Chapter 18

1.2K 38 0
                                    

"Isang propesiya ang nakatakdang mangyari. Kada isang sildo may isang Bampirang babae na magsisilang ng Dalawang kambal na anak na nagtataglay ng kakaibang kapang yarihan, kapangyarihan ng Yelo at Apoy. Ngayong ika-sampung siglo si Mom lang kaisa-isang babaeng may kambal na anak at kayo yon. Kayo ang itinakda na tatalo sa may hawak ng kwentas. Sa inyong ika-labing walong kaarawan ay lalabos ang inyong kakayahan at kapangyarihan kaya dapat sa lalong madaling panahon ay kailangan niyo ng magsanay. Ang senyales kung kaylan ang nakatakdang panahon ay sa ika-pitong Kabilugan ng buwan. Sa gabi ng inyong kaarawan ang ika-limang kabilugan ng buwan at kada dalawang buwan lamang nagkakaroon ng kabilugan." Yan ang sabi ni kuya sa amin.

Naintindihan ko na kami ang sinasabing itinakda ng propesiya na kami ang tatalo sa kung sino man ang may hawak ng mapanganib na kwintas. Pano namin siya matatalo kung hindi pa kami handa at ako na wala pang kaalam-alam sa pakikipag laban. Di tulad nila Kuya at Silver ng nilabanan nila yung mga lalaki ay bihasang bihasa na sila. Sino nga pala yung mga lalaking umatake sa amin.

"Kuya sino nga pala yung mga lalaking umatake sa ating kanina at pansin ko Bampira din sila pero bakit kulay itim ang buong mata ng isang lalaki?"

"Mga alagad sila ng mayhawak ng kwintas, hinipnotismo sila kaya nagkaganon sila." Paliwanag ni kuya.

                               *---*

Ring ring ring.....

Tumunog ang cellphone ko na agad kong nakita kung sino ang tumatawag.

----------------------------------------------------

Kira's POV

"Zack samahan mo akong pumunta kila Xandra!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayaw ko ikaw nalang." Walang kagana-ganang sagot niya.

"Bakit nahihiya ka ba dahil sa ginawa mo?!" Pangaasar ko sa kanya at nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Oo na, oo na kung ano-ano pang sinasabi!" Inis na sigaw niya.

Ang sakit nan sa tenga!

Dumaan muna ako sa sala para magpaalam kila Mom at dad.

"Mom, Dad, alis na po kami!"

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Mom.

"Oo nga saan nga ba?" Sabat naman ni Dad.ß

"Pupuntahan namin si Xandra!"

"Sige ingat kayo!" Sabay kiss kay mom at dad.

Lumabas kami ng bahay gamit ang sasakyan ni Zack na kanina ay nagiinarte pa. Halos ayaw pa nga niya akong pasakayin ang damot kala naman niya sobrang dumi ko!

Patuloy lang siya sa pagdra-dirve ng bigla niyang niliko sa isang kanto ang sasakyan. Ikatlong kanto pa ito bago sa bahay nila at hindi naman ito yung daan papunta sa kanila.

"Hoy, diba sa bahay nila Xandra tayo pupunta eh bakit niliko mo!" Inis na sigaw ko at ang lakas ng topak niya dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanan niyang kamay.

"Eh wala naman siya sa bahay nila, nakisakay siya kanina sa akin at dito siya lumiko nakita ko!" Singhal naman niya.

"Ano namang pupuntahan noya dito?"

"Malay ko nasa akin ba utak niya at alam ko!"

"Gago ka talaga sana hindi nalang ikaw ang kambal ko , bw*sit ka!!"

"Sana nga !"

Hindi ko na siya pinanasin kasi nakakainis siya. Huminto kami sa isang Gate at may nakalagay na
DELA VEGA SUBDIVISION .

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now