#20

36 10 0
                                    






"Obra ng Panaginip"
Ni Kuro Shiro
~
Ang mga mata ay unti-unting ipinikit
Hinayaang kumalma muna ang aking isip;
Hanggang sa maramdaman ang kapayapaan
Ngayon ang obra ay akin nang sisimulan.
~
Sa pagdilat ko sa panibagong mundo
Ay napadpad ako sa isa pang yugto;
Daglian kong kinapitan ang espadang pluma
Pati ang kalasag na papel ay aking kinuha.
~
Ngayon ay nagsimula na nga ang aking plumang kumumpas
Kasabay ng imahinasyong unti-unting bumubukas;
Sa sandaling mga alaala'y nagparamdam sa'king isipan
Mga nadarama'y dagliang inilapat sa'king sulatan.
~
Huminto na ang aking pluma sa kanyang pagkumpas
Makukulay na palamuti sa'king kalasag ay mababakas;
Nakatha na ang panibago kong piyesa
Ang magandang panaginip ay ganap nang obra.

Piyesa ng mga Plumang LuhaanWhere stories live. Discover now