chapter 49-lord jisoosss !!!

1.1K 20 6
                                    

JENNIE POV

mag dalawang buwan na kaming magkasamang nakatira ni manoban sa isang bahay. we're sharing one room . naging masungit at bugnotin na din sya at palagi na din syang moody dahil siguro sa mga iniinom nyang mga gamot .nagising ako na wala na sya sa tabi ko . bumangon ako at lumabas sa kwarto .

"asawa ko ? asan ka ba ?" pero walang sumagot sakin . bumaba na ako sa sala pero wala din sya doon . nakita ko syang naka upo sa labas ng bahay habang nakatingin sa pagsikat ng araw . lumabas ako ng bahay at lumapit sa kanya .

"bat di mo ko ginising ?" at yumakap ako sa kanya . deadma nya lang ako.

" wag kang yumakap sakin " pagsusungit nya at kumawala sya sa mga yakap ko  at naglakad sya papunta sa dalampasigan . hayst ! nagsusungit na naman sya !

"ohy asawa ko !" tawag ko ulit sa kanya . nagpapa cute na ako sa kanya . lumingon sya sakin . " your queen demands a hug " at nag gummy smile ako sa kanya .. nagpoker face lang sya sakin at naglakad ulit .hayst ! deadma na naman ako . " ano ba ? hindi mo ba ako naririnig ?" sumigaw na talaga ako . tumigil sya.

" you know i hate hugs ! and your not a queen dumbass !" ano daw ? kelan pa sya naging allergic sa mga yakap ko ? grabe na talaga sya ! napipikon na talaga ako sa kanya !

" i said i want a hug !" tumakbo ako papunta sa kanya at yumakap .

" hey !" na out balance sya at natumba .nadaganan ko sya .

" pag sinabi ko na gusto ko ng yakap dapat yayakap ka sakin ! and that's and order!"at hinalikan ko sya sa labi . nagulat sya sa ginawa ko .

"luhh ! PDA talaga ?" natatawa na talaga sa kanya .

" eh ano ngayon kung PDA tayo ? mahal mo naman ako diba ? at di mo naman ako kinakahiya ? sa ganda kong to nahihiya ka pa talaga na nilalandi kita ?" nag smirk ako sa kanya . hindi sya umimik . tinitigan nya lang ako ng maigi . ang lungkot ng mga titig na binibigay nya sakin ngayon ." at ano yung sinabi mong hindi ako reyna ? may nahanap ka na bang ibang reyna sa puso mo ?" tumingin sya sa langit .

" dapat masanay ka na walang ako sa buhay mo " malamig nyang sabi sakin . nasaktan ako sa naririnig ko mula sa kanya . alam kong anong oras man ay aalis na naman sya sa buhay ko . tumawa ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko .

" ano ka ba ! diba dapat pinagsisilbihan mo ko , asawa mo na kaya ako " at yumakap ako sa kanya . unti -unti na akong pinapatay sa lungkot na nararamdaman ko araw araw pero kailangan kong maging matatag para sa kanya ."wag ka ngang magdrama dyan hindi bagay sayo !" at kinurot ko ang pisngi nya . 

"ouch ! sadista naman ng nitong nakadagan sakin ! baka hindi ako mamatay sa sakit " at ngumiti sya . " baka mamatay ako sa pagkadagan mo ! ramdam ko talaga ang mga kabundukan mo asawa ko ! bat nakalimutan mong isuot ang bra mo ? alam mo bang nag iinit ang katawan ko sayo " at kumindat sya sakin . she's pretending again . ayaw na ayaw nya talaga na nalulungkot ako .

"tssssss ...." inirapan ko sya ."eh ano ngayon kung nararamdaman mo ang kabundukan ko ? hinawakan at nilamas mo naman to kagabi tsaka huhubadin mo pa din naman ang bra ko kaya di  ko nalang sinuot sayang sa effort !" namula sya sa sinabi ko . ang kyot nya talaga hahaha namooo ! " gusto mo umulit ?" i'm teasing her again sabay kindat sa kanya . mas lalong namula ang pisngi nya .

" bakit ? okey lang ba sayo dito ?" nanindig ang lahat ng balahibo ko binulong nya . langya ! seneryoso nya talaga ang biro ko . kumilos sya bigla at sya na naman ang nakadagan sakin ."looks better in this view " ngumiti sya sakin ng nakakaloko ." ano nga yung ideal mong mapapangasawa ?" out of nowhere nyang tanong . napatingin ako sa kanya .

"bakit ?" naguguluhan kong tanong sa kanya . sandali syang natahimik at parang nag iisip .

" diba anak ng panadero yun ?" natatawa nyang tanong sakin . nagulat naman ako sa sinabi nya .

" huh ? bat anak ng panadero naman ang gusto kong mapangasawa aber ?"ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng manoban na to ? 

