#45

23 5 0
                                    


"Itinadhana ni Bathala"
Ni Kuro Shiro


Nandito nanaman ako kaharap ang aking panulat,
Hinihiling na sana'y 'di ito magsawa sa aking inilalapat.
Mga tulang tanging ikaw lamang ang laging paksa,
Mga tulang naglalaman ng aking pagluluksa.

Ilang luha na ang ibinuhos ko mula sa magdamag,
Ilang parirala at pangungusap na rin ang nabuwag.
Pilit na dinugtungan ang mga salitang nailapat,
Tulad ko na sa iyo kuno'y di karapa't dapat.

Paano nga naman ako matutulungan ng tadhana,
Kung ang nagtakda ng lahat ay ang mahal na bathala.
Unti-unti ko na lamang sa aki'y  itatatak at tatanggapin,
Na ikaw kalianma'y di ko na makakapiling.

Piyesa ng mga Plumang LuhaanWhere stories live. Discover now