#18

37 9 0
                                    







PansamanTALA
Ni Kuro Shiro
~
Ako ang iyong pansamantala tuwing,
wala sa tabi ang iyong bituin.
Ako na palagi mong tinatakbuhan,
kapag hindi mo siya mahagilap sa kalawakan.
~
Ako na iyong pansamantalang unan,
kapag ikaw ay umuuwing luhaan;
Ako na iyong pansamantalang kumot,
na bumabalot sa problema tuwing nalulungkot.
~
Minsan ako ay napapaisip,
sana ako naman kahit sa minsang panaginip.
Minsan ay napatitingala sa mga ulap,
iniisip na tayong dalawa'y nasa alapaap.
~
Maaari ba ako naman ang iyong Tala,
maaari ba ako naman at hindi na maging pansamanTala.

Piyesa ng mga Plumang LuhaanWhere stories live. Discover now