" kasi lalamasin ka nya tapos lalamasin mo din sya , edi maglamasan kayo " futa ! tumawa sya ng  malutong ! bwesit ! ang dami talagang alam na  kalokohan ng manoban na to ! inirapan ko sya at hinampas ko ang braso nya .

" eh hindi ka naman anak ng panadero eh bat ang galing mong manglamas ?" mas lalo syang natawa sa tanong ko .

" di natin alam baka yung great great grandfather ko magaling na panadero hahahaha !" pagulong gulong na sya sa buhangin dahil sa kakatawa . bwesit naman  talaga ! bat di ko ba sya maisahan ? bumangon ako at tiningnan sya habang tumatawa pa din .sobrang mamimiss ko ang tawa nya kapag umalis na naman sya ulit sa buhay ko . mas  masakit pala pag alam mo ang dahilan kung bakit sya aalis kaysa aalis sya ng ng hindi mo alam . nadudurog na ako  ng sobra .

" ohy ? bat mukha kang namatayan ? hindi pa po ako patay " natatawa nyang sabi .

"namatayan kaya ako " nagulat sya sa sinabi ko. bumangon sya at pinahiran nya ang mga luha nya dahil sa kakatawa .

"huh ? sino ba ang namatay ?" pa inosenteng tanong nya .

" yung puso ko patay na patay sayo " nag gummy smile ako sa kanya . hindi agad sya nakapag salita sa sinabi ko . wahahahahaha at last i win ! 

"weg kese genyen " siraulo to !" at kinabig nya ako at napahiga kami ulit sa buhangin . yumakap sya ulit sakin ng mahigpit at inangkin ang mga labi ko . my manoban is driving me wild. napahawak ako sa leeg nya to deepen the kiss . naglalakbay na naman ang mga kamay nya sa katawan ko . kabisado na nya talaga ang bawat  sulok ng katawan ko hindi na talaga sya naliligaw, alam na alam nya kung saan ako hahawakan to make me want for more . bumaba na ang halik nya sa leeg ko .

"ehem !" kapwa kami nagulat sa narinig naming may tumikhim sa likod namin . natigilan si manoban sa ginagawa nya ." guys ang aga aga pa eh pinapainit nyo na ang dalampasigan " hindi na talaga gumalaw si manoban na nakadagan pa din sakin . pinagsiksikan nya ang mukha nya sa dibdib ko . hahahah biglang nahiya ? namumula naman ako sa hiya ! langya ! naabotan talaga kami ni unnie sa ganitong posisyon " malakas na pala si lisa eh , lagi pala syang nag eehersisyo ! just keep it up jen ! " panunukso samin ni unnie . langya talaga ! kakahiya namooo talaga ! " hihiramin ko muna si lisa jen may pag uusapan lang kaming importante " gusto ko na talagang magtago dahil sa sobrang hiya pero paano ako babangon eh nakadagan pa din si lisa sakin .

"uhmm unnie " sabay turo ko kay lisa .nag smirk lang si unnie 

" lisa wag ka ng mahiya ! kitang kita ko talaga ang pinaggagawa nyo kanina " pang aasar ni unnie sa kanya .hindi pa din sya natinag sa sinabi ni unnie.

" manoban ! bumangon ka na dyan may pag uusapan daw kayo ni unnie " hinawakan ko ang mukha nya at sobra akong natawa sa nakita ko . pulang pula talaga ang mukha nya magka mukha na sila ng kamatis .

" bat mo ba ako pinagtatawanan ?" nag pout  sya . " cge tawa pa hahalikan talaga kita " pagbabanta nya . 

" oo na di na ako tatawa " at pinahiran ko na ang mga luha ko dahil sa kakatawa . salamat naman at bumangon na sya sa pagkadagan sakin . inalalayan naman nya akong makatayo . n agpagpag ako ng buhangin . 

" good morning jisoonnie " bati nya kay unnie . nag smirk lang sa kanya si unnie . kawawang manoban ! 

" babalik na muna ako sa bahay " paalam  ko sa kanila . nag  nod lang si unnie . ang lungkot ng mukha ni manoban ." don't worry babalik agad ako magpapalit lang ng damit sabay na tayong maligo sa dagat " yumakap sya sakin .

"ehem !tama na ang landian ! at jen ayosin mo yang leeg mo hinahanap ka pa naman ni papa at mama " grabe talaga si unnie eagle eyes lage ! nag nod lang ako sa kanya at kumawala na ako sa mga yakap ni lisa . 

" balik ka kaagad ahhh !" pahabol na sabi ni manoban sakin .nag nod lang ako at naglakad na paalis . nilingon ko ulit silang dalawa . bat ang seryoso ng mga mukha nila habang nag uusap ?

ano kaya ang pinag usapan nila ?

EPHEMERAL(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon