#47

20 5 0
                                    






“Pagsuko”
Ni Kuro Shiro


Patawarin mo ako sapagkat,
ang dating samahan natin ay nagkalamat.
Pilitin ko man ngunit,
hindi ko mapagdugtong ang bawat guhit.
Humingi na ako ng tulong ngunit,
pawang bulong lamang ang aking narinig.
Mga bulong na walang katapusan,
na di ko alam kung saan sisimulan.
Paano ba aayusin?
Bakit bumubulong na tapusin?
Paano nga ba bubuohin?
Kung pilit mo naman akong babalewalain.
Ilang beses nang lumubog ang araw,
ilang beses naring umusbong ang buwan.
Ilang bulalakaw na ang dumaan,
ngunit wala ni isa ang tumupad.
Ito na nga ba ang senyales,
na kailangan ko nang sumuko at umalis.
Titiisin ang bawat pangungulila,
titiisin na sa buhay ko ika’y wala.
Tatapusin na ang ating nasimulan,
katapusan na sa dulo ang hangganan.

Piyesa ng mga Plumang LuhaanWhere stories live. Discover now