Chapter 5

1.5K 55 0
                                    

Xandra's POV

Nagising nalang ako na nasa may kotse na ako kaya nataranta ako.

"Sino kayo .!!??" takot at nanginginig pang wika ko sa mga lalaking kasama ko at humarap silang tatlo.

"Xandra kami to." nakakunot ang noo na wika ni Harold.

" Saan kayo nagpunta nila Loe bakit wala kayo ?!" agad kong tanong sa kaniya.

"Kasi magtra-transfer na kasi kami sa ibang paaralan !" paliwanag niya.

"Ah okay ..!...........Bakit nga pala ako nandito ang pagkakaalam ko pinokpok ako ng isang lalaki sa batok ko ng matigas na bagay tapos hindi ko na alam ang nangyari ..!!?" sabi ko at nagtinginan silang tatlo at lumaki ang mga mata. Ang weird nila!!! Baka may kinalaman sila sa nangyari???.

" Ah n-niligtas ka k-kasi nila Silver !" utal na sabi ni Harold.

Anong nangyayari sa kaniya at bakit kilala niya si Silver !? Baka pinag lalaruan nila ako.

"Matagal na kaming magkakakilala kaya wag ka ng magtaka kung kilala niya kami ." Mahinahon na sambit si Blue na napauwang ng bibig ko..
Nalaman niya ang iniisip ko ..!!

"Wala na yung LALAKING pumukpok sa ulo mo!" Paliwanag ni Silver at diniinan niya ang pagsabi ng salitang LALAKING na parang may ibang tinutukoy.

" Salamat kung ganon ! Salamat sa pagliligtas !" malawak na ngiti ang binigay ko sa kanila.

Di ka namalayan na nasa tapat na kami ng bahay namin at bumaba na ako at nagpasalamat. Hindi na ako nagtaka kung bakit nalaman nila kung saan ako nakatira dahil kay Harold.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at laking gulat ko at nandito si mama. Dali dali ko siyang niyakap ng mahigpit tapos humiwalay din ako .

" Ma bakit na kayo nandito diba isang linggo po kayo sa trabaho?!" takang tanong ko.

" Anak kasi gusto kitang makita !" naluluha na sumbat ni Mama.

Hindi ko lubos kilala si mama dahil sa sobrang daming nililihim niya sa akin tulad kung sino at ano ang pangalan ng aking ama, kung saan siya nagtratrabaho, kung ilang taon at kailan ang kaarawan niya, at marami pang ibang mga bagay na hindi ko alam. Kung saan siya pupunta ay wala man lang siyang sasabihin kung saan.

"Anak salamat dahil naging mabuti ka sa akin, anak pasensiya na kung laging wala si mama dito sa bahay at sorry kung hindi ko sayo masabi kung saan ako nagtratrabaho, kung sino ang tatay mo , anak pasensiya na sa lahat ng pagkukulang ko sayo..!" humahagolgol na sabi ni mama.

Hindi ko namalayan na tumutulo na rin ang luha sa aking mga mata.

"Mama ano pong sinasabi niyo !? Wala po kayong pagkukulang dahil naiintindihan ko naman po..!" wika ko habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko .

"Anak sana wag kang magtatanim ng sama ng lood sa akin !"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Nagugulohan na ako sa mga sinasabi niya. Sobrang wierd ni mama.

"Anak sasabihin ko na ang dahilan kung bakit pilit akong naglilihim sa iyo.!!"

"Mama hindi na po kailangan tanggap ko po kayo...!!" wika ko lumapit si mama at hinawakan niya ang aking mga kamay.

" Ang tunay na dahilan kung bakit ako naglilihim sayo dahil hindi kita tunay na anak .!" sambit niya na nagpataas ng lahat ng aking balahibi at nagpatigas sa aking buong katawan

'hindi kita tunay na anak'
'hindi kita tunay na anak'

Nagpaulit ulit ito sa aking isipan at hindi ito matanggal. Kay pala naglilihim siya sa akin. Puro kasinungalingan lang pala ang pinakita niya.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now