. Discover now