JENNIE POV
Nagtataka bat alam ni lisa na magkapatid kami ni jisoo ? Sinabi ko sa kanya kasi kanina pa sya nagseselos eh tsaka isa din sa challenge nya na makuha ang permission ni unnie . bigla nalang akong hinila ni lisa .
" pag si chaeng bawal kong landiin pero si jisoonnie kanina mo pa yan nilalandi eh "nagtatampo na naman sya . ang kyot kyot talaga nya para talaga syang bata .
"kapatid ko kaya to " mas hinigpitan ko pa ang pagkayakap kay unnie .
"tssss" umupo ulit sya sa sofa at ang lungkot ng mukha nya . lumipat ako ng upo at niyakap sya .
"wag na kasing magtampo " naka ngiti kong sabi .
"ehem ! andito pa ako !" seryosong sabi ni unnie .
" sorry po unnie " naka ngiti kong sabi .buti nalang na pumayag si unnie na ligawan ako ulit ni lisa . overjoyed talaga ako ngayon . hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa speech nya kanina.namoooo ! nagwawala pa talaga ang butterflies ko sa tiyan !
"hindi ka pa ba uuwi lisa ? gabi na ! " nataranta naman na tumayo si lisa at naglakad papunta sa pinto .
"papauwi na nga ako unnie " sabay pihit sa pinto ."sabay na tayo unnie " anyaya nya .
"dito ako matutulog ngayon lisa . kaya ikaw umuwi nka na baka hinihintay ka pa ni chaeng " seryosong sabi ni unnie . the hell ! ano sila mag jowa ? naghihintayan talaga ?
"wag ka ng magselos jennie hindi yan papatulan ni chaeng ! ayaw nun sa mga malalandi " tumawa pa si unnie . ganun ba talaga ako ka obvious ? langya !
"bat ka nakatayo jen ? ihahatid mo ba sa parking lot si lisa ? " panunukso ni unnie sakin.si lisa naman nag puppy eyes pa sa harap ko . gusto pa ata nya na ihatid ko sya .
"hindi unnie " ngiti kong sabi " isasara ko lang ang pinto ! alis na lisa ! baka naghihintay pa sayo si chaeng " pantataboy ko sa kanya.nag pout lang sya at nag wave kay unnie . tinalikuran nya lang ako . nagtatampo ata sya .
"hala ka ! nagtatampo yan !" panunukso ni unnie sakin . dahan dahan naman na lumabas si lisa ang pinto .langya ! anong drama nya ? ano ba lisa ! wag ka ngang mangonsensya sakin !
" pustahan tayo nagtatampo talaga yan !" tumatawa na si unnie . takte ! pinagtulungan ata ako ng dalawang to . " hug mo na kasi jen " utos ni unnie sakin " hindi ako titingin " sabay takip sa mata nya .biglang humarap si lisa sakin at yinakap ako ng mahigpit.
" ako na ang gagawa para hindi ka mapagod " bulong nya sakin. Takte talaga ! lagi nalang akong pinapakilig ng manoban na to !
" ayiieee !" tukso ni unnie sakin
"alis na ako bye " at umalis na si lisa . naiwan akong tulala na nakatayo sa pinto .
" jen ! kanina pa umalis si lisa . wala ka bang balak na isara ang pinto ? " tawang sabi ni unnie . natauhan naman ak sa sinabi ni unnie at isinara ang pinto at lumapit na ako kay unnie .
" matutulog na ako jen sobrang nakakapagod ang araw na to may jetlag pa ata ako " at naglakad na sya papunta sa kwarto ." wag mo ng isipin si lisa baka hindi yun makatulog dahil sa kakaisip mo sa kanya " panunukso na naman ulit ni unnie sakin . napangiti ako sa sinabi nya , ang manoban na yun grrr!!!
KINAUMAGAHAN :
Maaga akong nagising ngayon . ewan ko ba kung bakit ? mahimbing pa din na natutulog si unnie sa tabi ko.hmmmm.... ano baa ng schedule ko ngayon ? bukas na pala ang grand opening ng MGC. Bat di pa din nagpaparamdam si lisa sakin ? busy ba sya sa panlalandi sa BFF nya ? nakalimutan na naman ba nya ako ? hayst ! bat ba kasi sa isang katulad pa ni lisa ka nagkaka gusto ? baliw ka na ba jennie charvi kim ? pati sarili mo tinatanong mo na ! kasalanan yan ng puso mo bat sobrang adik ka kay lisa ! tsaka hindi mo sya gusto , mahal mo yun at hindi mo lang mahal , mahal na mahal mo pa talaga ! hayst ! anyare na bas akin ? tanong ko sagot ko. Nag unat ako bumangon na sa kama kailangan ko talaga ng malamig na malamig na paligo ngayon para matanggal sa isipan ko ang manoban na yun ! agad akong pumasok sa c.r at naligo . pagkalabas sa c.r naabotan ko si unnie na nag uunat ." san baa ng punta mo ngayon jen?" inaantok pa din ang boses nya at humihikab pa sya .
" may practice ako ngayon para sa dance intermission ko sa grand opening ng MGC unnie " habang nag aayos ako ng sarili ko .
"hmmm.. " at humiga sya ulit . alam ko na talaga kung saan ako nagmana sa pagiging antokin .
Phone ringing...
Sino ba tong tumatawag sakin ? pagtingin ko sa phone ko.. tsk ! ang beloved manoban ko pala ! buti naman at naalala pa nya ako .
"hello ?" matamlay kong sagot sa kanya .
" good morning love ! "masiglang bati nya sakin . tae ! hanu daw ? love ? ano na naman ang nakain ng manoban na to ?
"anong atin " wala pa ding emosyon ang boses ko.
"may gagawin ka ngayon ?" may balak ata sya ngayon.
" meron bakit "
"ahy " dismayado sya sa sagot ko . "isasama sana kita . gagala kami ngayon ni chaeng mag trampoline at archery kami ngayon " tangina ! tumawag lang ba sya para pagselosin ako ?
"may lakad din kami ngayon ni unnie " pagsusungit ko sa kanya.
" wrong timing pala ako ! so next time nalang ! ingat kayo ni jisoounnie I love you " at pinatay ko na ang tawag . piste talaga ! hindi ba sya marunong makiramdam na nagseselos ako ? ang manhid talaga ng manoban na yun !!!
YOU ARE READING
EPHEMERAL(COMPLETED)
Fanfictionpaano mo ba papahabain ang isang sandali na malapit ng matapos ? would you still stay even if she is leaving you behind ? or would you left and forget everything about her even if she is the love of your life ?