Chapter 21

1K 29 0
                                    

Silver's POV

kasalukuyan kaming nagsasayaw ni Kira at gitna. Oo may gusto ako kay Kira simula pala ng makita ko siya.
Naiilang siya sa akin at nahalata ko yon.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?" Pagpuputol ko ng aming katahimikan.

"K-kasi Sil--mahal na prinsipe bakit niyo po ako sinasayaw!?"

"Kasi gusto ko at wala naman sigurong problema kung isayaw ko ang isang magandang binibini na katulad mo!"

"P-pero kasi----"

"Kira maaari ba kitang ligawan, sorry kung nabigla kita pero pwede ba?"

Naghihintay ako ng kasagutan sa kanya ngunit nakatulala lang siya sa akin. Unti-unti namula ang kanyang pisngi napangiti ako dahil alam kong kinikilig siya.

"Hindi mo na kailangang sumagot, maganda man o masama ang sagot mo ay wala kang magagawa dahil liligawan parin kita!" Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kanya." Sige ihahatid na kita kila tita at tito!"

Hinila ko na ang kanyang kamay patungo kila mom dahil alam kong kasama nila sila tita. Oo tita ang tawag ko bakit wala namang masama!
Andoon si Prinsesa Sathriana Kasama sina mom at tila may pinaguusapan na kung ano.

"Oh Prinsipe Silver, Kira, bakit kayo magkasama" biglang tanong ni tita.

"Sinayaw po kasi siya ni Prinsipe Silver kaya sila magkasama!" Saad ni Sathriana oh mas kilalang Xandra.

"Maroon bang namamagitan sa inyong dalawa?" Si mom naman ngayon ang nagsalita.

"Yes mom." Sagot ko saka ako humarap kay tita at tito dahil hihingin ko ang kamay ng kanilang anak upang ligawa. "Mr at Mrs Marquez maaari ko ho bang hingin ang kamay ng inyong anak na si kira upang ligawan?"

Luluhod na sana ako sa kanilang harapan ng pigilan nila ako.

"Mahal na prinsipe hindi niyo na po kailangang lumuhod. Isang karangalan para sa amin na isang prinsipe ang manliligaw sa kanya kaya pumapayag ho kami!" Anang magulang ni Kira.

"Maraming salamat po, sana po ay Silver nalang ang itawag niyo sa akin ,'tito','tita'!"

"Masusunod S-silver!" Sabi ni tita at nagtawanan kaming lahat.

*--*
Natapos ang siremonya ng aming kaarawan na may tuwa sa aming mga labi. Ito na siguro ang aming kaarawan na hindi ko malilimutan dahil ngayon lang kami nakumpleto at napakaswerte ko dahil pinayagan akong ligawan si Kira. Sa totoo lang ang kapatid niyang si Zack ay gusto naming dalawa ni kuya Xander para kay Xandra/Sathriana dahil simula pala ng makita namin siya ay alam na namin kung bakit niya ginagawa iyon. Minsan ay binabasa namin ang kanyang isipan kaya nalaman namin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawan ng kababalaghan si Xandra.

Pinaliwanag ni mom at dada ang lahat sa aming tatlo na kailangan naming pumunta ni Sathriana sa East High para magsanay. Si kuya Xander ay hindi na sasama dahil nagsanay na siya dati doon at bihasa na siya sa pakikipaglaban.

Noong minsang patulugin si Xandra gamit ang pagpukpok sa kanyang ulo dahil kailangan daw siyang ipunta dito sa mansyon ay si Kuya Xander ang pumigil. Napamangha ako sa kanyang mga ginawa. Hindi natuloy na ipunta siya dito sa mansyon dahil pinakiusap ni Maestra Xandia na gusto pa niyang makasama ang kanyang anak bago pumunta sa kanyang misyon. Ngunit ngayon ay hinahanap pa nga aming mga kawal si Maestra, pinadala siya sa San Fernando noon pero ngayon ang bayang iyon ay wasak na dahil nilusob iyon ng mga alagad ng may hawak ng kwintas.

Magkakasama kaming tatlo nila kuya at Sathriana sa Living room at naguusap.

"Silver, wag mong papaiyakin si Kira humanda ka sa'kin kapag umiyak siya!" Pagbabanta ni Xandra .

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon