chapter 46-she's dying

1K 20 0
                                    

JI SOO POV

naka alis na si liam . bat ganun nalang ang pinapakita nyang pag alala kay lisa ? anong meron sa kanila ? buti naman at ligtas na sya . akala ko talaga kanina na mawawala na sya ! ano ba kasi ang nangyari sa kanya ? 

phone ringing...

sino ba tong tumatawag sakin ? hmmmmmp ..... bat ba ako tinatawagan ni jennie ? 

"hello ?" naririnig ko ang pag hikbi nya sa kabilang linya . 

" unnie alam mo ba kung nasaan si lisa ngayon ?"tarantang tanong nya sakin .ano ba ang sasabihin ko kay jennie ? hindi agad ako naka imik . napa tingin si chaeng sakin.

"unnie ?" ulit na tanong ni jennie sakin .

"ililipat na po ang pasyente pakisamahan lang po " naka ngiting sabi ng isang nurse . tumayo naman kaagad si chaeng .

" mauna ka na chaeng susunod nalang ako " nginitian ko si chaeng . tumango lang si chaeng at naglakad paalis .

" unnie nasa hospital ka ba ngayon ?" umiiyak pa din sya ." may nangyari bang masama kay lisa ?" paano ko ba sasabihin kay jennie ang kalagayan ni lisa ngayon? "sumagot ka naman unnie please !" nagmamakaawa na sya .

"jen " nanginginig ang boses ko . " okey lang si lisa hinimatay lang sya kanina " pagsisinungaling ko sa kanya .

"asan ba sya ngayon ?" puno ng pag aalala ang boses nya ."i need to see her unnie " natuyo lahat ng laway ko sa lalamunan sa sinabi nya .magsisinungaling na naman ba ako ulit sa kanya ? 

"magkita nalang tayo sa condo mo jen " at pinatay ko na ang tawag . paano ko  ba sasabihin kay jennie ang ginawa ni lisa ngayon ? baka sisihin nya angsarili nya dahil sa nangyari kay lisa . naglakad na ako papunta sa kwarto ni lisa .

* sa kwarto ni lisa 

naabotan ko si chaeng na nakayakap kay lisa at umiiyak pa din . nahulog talaga ang loob nya kay lisa. wala namang alam si lisa sa nararamdaman nya . kawawang chaeng ! 

"andito ka na pala unnie" at pinahiran nya ang mga luha nya at kumawala sya kay lisa . 

"kumusta na sya chaeng ?" sabay tingin ko kay lisa .may benda ang ulo at pulso nya .nakakaawa ang lagay nya ngayon .

"okey naman sya unnie sa palagay ko "napa tingin ulit ako sa kanya . "ganun ba nya kamahal si jennie unnie at nagawa nyang maglaslas ? " tumulo ulit ang mga luha nya .nakikita ko talagang sobra syang nasasaktan ngayon  .

"siguro chaeng " at napa buntong hininga ako ."okey lang ba chaeng na iwan na muna kita dito ? may importante lang akong pupuntahan babalik ako bukas dito "paalam ko sa kanya. tumango lang sya at ngumiti .

"kaya ko na po unnie sige ingat ka at salamat "nginitian ko sya at lumabas na ulit .

*sa condo ni jennie 

nakapasok na ako sa condo ni jennie . naabotan ko syang humihikbi sa sala .

"unnie " tumayo sya at yumakap sakin . napayakap na din ako sa kanya .sobrang nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya ngayon ."hindi ko sana sya sinaktan unnie !hindi ko sana sya iniwan ! "tumulo ang mga luha ko sa sinabi nya ."pinaglaban ko sana sya ! hindi sana ako  nagpadala sa pamba blackmail ng papa nya sakin " what ? blinack mail si jennie ? kaya  ba sya na engage kay leigh ? "hindi ako karapat dapat sa pagmamahal nya unnie " humikbi sya sa balilkat ko . my poor jennie ! nadamay sya sa kabaliwan ng papa ni lisa ! 

"tahan na jen  " alalo ko sa kanya . " everything happens for a reason .tsaka alam kong hindi galit si lisa sayo .sobrang mahal ka nun at diba sabi nya your her everything " ngumiti ako sa kanya .

EPHEMERAL(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin