“Ang Misteryo sa Likod ng Maskara”
Ni KURO Shiro~
Kasabay ng pag-usbong ng buwan sa kalangitan,
Ay ang pagluha ng aking pluma sa’king sulatan.
Bawat pantig ng tulang iginuguhit ng aking isip;
Ay katumbas ng mga luhang pumapatak sa’king dibdib.~
Tulad ng buwan na naghahari tuwing sasapit ang gabi,
Ang aking pagkatao na ni isa walang makapagsabi.
Misteryosong matatawag ng iilan na nagdidikta,
Ngunit walang nakakaalam at walang nagbalak magprisenta.~
Mukang masaya kung titignan sa malayuan,
Ngunit iyong maiintindihan kung titignan ang kalooban.
Mahirap basahin kung 'di pagtityagaan,
Kung ayaw mong malaman ay iyo na lamang hayaan.~
Nagtatago sa ilalim ng nakangiting maskara,
Ngunit ang totoo’y napakaraming iniinda.
Sakit na hindi pisikal kundi emosyonal,
Sakit na dulot ng mapanghusgang lipunan.